CHAPTER 12
HAPON na ng matapos ang Writer's gathering para sa araw na iyon. It was the first day of the Asia's writer's gathering and it was fun. Ang dami niyang nakilalang mga sikat na manunulat ng iba't-ibang genre ang napaka-interesteng ng mga personalidad ng mga ito.
Sabay silang lumabas ni Sebastian sa gusali na pinagdaraosan ng gathering.
"Hindi ba gusto mong i-tour kita?" Tanong ni Sebastian sa kanya nuong nasa sasakyan na sila at nagmamaneho na ito.
Binalingan niya ang binata na nasa tabi niya. "Magga-gabi na. Baka gusto mo nang magpahinga. It was a long day."
"Nah. I'm good." He smiled. "Saka may naisip na akong pupuntahan natin. You'll like it."
"Siguraduhin mo lang na magugustuhan ko, kapag hindi, aabandonahin kita."
Tumawa si Sebastian. "Aabandonahin? Ang lakas ng loob. Para namang alam mo ang pasikot-sikot dito sa Singapore."
Inirapan niya ito. "Ewan ko sa'yo."
He chuckled lightly. "Don't worry. Hindi kita kayang abandonahin. Masyado kang mahalaga sa'kin para abandonahin ko."
Her heart quicken at his simple words. Tumingin siya sa labas ng bintana ng sasakyan para pakalmahin ang puso niya na parang palaging nakikipag-karera kapag malapit lang si Sebastian o kung may sinasabi ito na nagpapakilig sa kanya.
"Bree?" Tawag nito sa pansin niya ng lumipas ang sampung minuto na wala siyang imik at nakatingin sa labas ng sasakyan.
Binalingan niya ito. "Yeah?"
"Medyo malayo pa ang pupuntahan natin. Wanna play a game?" Suhestiyon nito.
She shrugged. "Okay." Nakatunganga lang naman siya sa hangin.
"Great." He grinned. "Let's play truth or dare."
Umayos siya ng upo at isinandal ang likod sa likuran ng sasakyan. "Sure. Ako muna o ikaw?"
"You first."
She smiled; feeling excited all of the sudden. "Okay." She took a deep breath like she's going to ask the most important question in the world. "Truth or Dare?"
"Truth." Mabilis nitong sagot na may munting ngiti sa mga labi.
"Hmm." Napa-isip siya kung anong itatanong niya rito. "Okay, ahm, who's your first sex?"
He gave her a 'really' look. "Iyon talaga ang tanong mo?"
She nodded. "Yeah. Bakit, may masama ba sa tanong ko?"
"Your question is lame and her name was Suseth. I forgot her surname though."
Napailing-iling siya. "God, Bash, hindi mo maalala ang apelyido niya? She's the one who pleasure you. She was the one who took your virginity."
Sebastian rolled his eyes. "I'm not a woman. I don't remember everything. Okay?"
She rolled her eyes at him. "Ewan ko sa'yo. Hmp! Mga lalaki nga naman. Bakit ba kayo ganoon? She pleasured you and all that, tapos siya ang naka-una sa'yo pero hindi mo maalala ang apelyido? Ano 'yon? Nakalimutan o sadyang kinalimutan?"
Bash looked at her through the review mirror. "Are you affected by my answer? Sa klase kasi ng pagsasalita mo, parang may pinaghuhugutan ka e."
Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Gago! Babae ako. At talaga namang may pinaghuhugutan ako."
"Yeah? Oo nga pala. How about you, naalala mo ba kung sino ang kumuha sa pagkababae mo?"
"Oo naman. Ikaw!" Natigilan si Bree ng ma-realize ang sinabi niya. Gusto niyang kastiguhin ang bibig. Bakit ba hindi siya nag-iisip bago magsalita?
BINABASA MO ANG
Mine (Completed) - PUBLISHED UNDER RED ROOM
General FictionNOTE: SPG/R-18 Available in any PPC store | Published Under Red Room | Price: 79.00php | Pocketbooksize A night before Sebastian's wedding with France, his girlfriend for two years, his friends throw a stag party for him. They even pay a woman to p...