"Yup. Pero Raikoo sana bago ako maoperahan mahalin mo din ako. Kahit isang araw lang Raikoo please ako muna." nabigla ako sa sinabi niya. Alam ko naman na may nararamdaman sakin si Cassey pero kasi si Winter ang mahal ko.

"Pero Cassey--"

"Just today and tomorrow please."

"Okay after that. Magpaopera kana okay?" dalawang araw lang naman. Kaibigan ko si Cassey at gusto kong maging maayos ang kalagayan niya.

Nabigla na lang ako ng hinalikan niya ako sa labi. Pero di tulad ng halik ni Winter yung kanya wala akong naramdaman. As in wala.

Pagkatapos niya akong halikan napatingin ako sa tinitingnan niya. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang maluha luhang si Winter na nakatingin samin. Nakita ba niya?? Ow sh*t.

Hahabulin ko sana siya pero hinawakan ni Cassey ang kamay ko.

"Please Raikoo wag mo akong iwan dito."

"No Cassey kailangan kong magpaliwanag kay Winter."

"Bakit ka magpapaliwanag hindi naman kayo diba. Tsaka ako ang gf mo ngayon. Please stay."

"No Cassey mahal ko si Winter. Antayin mo dito si Roo. Papapuntahin ko siya dito." sabi ko bago tumakbo para habulin si Winter.

Kung saan saan ako pumunta para mahanap siya pero wala siya. Last na yung rooftop kaya nagmadali akong umakyat papunta doon pero sana di ko na lang pala ginawa.

"Kelan ka pa naging love guru? Thanks Andrei kasi ikaw lang at si Thunder hyung ang naglakas loob na magsabi sakin nyan. Oo aaminin ko mahal ko siya. Mahal na mahal." Yan lang naman ang narinig ko. May mahal na siyang iba. Kaya ba hindi ni siya nakatira sa bahay ni Rhon hyung kasi kasama niya yung taong mahal niya.

"At kahit na nasasaktan ako mahal ko pa din siya." dagdag pa niya na lalong nagpawasak sa puso ko. Sh*t sino ba yung tanga na yun at sinasaktan niya ang isang katulad ni Winter.

Nakatayo lang ako doon sa tapat ng pinto. Para bang na statwa ako sa narinig ko. Yung taong mahal ko may mahal na. Pero bakit maluha luha siya kaninang nakita ko siya? Baka naman sinaktan siya nung taong yun? Mapapatay ko siya pag nalaman ko kung sino man siya.

"Narinig mo ba ang pinag usapan namin?" nagulat na lang ako ng may nagsalita sa tabi ko.

"Hindi lahat. Ang narinig ko lang ay may mahal na siya." nanlulumo kong sabi.

"Oo mahal na mahal nga niya yung loko na yun. Di hamak naman na mas gwapo ako doon. Bulag ata si Winter eh doon pa siya nahulog sa taong lagi siyang sinasaktan." sabi nito sa akin. Bakas sa mukha niya ang inis. Well ako din naman naiinis eh. Lakas ng loob saktan si Winter.

"Kausapin mo siya." sabi nito bago umalis.

Matapos ang madaming buntong hininga pinuntahan ko na din si Winter.

"Diba ang sabi ko Andrei gusto ko mapag isa. Bakit ba ang kulit ng lahi mo." sigaw nito. Akala niya ako si Andrei.

"Ako to." pagkasabi ko noon parang nagulat siya. Ayaw ba niya akong makita??

"Anong ginagawa mo dito?? Leave me alone."

"Winter please let's talk."

"Wala na tayong pag uusapan."

"Bakit kasi siya ang gusto mong kausap." sigaw ko sa kanya.

"Sinong siya ha."

"YUNG LALAKING MAHAL MO."

"ANO NAMANG PAKIALAM MO. WALA KANG ALAM SA BUHAY KO KAYA UMALIS KANA IWAN MO NA LANG DIN AKO." nag init ang ulo. So ganun wala pala akong pakialam sa babaeng mahal ko.

Revenge of the Gangster's TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon