Nang maramdaman niya pinisil ni Sebastian ang dibdib niya, para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Malakas na itinulak niya ito palayo sa kanya.

"Bastos!" Sasampalin sana niya ito pero nasalo nito ang kamay niya.

"That's your punishment for lying to me, Bree." Hinawakan nito ang baba niya at pilit na itinaas ang mukha niya. "Stop lying. Naiirita na ako e. Alam ko naman kasi na naalala mo ako. Naalala mo nuong unang punta mo rito sa opisina ko? You called me Sebastian. Kaya naman tama na. Tigil na itong pagsisinungaling mo."

Malakas na itinulak niya ito. Naiinis siya dahil nabuko na siya nito, at nadagdagan pa iyon sa klase ng pananalita nito. Sino ba ito para sumbatan siya?

"Ano naman ngayon kung nagsisinungaling ako? Ano naman ngayon sa'yo? That's my choice. I want to forget you, Sebastian. Ayaw na kitang maalala kaya ginawa ko yun. Pero wala kang karapatan na halikan ako ng walang pahintulot dahil sa ginawa kong pagsisinungaling. It's my human right to choose what's best for me and that is to forget everything that happened between us. I already moved on, Sebastian. Ikaw din, mag-move on ka na. It's been two years—"

"Easy for you to say. Hindi naman ikaw ang nawalan ng bride."

Tumawa siya ng pagak. "Sebastian, can you hear yourself? Nawalan ng bride? Hindi nawalan ng minamahal? Akala ko ba ikakasal kayo." She scoffed. "Please, kahit pa siguro totoo akong prostitute, hindi mo ako gagalawin kasi may fiancé ka na. Iyan ang dapat gawin ng lalaking hindi gago na katulad mo!"

He smirked. "So, you do remember me."

Matalim ang matang tiningnan niya ito. "Yes. Is that what you want to hear? Oo, naalala kita. Naalala ko ang kagaguhan mo!"

Nawala ang ngisi ni Sebastian sa sinabi niya.

Malakas na pinunit niya ang brown envelop na naglalaman ng kontrata na penermahan niya. "You know what? I should have known that it is a bad thing working with you. Why did I even think that we could work harmoniously? Argh! Nakakainis ka!" Tumalikod siya at akmang lalabas ng opisina ng marinig itong magsalita.

"You like my touch." He said in a matter-of-fact tone.

Nag-init ang ulo niya sa narinig. Mabilis niyang hinarap ang lalaki. "Iyon lang ba ang importante sayo? Yes! I like your touch! For two years, it haunted me in my dreams. Yes, I want you to touch me. Yes, I want you. But I don't want to want you. Alam mo kung bakit? Kasi gago ka. And I don't like to associate with the likes of you."

Mabilis siyang lumabas sa opisina nito at malakas na isinara ang pinto. Nagmamadali siyang naglakad palabas sa building na iyon. Hindi pa siya tuluyang nakalalabas ng parking lot ng may pumigil sa kanya sa braso. Nang lingunin niya kung sino iyon, it was Sebastian.

"Let go of me!" Ipiniksi niya ang braso na hawak nito pero hindi nito iyon binitawan. "Sabi ng bitawan mo ako—"

"I'm sorry." Anito na ikinatigil niya sa pagsasalita.

She looked at him funny. "Ano?"

"Two years ago. I wasn't able to say sorry." Tiningnan siya nito sa mga mata. "Alam ko napakagago ng ginawa ko noon. Pero pinagsisihan ko na yun. I regret everything I said and did to you in that hotel. Kaya huwag ka ng magalit sa akin." He gave her a puppy dog eye.

She rolled her eyes. "Hindi mawawal niyang puppy dog eye na iyan ang galit na nararamdaman ko sa'yo."

Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at biglang naglumikot ang puso niya. "Bree, I'm sorry. Please, forgive me."

Pinalis niya ang kamay nito sa mga balikat niya at inirapan ito. "Not working." Aniya at pinara ang papalapit na taxi.

Bago siya sumakay sa taxi, nilingon niya ang binata. "Gago." Tuluyan na siyang sumakay sa taxi.

Mine (Completed) - PUBLISHED UNDER RED ROOMWhere stories live. Discover now