"Tangna mo, nakakasuka ka. Kaya tumigil kana." Sita dito ni Chase na nginisihan lang ni Simon. "Mga gago talaga." Anito sa isip. Pilit na nga niyang kinakalimutan ang nangyari pero pinapaalala parin nila sa kanya.

****Flashbacks****

Dahil sa ayaw ni Jeb na magkaroon ng stag party bago ang kasal niya ay nakaisip naman ng kabaliwan si Wesley. Kinausap nito ang mga kaibigan ni Jeb sa plano niya. At ang mga siraulo ay agad namang pumayag.

"Tangna, ang sagwa niyong tingnan." Ang kunwari ay nasusukang ani Yugene sa mga kasama nilang nakasuot ng pambabae.

"Shut up, Belmonte baka marinig niya tayo." Saway naman ni Wesley kay Yugene na napailing.

"Tawagin niyo siya ng makababa dito." Utos naman ni Axel sa mga ito. "I'll do it." Ani TJ na agad sinapak ni Clyde.

"Are you crazy? Tingnan mo ang suot mo, gago." Ani Clyde na kinakamot ni TJ ng batok. "I forgot." Dipensa nito sa sarili.

"Ako na ang tatawag sa kanya. Baka masipa pa niya kayo ng wala sa oras. Close the lights ng hindi niya kayo makita." Si Elijah na agad umakyat kung saan ang kwarto ni Jeb.

Ilang minuto lang ng umalis ito ay nakarinig na sila ng mga yapak na tila pababa ng hagdan. "Ayaw kung masipa, kaya bahala kayo sa kabaliwanan niyo." Ani Yugene na nakatayo sa gilid ng sliding door palabas sa likod ng bahay ni Jeb.

"Calm down brother, mukhang exciting ang mangyayari. Matindi pa sa ginawa ni AD sa amin na napurnada ang tiyan." Pabulong na ani Chase sa kapatid.

"Wait. May iba ka bang kasama Ho?" Rinig nilang boses ni Jeb. Matalas talaga ang pakiramdam nito. Dahil agad nitong naramdaman na hindi lang silang dalawa ang nasa loob ng bahay.

Bago pa man makasagot si Elijah ay biglang nagkaroon ng ilaw sa malaking sala. "What the fuck?" Naibulalas ni Jeb. Dahil kasabay ng malamlam na ilaw ang maharot na tugtug.

"Fuck. Fuck. Sino ang nagbigay sa inyo ng rights na pumasok sa pamamahay ko. Get out of my house." Halos pasigaw na ani Jeb ng lumapit sa kanya ang limang akala niya ay strippers.

"Hernandez. Calm down. Last day muna ito bilang sigle. Kaya pwede bang i-enjoy muna lang. Pinaghirapan pa namang ihanda ni Wesley ang party na 'to para sayo." Si Elijah na natatawa ng lihim sa sumasayaw ng maharot sa harapan nila. Hindi nakikilala ang mga ito ni Jeb dahil natatakpan ang mga mata ng mga ito.

"I don't care, bro. Because I don't like this party. Ayaw kung maging dahilan ito para hindi ako siputin ni Vixen sa kasal namin." Anito kay Elijah.

"Fuck you, Thompson. I will kill you." Panay ang pagmumura ni Jeb habang nakikita niya ang sumasayaw sa harapan niya.

"God. Please don't let this people ruin my wedding with Vixen. I'm begging you, dahil baka bigla na lang ako maging siraulo ng wala sa oras." Napausal ng dalangin si Jeb ng bigla siyang lapitan ng isa sa mga sumasayaw sa harapan niya.

"Do I look beautiful, handsome?" Boses binabae na tanong nito kay Jeb. "Fuck! Don't try to touch me. Dahil kapag nalaman ito ng future wife ko, I'm dead. So, back of." Galit nitong aniya. Kung pwede lang siguro niyang itulak ang sumasayaw sa tabi niya ng malakas ay ginawa na niya.

"Fuck! Ang sakit ng tiyan ko." Si Rain na hawak-hawak ang tiyan habang tumatawa.

"What the hell?" Biglang natigilan si Jeb ng magsilabasan ang mga kaibigan niyang hawak-hawak ang mga tiyan hang tumatawa.

"Fuck! Ang sagwa mo, Servancia. Nakakasuka ka." Si Chase na agad nilapitan ni Simon. "Don't dare, bro. I swear, babasagin ko ang ball's mo." Banta dito ni Chase.

The Mind Reader Hunk(Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang