Chapter 7

15.7K 557 39
                                    

SUMUNOD na araw ay maagang gumising si Jeb upang maghanda ng breakfast nila ni Vxyl Ross. Ngunit pagkababa pa lang niya sa hagdanan ay bigla siyang nagulat sa bumungad sa kanya sabay tingin niya sa itaas na tila may tinitingnan doon kung naroon ba ito.

"M-mom?"

Gulat nitong sambit.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong nito sabay lapit sa inang kapapasok lang sa bahay niya kasama ang mga pinsang nakangisi. "Michael Jeb Hernandez. Ganyan ka ba kung sumalubong ng iyong ina?" Tila may hinampong tanong ng ginang sa kanya.

"I'm sorry, Mom. Nabigla lang po ako. Hindi kasi kayo nagsabing darating kayo." Napakamot nitong hinging paumanhin sa ina sabay halik niya sa pisngi ng ginang.

"Bakit. Kailangan ko pa bang magsabi sayo kung darating ako o hindi?" Anang kanyang ina. "Oh! What a lovely lady. My son, kailan ka pa naglilihim sa akin?" Saad ng ginang na napatingala sa bungad ng hagdanan bago lumingon kay Jeb.

"Wait. Wait. Mom. Don't think to much. Dahil baka mamaling akala lang po kayo." Pigil ni Jeb agad sa kanyang ina na agad siyang pinandilatan ng mata.

"Tumabi ka dyan kung ayaw mong malintikan Jebuof." May tunong pagbabantang turan ng kanyang ina. "Mom naman e. Tinawag pa ako niyan. Nakakahiya." Tila bata na saad ni Jeb sa ina na siyang kinatawa naman ng mga pinsan niya.

"Nagbibinata na atah si Jebuof." Pahagikhik na saad ng mga pinsan niya. Agad naman silang inumangan ni Jeb ng kamao na tila hindi naman umubra sa kanila.

Sa halip na makinig sa tinuran ni Jeb ang ginang ay humakbang ito papalapit sa hagdanan. "Hindi mo ba ako bababain dito iha?" Tanong ng ginang kay Vyxl Ross na natigilan sa nakikita.

"Hija?"

"H-ho?"

Gulat itong tila saka lang nahimasmasan.

"Tatayo ka lang ba dyan iha?" Seryosong anang ginang kay Vxyl Ross. Kinakabahan naman itong bumaba ng hagdan. Habang papalapit siya sa mga ito ay nagtatanong ang kanyang mga mata kay Jeb na napakamot ng ulo.

"Hello po." Naiilang na bati ni Vxyl Ross sa kaharap na ginang. "Hello din iha," nakangiting anang ina Jeb sabay haplos niya sa mukha ng dalaga. "My son. Malapit na ba akong magkakaapo or should I call your dad and tell him na magiging lolo at lola na kami." Baling ng ginang kay Jeb na tila excited sa tinuran.

"Ito na nga ba e." Naisatinig ni Jeb. "Mom. Siya si Miss Vxyl Ross Cataluna. Siya po ay nandito para sa kanyang proteksyon. Kaya mali po ang iniisip niyo." Saad niya sa inang natigilan.

"Hindi mo siya---

---no Mom. Kaya please lang, wag niyo po siyang takutin." Anito sa inang agad siyang pinandilatan ng mata.

"Pasensya kana iha. Akala ko kasi girlfriend ka ng magaling kung anak. Kaya naexcite ako. Siraulo kasi iyan. At sa tanda niyan ni isa wala pang naipapakilala sa amin ng ama niya. Kaya tuloy minsan iba ang naiisip ko tungkol sa kanya." Anang ginang.

"Mother."

"What. Sa tanda mong iyan wala ka pa kasing asawa't anak. Tingnan mo mga pinsan mo meron ng mga anak." Tila nanenermong saad ng ginang na kinakamot ng binata sa sarili nitong batok.

"Bakit ba kasi kayo nagmamadaling magkaroon ako ng sariling pamilya? Pinagtatabuyan niyo na ba ako ni Dad?" May hinampo nitong saad sa ina na inismiran lang siya.

"Ewan ko sayo, e wala karin naman panahon sa amin ng iyong ama. Dahil sa klase ng trabahong pinili mo." Sagot nito sa tinuran ng anak na tila nalungkot. "So, iha. Bakit dito ka tinatago ng anak ko?" Baling nito kay Vxyl Ross.

The Mind Reader Hunk(Completed)Where stories live. Discover now