Panimula

227 6 15
                                    

Dumating ka sa mundo ko na hindi lulan ng magarang sasakyan kundi ng karo. Nasa bingit ako ng kawalan nang makita ko ang daan patungo sa iyo ngunit pagdating ko roo'y itinuro mo ako sa ibang destinasyon. Ayoko mang isipin ngunit aking nadadama, may mali. Mayroong hindi tama na ginagawa nating katotohanan. Mayroong mga amo na nagpapa-alipin at pilit na inaalipusta ang sarili sa pamamagitan ng pagtusta.

Kung para sa iba, kailangan kong magdusa pero para sa akin, isa kang biyayang aking nakuha. Biyayang nagbibigay-sumpa sa kagaya kong maralita. Hirap mabuhay at hikahos sa pag-ibig. Kailangan ko na bang magsisi ngayon palang na pinagbuksan kita ng pinto at bukas-palad kitang pinapasok? Hindi lang sa munti kong tahanan kundi na rin sa munti kong uniberso. Ang uniberso na tila pilit akong sinasampal ng kung anong enerhiya para siguro sabihin o isigaw sa akin na mali ang lahat. Maling-mali. Hindi tama. Walang tama. Lahat ay bunga ng alapaap ng pangarap. Lahat ay mula sa panggap na pangarap. Lahat ay nabuo gamit ng alabok na puno ng panlilinlang. Lahat ay wala. Wala ang lahat.

Sana pala hindi na lang tayo naging Punto A at Punto B, e, di sana walang pagtatagpong nangyari. Walang anumang makikita. Walang anumang madadama. Walang anumang makapananakit.

Ang lahat ay nagsimula sa ilang ulit na pagkikita, pagsasalubong at pag-uusap. Ang lahat ay magtatapos sa ilang ulit na pagtatago, pagtatagpo at pag-alis. Pakiusap, kung aalis ka man, sumakay ka na sa pinapangarap kong magarang sasakyan at iyong ibigay na sa akin ang pinaglulan mong karo, sasakay na kasi ako.

Pinagtagpo Lang TayoWhere stories live. Discover now