Kabanata 15

27 14 2
                                    

Walang magawa ang grim reaper kundi sumunod kay Monica. Pagkatapos na umalis ni Monica sa katawan ni Anna ay dumiretso na sila kung nasaan si Simone. Nakarating sila sa backseat ng kotse ni Simone at nakita nila itong may kausap sa phone.

"I'm glad that my mother is now safe. If there's any problem again, let me know first. Thanks doc." Pagkatapos na makapag-usap ni Simone sa phone ay agad niya itong tinapon. "Damn it, I should have waited for her to die!" galit niyang sigaw habang patuloy na hinahampas ang manibela.

"Monica!" Agad na nahawakan ng grim reaper ang kamay niya nang akmang lalapit si Monica kay Simone.

"Papatayin niya ang mommy ko! Uunahan ko na siya." Nanlilisik ang mga mata ni Monica at nagulat ang grim reaper nang makitang nag-iiba ang kulay ng balat niya.

"Huminahon ka."

"How can I calm myself? Tell me!" Mangiyak ngiyak na sigaw ni Monica. Nang walang maisagot ang grim reaper ay mabilis itong nakawala at agad lumipat sa front seat saka masamang tinitigan si Simone.

Sinubukan ni Monica na sampalin si Simone, pero hindi niya to mahawakan. Inis niyang sinubukan ulit, ng paulit-ulit hanggang sa sumigaw siya ng malakas ay wala pa ring naririnig at nararamdaman si Simone.

"Tumigil ka na." Utos ng grim reaper.

"Hindi! Hindi! Kailangan kong unahan siya bago niya patayin si mommy!"

"Hindi mo magagawa yan."

Hindi siya nakinig at patuloy pa rin sa ginagawa niya. Hanggang sa naramdaman niyang walang patutunguhan at kailangan na niyang sumuko.

Napayuko siya at tinakpan ang sarili habang umiiyak.

Ang hirap. Ngayon lang siya nakaramdam ng hirap. Dati rati, nakukuha niya lahat ng gusto niya. Pero iba ngayon, tahimik lang ang grim reaper at hindi siya iniimikan. Natigil lang sa pag-iiyak si Monica nang inihinto ni Simone ang kotse niya at lumabas ito. Napaangat ang tingin niya at nakitang nasa condo na pala sila na tinutuluyan ni Simone.

Humingang malalim si Monica bago lumabas din ng kotse at sinundan si Simone.

"Monica, tigilan mo na 'to. Bago pa may mangyaring masama sayo." Pagbabanta ng grim reaper habang nasa loob sila ng elevator.

"Not until I get what I want."

"Hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo."

"Then I'll do whatever it takes."

Wala nang magawa ang grim reaper kundi tumahimik nalang. Sa lahat lahat ba naman ng sinusundo niya, si Monica ang pinakamatigas ang ulo. At gusto na niyang gawin ang lahat para mapasunod ito, pero nang dahil sa bracelet ay di niya mahindian ang anumang gusto ni Monica.

Kailangan niyang puntahan ang nagbigay nito sa kanya. At isa lang ang tanging nasa isip niya.

"Babalik ako mamaya."

Hindi siya sumagot kay grim reaper at sumama lang ito kay Simone nang lumabas na ito.

"'Tong babaeng to, walang manners and right conduct." Agad siyang naglaho matapos sumarado ang pinto ng elevator.

Nakakuyom ang mga kamay ni Monica habang sumusunod kay Simone. Gusto niya ding mainis sa sarili. Alam niyang may malaking parte siyang nakalimutan noong una siyang naging kaluluwa. Nakita niya ang ama ni Simone at si Simone na nag-uusap, pero hindi niya maalala kung ano 'yun. Simula nang pumasok siya sa katawan ni Anna, nakalimutan na niya ang mga ibang nangyari.

Huminto si Simone sa pinto ng condo niya at binuksan niya ang digital lock, saka pinindot ang passcode.

092314

A Beautiful SoulWhere stories live. Discover now