Chapter 9

13.7K 527 42
                                    

SIKAT ng araw ang gumising kay Vixen habang nakahiga siya sa kama. Kaya papungas-pungas siyang bumangon mula sa kama at agad pumasok ng banyo. Nagpasya siyang maligo na rin bago lumabas.

Matapus niyang maligo ay agad siyang nagbihis bago lumabas ng bahay. Pababa pa lang siya ng hagdan ay naririnig na niyang tila meron kausap sa tawagan si Jeb.

"What? Fuck! Fuck! At sino ang nagbigay sa inyo ng pahintulot na i-hired ang taong iyon?" Rinig ni Vixen na ani Jeb.

"Yeah! Perfect. Pinagkakatiwalaan ko kayo dyan. Pero, anong ginawa niyo. Shet! Just shet." Galit nitong aniya. "Fine. Pupunta ako dyan." Tangi nitong aniya sabay patay ng tawagan.

Tahimik namang lumapit dito si Vixen. "Are you okay?" Anito kay Jeb na agad napalingon. Bahagya naman itong napakamot ng ulo.

"Yeah! I'm fine." Sagot nito. Ngunit halata naman ng dalaga na hindi ito okay. "Nagkaroon lang ng kunting problema sa opisina. Kaya kailangan kung pumunta dun ngayon." Paliwanag nito ng mabasa niya ang tumatakbo sa isip ng dalaga.

"Um. Okay! Kailangan mo ba ng tulong?" Anito. "Nhaaa! I can handle everything. Magpahinga kana lang. Pero, kung gusto mong sumama sa akin ay okay lang." Sagot nito.

"That's great. Magbibihis lang ako kung ganun." Mabilis nitong aniya sa binata na agad siyang sinipat mula ulo hanggang paa. "Wag kana magbihis pa. Maganda kana sa suot mo." Anito.

"A-are you sure?" Paniniguro niya sa binata na agad ngumiti. "Yes!"

"Oh-kay! Kunin ko lang ang bag ko kung ganun." Anito sabay talikod niya. Ayaw kasi niyang makita ng binata ang pamumula ng mukha niya bigla.

Ng marating ni Vixen ang silid niya ay bahagya siyang huminga ng malalim bago niya kinuha ang bag niya. "Calm down heart. Normal lang ang purihin ka niya." Anito sa dibdib sabay tapik niya dito.

"Yeah! It's normal. Dahil totoo namang maganda ka." Sabat naman ng kabila niyang isip. "Nhaaa! Don't believe him. Remember isa siyang hot guy. Playboy in short. Kaya linya nila ang salitang, 'your beautiful already'." Aniya naman ng isa niyang isip.

"At paano mo naman nalamang playboy siya, aber?" Taas kilay namang tanong ng kabila niyang isip. "Hey! You forgot? Diba nga hindi niya matandaan yung babaeng malantod na pumunta dito sa bahay niya, minsan. Ibig lang nun sabihin na sa dami ng babae niya e hindi na niya matandaan ang pangalan ng mga ito." Anang magaling niyang isip. Dahil sa nagtatalo niyang isip ay agad niyang ipiniksi sa isip ang hindi niya maipaliwanag na namumuong nararamdaman.

"Hey! Let's go." Agad nitong aya sa binatang nakaupo. Tila siya lang ang hinihintay nito. "Okay!" Anito sabay tayo mula sa kinauupoan.

Agad nilang tinungo ang sasakyan ng binata at mabilis siyang ipinagbukas nito ng upoan. Ng makasakay si Vixen ay saka gumawi ng drivers side ang binata at mabilis na pumasok sa sasakyan.

"Are you okay?" Tanong niya sa dalaga bago niya inistart ang makina ng sasakyan. "Huh?"

"Masama ba ang pakiramdam mo o meron gumugulo dyan sa isip mo?" Tanong ulit dito ni Jeb. Kahit gaano pa kagaling si Jeb bumasa sa takbo ng isip nino man ay hindi ibig sabihin nun ay kaya na niyang basahin ang isip ng lahat nang tao. Gaya na lang ng dalaga. Hindi niya mabasa ang lahat ng tumatakbo sa isip nito ngayon.

"Don't mind me. Okay lang ako." Pilit ang ngiting ani Vixen sa kanya. "Don't used that fake smile to me, baby. Dahil alam kung meron gumugulo dyan sa isip mo." Anito sa dalaga.

Agad naman napasimangot si Vixen. Letse naman kasi ang kuntrabida niyang mga utak e. Kung ano-ano ang naiisip. Yan tuloy naguguluhan siya.

"M-may naalala lang ako." Anito para tigilan na siya ng binata. "Boyfriend or ex-boyfriend?" Madilim ang mukha nitong tanong na bahagyang lumingon sa kanya habang nagmamaneho ito.

The Mind Reader Hunk(Completed)Where stories live. Discover now