TBC 39

767 10 10
                                    

Beverly Mae Avila [POV]

Napabuntong-hininga ako sa pagkakaupo. Lahat sila ay nagreak. Kaharap ko ngayon ang mga kaibigan ko at nasa isang coffee shop kami.

"Busangot ka dyan?" puna sa akin ni Mira.

"Kanina pa namin napapansin na parang wala ka sa sarili mo," dagdag pa ni Carol.

Nag-peace sign ako bago magsalita, "Huwag n'yo na lang akong pansinin. Hehe."

Tinabig ako bigla ni Zeny, "Anong huwag? Nakakahawa kaya 'yang bad vibes mo! Umayos ka nga. Ano bang arte mo sa buhay?"

"Hep!" pagitna ni Claud habang hinarang pa ang dalawang kamay sa gitna. "Eto kasing si Beverly ilang araw ng—ay! Isang linggo na palang hindi nakikita si idol."

Sinamaan ko siya ng tingin. Gusto kong sabihin mula sa titig ko na, 'Tsismosa ka talaga!'.

"Ahhhh, buhay pag ibig," ani ni Carol.

"Eh ano bang ganap nyo ba't di kayo nakakapagkita? Warla kayo?" tanong ni Mira.

"Hindi!" depensa ko. "Ganto kasi 'yan—"

"Tanga kasi si Bev, guys," singit ni Claud.

"Kanina ka pa," sabi ko.

"Ano ba 'yong katangahan mo na naman?" tanong ni Zeny.

Napahawak ako sa aking sintido. Minsan napapaisip talaga ako kung bakita napagtiyagaan ko 'tong mga kaibigan ko sa mahabang panahon.

"Actually, hindi naman siya katangahan. Sadyang OA lang 'tong si Claud. As you can see, busy talaga si Youseff sa work," huminga ako ng malalim. "Mahigit isang buwan na ang nakalipas when he started to get busier than usual. And kung pagsasamasamahin ko 'yung araw na magkasama kami sa loob ng isang buwan, ahm, seven days! Oh, that's one week at least."

"Be understanding na lang, Bev. And I know that's what you are doing now. Mag face time na lang kayo ng mas madalas," pang aalo ni Nove.

"Korek! And work related naman pala. No doubt dahil sunod-sunod na magazine, halos feature siya."

Inirapan ni Claud si Zeny, "Haler? Nung first monthsary nila face time na nga lang eh. Willing na ngang i-give up ni idol 'yung work nya para pakasalan 'tong si—"

Hindi na naituloy ni Claud ang sasabihin ng lagyan ko siya ng tiapay sa bibig, "Kumain ka, gutom ka pa eh!"

Tinabig niya ang kamay ko. "Ano ba?!" reklamo niya habang ngumunguya.

"Spill it."

"Sounds interesting."

"No secrets, diba?"

Wala na akong nagawa kundi ang huminga ng malalim at magsimulang magkwento pero bago 'yon, sinamaan ko na naman ng tingin si Claud. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ako maiipit ng ganito.

Hindi naman sa ayaw kong sabihin sa lahat ng kaibigan ko ang mga nangyayari sa buhay ko kaya lang takot akong masermunan nila. Minsan sa buhay natin, takot tayong harapin 'yung mga mangyayari kahit ine-expect na natin kung ano 'yon. At ganon ang sitwasyon ko. Alam kong hindi sila sasang ayon sa naging desisyon ko at kung anu-ano ang sasabihin nila pero ayaw kong marinig ang mga 'yon.

'But now, I think I have no choice.'

"Remember when Jener asked me favor about Youseff? Pumayag ako," panimula ko.

Kita ang taka sa muka nila at ang unang nakabawi ay si Zeny, "Diba sabi ko follow your heart?"

"Pero naawa ako sa tao. I think she really needs big income to support her children."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TBC: YOUSEFF ANDERSONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon