Let go-5

28 6 0
                                    

Camila's POV

Isang buwan na din lumipas. Sa isang buwan na iyon wala akong pinalagpas. Araw-araw ko parin siyang kinukulit kung pwede na ba kaming ikasal.

Naniniwala kase ako sa kasabihang 'Kapag may tiyaga, may nilaga.'

Siguro ngayon, marami sa mga tao desperada ang tingin saakin. Totoo naman kase kaya bakit ko pa idedeny diba?

"Babe? Nagiging workaholic ka na. Minsan hindi kana nakakauwi sa gabi. Ano bang problema? Financial problem ba sa restaurant? Meron akong pera sa bank account ko malaki-laki din iyon." Tanong ko dito. Marahas naman itong umiling at nginitian ako.

"Hay... Pasensya kana Babe, problema lang ito kari Mama and Papa" sagot nito. Hindi ko na siya tinanong kung ano ba 'yon dahil family problem pala nila iyon. Ayaw ko namang lumagpas sa linya diba?

"Ah ganoon ba? Ayaw mo bang magday-off? Nawawalan ka na din kase ng time para makapag bonding tayo. Kahit ngayon lang Babe" sabi ko at syempre ginamitan ko ng beautiful eyes ko. Napangiti ito at ginulo ang aking buhok.

"Ang Babe ko talaga. Oo sige na po, tatawagan ko lang ang manager ng restaurant" sabi nito at inilabas ang kaniyang cell phone. Yes!

"Hello? Hindi ako papasok ngayon. Ikaw na bahala sa restaurant." Sabi nito sa ma-awtoridad na tono.

Mukhang pinapakinggan naman niya ang sagot ng nasa kabilang linya.

"Okay sige" sabi nito at pinatay na ang tawag.

"So ano daw Babe?" Tanong ko.

"Hmmm... Bihis kana Babe" sabi nito kaya nagtata-talon talon ako sa tuwa. Maka bihis na nga, madalang nalang kase kaming magdate or magenjoy since parehong kaming busy.

• • • • •

Nandito kami ngayon sa isang kainan sa mall. Balak ko kasing manood nag cine, mag-shopping, and mag-grocery.

Katatapos lang naming manood ng cine kaya kumain muna kami bago mag-shopping.

"Babe? Shopping na tayo?" Sabi ko dito.

"Oo sige ba" sabi nito at hinawakan ang kamay ko. Nanikip bigla ang dibdib ko dahil sa ginawa niya, pero hindi ko pinahalata. Grabe ang tagal na pala simula nang magholding hands kami sa mga public places. Parang noong teenagers pa kami nito ah!

• • • • •

"Babe? I-try mo to oh... Dali sa tingin ko bagay mo ito" sabi niya at ibinigay saakin ang isang pink na dress. Syempre kinuha ko naman ito.

"Bakit parang pumayat ka? Nag-gym ka ba? By the way, you look stunning Babe" sabi niya at nilapitan ako para i-kiss. Nagtilian naman ang mga sales lady kaya nahiya ako. Tumawa naman si Nathan dahil agad akong pumasok sa fitting room para makapagpalit at makaalis na sa lugar na ito. Nakakahiya kaya ano!

Shopping doon, shopping dito. 'Yan lang ang ginawa namin ng  Babe ko. Napagdesisyunan ko na ding mag-grocery since marami na siyang bit-bit na paper bags.

• • • • •

"Ang sweet naman ng guy oh" sabi ng isang babae sa kanyang mga kasama. Palihim naman akong napatingin kay Nathan. Sure akong narinig niya ang papuri ni ate girl. Tss!

"Oo nga at ang guwapo pa" sabi ng isa. Napatingin naman ulit ako kay Nathan at ayun nagpa-cute ang mokong saakin. Feel na feel niyang gwapo siya! Hmp!

"Stop it" asar na sabi ko. Paano ba naman kaya eh kinikilig yung mga girls. Kabadtrip!

"What?" Sabi nito at kinagat ang labi niya. Ugh! Kinilig na naman ang mga girls. Nakakabwisit na 'to! Iwan ko nalang kaya siya?

"Wow! Sobrang ganda pala ng  jowa niya kaya gwapo siya" sabi ng babae kanina. Sus! Baka nalaman nilang badtrip ako kaya binobola ako.

"Oo nga para siyang dyosa" sabi pa ng isa. Ako dyosa? Hmmm I don't know.Nakaka-fluttering naman ang sinasabi nila kaya nag blush ako nang kaonti. Napatingin ako kay Nathan at nagpipigil ito ng tawa.

"Ayieeee...Ganda siya" pangaasar nito saaken. Pinalo ko naman ito at iniwan siya.

"Bahala ka diyan" inis na sabi ko. Pumunta na ako sa counter para magbayad at sumunod naman ito saakin.

"Ang cute niyo naman pong dalawa. Mag-asawa po ba kayo?" Tanong ng cashier. Kinabahan naman ako agad. Ewan ko ba ang weird ko!

"Magpapa-kasal palang po" sagot ko dito habang nakangiti. Tumingin ako kay Nathan, nagkibit balikat lang ito. Hay! Hindi man lang siya sumang-ayon. Hindi ko na nga mabilang kung pang-ilang reject naba ito.

• • • • •

Don't forget to Vote, Share and Comment your thoughts. Thankyou! Love lots!

Let go ( COMPLETE )Where stories live. Discover now