Kabanata 18

31 11 2
                                    

Nanlaki ang mga mata ni Monica nang biglang siyang hinawakan ng mga lalaking body guards ng ama niya at tinrato siya na parang may malaki siyang kasalanan.

"Anong ginagawa niyo saken? Bitawan niyo ako!" Sigaw niya habang pilit inaalis ang mga kamay ng dalawang guards na nakahawak sa kanya. Ngunit hindi siya sinagot nito. Nilingon niya ang kapatid niyang si Julia na ngayon ay buhat-buhat ng isang guard din ng ama niya. Nakita niyang wala namang galos ito kaya napahinga siya ng maluwag.

Nakarating sila sa office ng ama niya kaya sumimangot siya dahil alam na niya ang kasunod nito. MU. Matinding usapan.

Pinaupo siya sa tabi ng main table kung saan ay nakitang niyang nakatayo at nakatingin ang ama niya sa labas ng bintana.

"You should be thankful."Paunang sabi ng daddy niya habang nakatuon pa rin ang atensyon sa labas. "I didn't let them kill you." Kumunot lang ang noo niya at hindi pero hindi siya nagsalita. Ano naman ang dapat niyang ipasalamat? Gasgas ang inabot niya at dito pa siya diniretso at hindi sa ospital.

"What's your name, boy?"

Kilala niya ang ama niya. Mahinahon ito pero galit na ito. Alam niya ang tono ng boses nito pag galit kahit mahinahon lang ang ama niya.

"Just get straight to the point, anong kasalanan ko?"

Tiningnan siya ng ama niya saka ngumiti ito. "You're a good interpreter. Okay, we'll get to the point. What's your motive?"

"Motive?"

Umupo ang ama niya sa swivel chair saka sumandal dito. "Hodor," Tinawag niya ang isa sa mga bodyguard.

"Yes sir."

"Please tell this man what he committed. He clearly doesn't know anything."

"He is suspected of following your daughter leading her to go outside the building. All our cctvs proved he is an intruder and a dangerous man in the company."

Kumunot ang noo niya, "I didn't do that to scare Julia! Nakita ko siyang pababa kaya—"

"Julia? You know my daughter's name, huh? How?"

Hindi makapagsalita si Monica. At narealized niyang isa siyang lalake sa katawan ni Baste at normal lang sa ama niya ang kwestiyonin ang pagkatao niya para rin sa seguridad ng anak niya.

"I'm sorry, I shouldn't have—"

"Are you a dangerous stalker to my daughter?"

Nanlaki ang mga mata ni Monica saka mabilis na umiling ito, "What? Hindi!"

"So what are you?"

"I'm—just... someone." Huminga siya ng malalim. "I just wanted to protect her, that's all. Nakita ko siyang pababa at palabas ng building kaya hinabol ko siya. Nakita ko siyang patawid at may van na paparating kaya ginawa ko ang lahat para protektahan siya. 'Yun lang ang intension ko." Pagpapaliwanag niya.

"But, your intension was too shallow. You have no reason to protect her, you are not connected with my family, maybe you knew she was our future heir. Right?" Nanlaki ang mga mata ni Monica at hindi makapagsalita. "Who send you here in my company? Tell me and I will spare your life."

"I told you I am nobody!"Sigaw niya sa inis. Lumapit ang dalawang guards at hinawakan ang magkabila niyang kamay para pigilan siya sa anumang gagawin niya pero tinaas ng ama niya ang isang kamay para tumigil ang dalawa at lumayo sa kanila.

"You are someone with dark intensions to my daughter. And whoever you are, I will ensure that I will look into your profile immediately so I will know who is your boss that wanted my daughter be captured." Kitang kita sa mga nanlilisik na mga mata ng ama niya ang galit.

A Beautiful SoulWhere stories live. Discover now