Hindi napansin ng Shadow na wala si Ralph noong pumasok sila sa Uni. Sinundo kasi ni Ralph sa airport ang sampung taong gulang na babaeng kapatid nito na galing sa japan. Si Sheena.

Isasama na sana ni Ralph si Sheena sa bahay ni Rhon pero nagpahinto ito sa isang park na may ice cream parlor. Dahil na din sa walang magawa si Ralph sa pagpapacute ng kapatid sinamahan niya itong bumili ng ice cream. Naupo muna sila sa park para makakain sila ng ice cream. Nagpaalam muna saglit si Ralph sa kapatid para maghugas ng kamay sa public cr ng park.

Sa di inaasahang pagkakataon kasalukuyang nagpapahinga si Winter sa nasabing park. Ito yung park na nadaanan niya noong isang araw at nagustuhan niya ang ambience ng lugar. Kaya bumalik siya dito ngayong araw.

end**

(Winter POV)

Nandito ako ngayon sa park na nadaanan ko ng isang araw. Pinag iisipan ko kung kailangan ko na bang patayin si Ralph. Pero ang gulo kasi may times na parang siya ang spy pero may times na hindi siya. Nasabi ko na din ito sa shadow at wala pa akong binibigay na signal para kumilos sila.

"UNNIEE SAVIOR?? SAVIOR UNNIE??" may bigla na lang sumigaw sa tabi ko paglingon ko may isang batang babae na ubod ng lapad ang ngiti sa mga labi.

"huh?" ang tanging lumabas sa bibig ko dahil bigla na lang niya akong dinamba at niyakap.

"Waaahhh Unnie akala ko hindi na kita makikita ulit. It's been almost 3 years Unnie pero yang mukha mo hinding hindi ko yan makakalimutan sa tanang buhay ko." sabi ng batang mangiyak ngiyak. Hala bakit siya umiiyak?

"Teka bata ano bang sinasabi mo?? Hindi kita maintindihan eh." sabi ko habang hinihimas ang likod niya. Umiiyak kasi siya. Wala naman akong ginawa sa kanya bakit siya umiiyak??

"Unnie alam kong malaki na ang nilaki ko pero ako ito. Si Sheena yung batang tinulungan mong makatakas sa madumi at madilim na nakakatakot na lugar. Ako yung niligtas mo Unnie. Autumn Unnie my Unnie savior ako yung niligtas mo sa masasamang tao." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Niligtas ko siya?? 3 years?? Autumn?? Bakit ayaw magprocess ng utak ko.

"Niligtas kita?? Sigurado kaba baka naman nagkakamali ka lang." tanong ko sa kanya.

"No Unnie ikaw yun. Ikaw ang savior unnie ko. Sigurado ako doon ikaw yun unni---" hindi na natapos nung bata ang sinasabi niya ng may biglang tumawag sa kanya.

"Sheena."

"Kuya here." sabi niya. Nakarinig ako ng palapit na yabag papunta sa pwesto namin. Kaya lumingon ako para makita ang kasama ng batang ito.

"RALPH??"

"WINTER??"

Sabay naming sabi pagkakita namin sa isa't isa. Kapatid niya ang batang ito?? Arrghhh bakit ba ayaw magprocess ng utak ko ngayon??

end**

(Ralph POV)

Paglabas ko sa cr bumalik ako sa pinanggalinggan ko kanina kung saan ko iniwan si Sheena. Pero pagbalik ko doon wala na siya. Saan na naman ba nagsout ang batang yun?? Bigla na lang akong kinabahan. Naalala ko ang nangyari almost 3 years ago.

Nasa hideout ako ng Phoenix ng biglang tumawag si Mama. Pinapapunta niya ako sa Japan as soon as possible dahil nawawala daw si Sheena. Ang sabi ni Mama kasama niya ito sa park ng bigla na lang itong nawala. Hinanap na nila ito pero di nila ito makita.

Noon pa man alam ko na laging nasa panganib ang buhay namin dahil na din sa si Papa ang leader ng Scorpion Clan. Pero kahit ganoon hindi kami pinilit ni Papa na magtrain para maging assassin. Sarili kong choice ang pagiging gangster dahil na din sa pati mga kaibigan ko gangsters din.

Agad akong pumunta sa Japan para tumulong sa paghahanap. Inabot na kami ng ilang buwan pero hindi pa din ako tumigil sa paghahanap. Hindi na ako nagkaroon ng balita sa gang ko sa Pilipinas dahil na din sa busy ako sa paghahanap kay Sheena.

Isang araw para bang milagro na nasa harap na ng gate namin si Sheena. Makikita mong may mga sugat siya pero nagamot na ang mga ito. Wala siyang ibang sinabi kundi nilagtas siya ni Savior Unnie. Sinubukan naming itanong kung ano ang pangalan ng Savior Unnie niya pero hindi niya sinabi samin. Sekreto daw nila ito. Kaya pinabayaan na namin. Ang importante ligtas siya.

Pag uwi ko sa Pilipinas madaming balita ang sumalubong sa akin. Patay na daw si Autumn at Naka coma naman si Raikoo.

Bumalik ako sa realidad ng marinig ko si Sheena na nagsasalita.

"No Unnie ikaw yun. Ikaw ang savior unnie ko. Sigurado ako doon ikaw yun unni---"

Agad kong hinanap ang boses niya kaya tinawag ko agad siya.

"Sheena."

"Kuya here." doon ko lang napansin na may kasama pala siya.

Lumapit ako sa kanila pero gayon na lang ang pagkabigla ko ng makita kung sino ang kausap niya.

"RALPH??"

"WINTER??"

Sabay naming sabi. Siya si Savior Unnie?? Yung nagligtas sa kapatid ko??

_____________________________________

ceikret

#5 chapters to go before the epilogue..

**edited**

ai wo

Revenge of the Gangster's TwinWhere stories live. Discover now