Chapter 30

25.3K 637 55
                                    

LUMIPAS ang mga taon mula ng ikasal sina Jeb at Vixen ay nanatiling matatag ang kanilang pagsasama. Si Jeb yung taong lagi niyang inuunang isipin ang pamilya niya bago ang sarili niya. Kaya walang masabi dito si Vixen kundi ang magpasalamat at ito ang lalaking minahal niya.

"Jurie, ipukpuk ko sa ulo mo yang remote ng TV. Wala kanang ginawa kundi ang tumunganga dyan," sita niya sa panganay nilang anak ni Jeb. Ng manganak siya sa ipinagbubuntis niya noong bago sila ikasal ni Jeb ay isang malusog na baby girl ang ipinagkaloob sa kanila. At pinangalan nila itong Jurie Michaela. "Doon ka nga sa mga pinsan mo." Anito. Bigla naman sumimangot si Jurie.

"Mom, last na yan oh! Promise after ng pinapanood ko pupunta ako sa bahay nila tita AD." Ani Jurie na nagpacute sa ina. Napabuntong hininga naman si Vixen. Meron nga siyang mapagmahal at tapat na asawa pero meron naman siyang pasaway na mga anak.

"Fine. But after niyan ay___

__yes, Mom."

"Kapag nagsasalita ako Jurie ay patapusin mo muna ako." Napaupo naman ng tuwid ang anak niya. "I'm sorry, Mom."

"Oh! God. Zion, anong ginawa mo sa buhok mo?" Kakasita pa nga lang niya sa panganay niyang anak pero ito naman ang bunso nila. "Mom, bakit hindi ba cool?" May pagmamalalaki nitong tanong sa ina.

"Gusto mong sunugin ko yang buhok mo? My goodness, Zion. Daig mo pa ang anak araw sa kulay ng buhok mo," agad nasapo ni Vixen ang mukha niya. "Saan ba kayo nagmana ng katigasan ng ulo?" Tanong nito sabay upo niya.

"Saan pa nga ba di sa pinagmanahan, Mom." Ani Zion.

"Zion Sullivan." Tawag sa kanya ng ama na nakatayo di kalayuan sa kanila.

Napatayo naman ng tuwid si Zion at naging seryuso ang mukha nito ng marinig niya ang buo niyang pangalan. Kapag tinawag siya ng ama ng buo niyang pangalan ay alam niyang makakatikim siya sa ama kapag hindi siya umayos.

"Hey! Dad."

"Anong sabi ko sa inyo?" Seryusong tanong ni Jeb sa mga anak. "Don't stressed, Mom." Si Jurie ang sumagot dito.

"At ano ang ginagawa niyong magkapatid ngayon?" Anitong kinayuko ng magkapatid. "I'm sorry, Mom. Papalitan ko nalang ang kulay ng buhok ko. Just don't be mad at me. I love you, Mom. You know that right." Si Zion na agad umupo sa tabi ni Vixen. Agad itong naglambing sa ina.

"Mom, sorry na. Please!"

"Hays! Ang tigas kasi ng ulo niyong magkapatid. Alam kung siraulo yang daddy niyo noon. Pero, hindi naman atah ganyan katigas ang ulo niya sa inyo. Dalawa nga lang kayo pero daig niyo pa ang one dozen sa katigasan ng ulo." Anitong tinapik-tapik ang kamay ni Zion na nakayakap sa kanya.

"Mom, just don't mind us. Malaki na kami ni ate. At hindi naman namin pinababayaan ang pag-aaral namin. Nakikisabay lang naman kami sa uso." Ani Zion na nagseryuso ang mukha.

"Do you think kaya kung gawin yun. Mga anak ko kayo kaya kahit na malalaki na kayo at magkaroon ng pamilya ay hindi maalis sa akin ang wag parin mag-alala sa inyo." Sagot nito sa anak.

"Mom, ang ibig po kasing sabihin ni Zion ay magrelax naman po kayo. It's time naman para kayo ni Dad ang alagaan namin." Si Jurie na agad tumabi sa kanya. Samantalang si Jeb ay tahimik lang na nakamasid sa mag-iina niya.

"Hindi pa naman kami matanda ng daddy niyo para alagaan niyo." Biglang ani Vixen na kinatawa ni Zion. "Alam namin yun Mom. Basta hayaan niyo muna kami, just trust us." Ani Jurie.

"May magagawa ba ako." Pagsuko nito sa mga anak.

"Ehmmm!"

Panabay naman silang napalingon sa tumikim. "Hi tito. Hi tita." Anang bagong dating.

The Mind Reader Hunk(Completed)Where stories live. Discover now