Kabanata 4

57 19 0
                                    

Namulat si Monica na ramdam ang kamay ng isang lalakeng nasa tabi niya natutulog. Nabigla siya lalo pa't nakita niya ang mukha nito habang nakapikit. Kumpara kay Simone na maputi, itong lalakeng nasa harapan niya ay Moreno pero makinis ang balat, makapal ang kilay at matangos ang ilong at ang labi niyang mamula-mula pa. Bakas din sa mukha ng lalake ang pagkapagod dahil na rin sa magulong buhok nito at idagdag pa ang damit niyang gusot-gusot.

Naalala na ni Monica ang nangyari. Animoy may malakas na enerhiya ang humatak sa kanya sa katawang ito. Hindi man niya alam kung bakit, ngunit masaya siya. Tiningnan niya ang buong sulok ng kwarto at wala siyang nakitang itim na damit kagaya ng grim reaper na humahabol sa kanya, napahinga siya ng maluwag. Ibig sabihin, hindi na siya mahahanap kailanman ng supladong grim reaper na iyon.

"Anna, gising ka na pala." Sabi ng lalakeng nasa tabi niya na nagising na din pala. Hinagkan siya nito sa noo na ikinabigla niya.

Anna. Anna is her name. Ang baduy. Puna niya.

"Kamusta? Ano na ang nararamdaman mo? Gutom ka ba? Dala ko yung paborito mong—"

"Who are you?" Nagulat ang lalake sa inasal niya, hindi mapiglan ni Monica ang itaas ang kilay niya sa reaksyon ng lalake. "If you won't answer my question, get out. I need to be alone."

Tahimik lang ang lalake na tiningnan siya. Huminga ito ng malalim at tumingin sa mga mata niya.

"I'm Gabriel Valdez, your fiancé." Hindi nagsalita si Monica, tinitigan niya lang ito. Truth is, ayaw niya sa pagmumukha ng lalake. He is handsome but his level did not much his standards of a man.

"Hindi mo ba ako nakikilala?" Mahinahong tanong ng lalakeng nagngangalang Gab, bakas sa mga mata nito ang kalungkutan dahil sa cold treatment ni Monica.

"Get out. I want to be alone for awhile." Walang pakialam na sagot ni Monica kay Gabriel.

Hindi ito nagalit o ano pa man, tumayo lang ito saka lumapit sa intercom at pinindot. "Please call Dr. Ramil, my fiancée is already awake."

So engaged na sila? No wonder ganyan siya kung mag-alala. Nasa isip ni Monica habang tinitigan niya ang lalake. He is just a typical man para sa kanya. A kind of serious man he think is boring.

Pagkatapos tumawag ni Gabriel ng doctor at mga nurse ay nagsidatingan na ang mga 'to sa kwarto niya. Lumapit siya sa dalawang doctor saka dinala niya ito sa medyo malayo sa kanya bago nagsimulang nag-usap. Habang inaasikaso siya ng mga naiwang nurse, nakatingin pa rin siya sa lalake at tinitingnan ang reaksyon nito. Nakita niya itong umiling ng ilang beses nang kinausap siya ng isang matandang doctor at tinapik naman siya ng babaeng doctor, doon na lumandas ang luha niya.

"No, tell me this is not true." Narinig niyang sinabi ng lalake. Hindi niya alam kung ano ang pinag-usapan pero makikita niya sa reaksyon ng lalake na nasasaktan ito.

"Please don't lose your hope Gab, we are here to help Anna recover from the accident. We'll be conducting series of tests but for the mean time, take care of her. Wag muna mag open up about the incident. Hayaan mo siyang magtanong sa nangyari sa kanya. It's better for her body and mind to heal the wound first without pressuring her." Pinayuhan siya ng family doctor nilang si Dr. Ramil.

Wala siyang magawa kundi tanggapin ang nangyari kay Anna. Hindi pa man sigurado pero nakikitaan na si Anna ng indikasyon na may Amnesia siya. Ngayon, ang akala niyang matutuloy na kasal ay tila maca-cancel muna pansamantala dahil sa kondisyon nito.

Madalang siyang pansinin ni Anna. Hindi niya kinain ang paborito nitong garlic chicken. At tinalikuran pa siya nito habang nakahiga.

"Tita, I'm sorry pero ayaw ni Anna na may pumasok sa room niya." Malungkot na sabi ni Gab sa ina ni Anna.

A Beautiful SoulWhere stories live. Discover now