Kabanata 5

42 17 0
                                    

"Damn bastard, sino siya para pisilin yung mukha ko?!" Inis na sabi ni Monica habang nakahawak sa pisngi niya.

Yes, it's true. Hindi niya pagmamay-ari ang katawan na 'to. It's Anna's body. But it's her soul at siya ang nakakaramdam ng kakaibang sensation. Tumataas ang mga balahibo ng buong katawan niya at hindi niya mapigilang kabahan dahil sa ginawa sa kanya ng Gabriel na yun.

Napatingala siya sa may pintuan nang makitang malungkot na nakatingin sa kanya si Gabriel. His deep eyes were too strong not to pity him. Kaya naisipan ni Monica na tumayo at dumiretso sa restroom.

Naghilamos pa siya para mawala ang germs galing sa kamay ni Gab. Malay ba niya kung san humawak yun at baka magkaroon pa ng outbreaks sa mukha niya. Pagkatapos niyang punasan ang buong mukha ay agad siyang napatingin sa salamin. Anna's face is not so beautiful. Just simply beautiful. Kitang kita niyang napabayaan ito ng husto dahil sa magaspang nitong mukha na para bang simula pagkabata ay hindi naalagaan ng mga beauty products na ginagamit niya. Pero bilib siya sa mukha nito na kung aayusan lang ay makikita ang kagandahang tinatago niya. Magaling siyang kumilatis ng mukha at alam niya kung retokada o hindi. Pansin niyang hindi niretoke ang mukha ni Anna di gaya ng mga nakakasama niya sa modeling industry. Sa kabila ng mga gasgas nito sa mukha, ang maliit pero matangos niyang ilong ang mas nagbibigay kagandahan sa mukha niya. Hinawakan niya ito at bumuntong hininga.

I felt sorry for you. But I need to use your body for now, ibabalik ko rin ito pagnatapos na ako sa mga kailangan kong gawin. I need justice for myself.

Bigla siyang nakaramdam ng sama ng pakiramdam na parang binaliktad ang sikmura niya kaya napasuka siya ng ilang beses.

Right, she's pregnant. Sa isip niya. Napasimangot siya sa naalala. Paano siya makakagalaw ng maayos kung may kailangan siyang ingatan? This could ruin her chance in finding justice.

Kung alam ko lang na mamatay ako, sana pinigilan ko nalang ang sarili kong magpakasal kay Simone, the man I thought would love me unconditionally and the man that could give her something that money can't buy. Right, there is no such perfect man in this world.

Kailangang magtagal ako sa katawang 'to. I have so many things to do and must done. I need justice and I need to take care of my mom. I need to find a way.

Nagising si Monica kinaumagahan at nabigla nang meron na namang ibang lalakeng nakaupo sa tabi niya. Seryoso itong nakatingin sa kanya na animoy serial killer sa mga palabas.

"Who are you? Go away!" Sigaw ni Monica.

Nagulat din ang lalake sa inasal ni Monica, "Totoo nga ang sabi ni Lord Gab! Nag-iba ka!" Komento nito sa inasal ni Monica. "Kailanman hindi ako sinigawan ni Ate Ganda." Dagdag pa niya.

"Nasaan si Gabriel?" Tanong ni Monica at hindi man lang pinansin ang puna nito sa inasal niya.

"May inasikaso sandali sa baba para madischarge ka na."

Nanlaki ang mga mata niya, "Ha? But I'm not okay. I need to stay here!"

"Kalma ka lang, okay? Kailangan din ni Lord Gab na magtrabaho para sa kasal niyo. Ang laki kaya ng nawala sa kanya dahil sa hindi natuloy na kasal ninyong dalawa." Paliwanag ng lalake.

Ilang beses na umiling si Monica. "I'm not going anywhere dito lang ako!" Pamimilit niya.

Huminga ng malalim ang lalake bago siya nagsalita, "Ate Ganda, iniidolo kita, minamahal kita dahil sa galing mong magsulat. Pero ito lang sasabihin ko para bumait ka sa akin." Tumahimik si Monica at nag-antay sa sasabihin ng lalake. "Ako si Sebastian Santisima, tubong Samar. Ako ang nagpabalik sa kaluluwa mo sa katawan mo." Natulala si Monica sa sinabi ng lalake tungkol sa pagkatao niya. "At kaya kong alisin ang kaluluwa mo sa katawan mo." Mahinang sabi ng lalake sa kanya. Nakaramdam ulit siya ng kaba. After all this right timing, she can't afford to let it go to waste. "Pero joke lang yun syempre. Paborito kaya kita, love ka ni Lord Gab kaya love na din kita." Tawang sabi nito sabay iling.

A Beautiful SoulWhere stories live. Discover now