TBC 8

1.7K 34 1
                                    

Beverly Mae Avila [POV]

Maaga akong nagising dahil may lakad kami ni Youseff. Ito na 'yung araw na nire-request niya. 'Yung mag karoon daw kami ng best boy and girl friend day katulad ng bestfriend day namin ni Bry. Naka-Youseff na halos lahat pero ang inggitero pa din e 'no? Hahaha.

Napag usapan namin na outside tbc kami mamamasyal. Sa seaside ulit kung saan nag simula ang friendship namin. Consider as memorable place ang lugar na iyon para sa 'min.

"Bye, Ma! Alis na po ako!" Paalam ko.

"Sige, ingat kayo ni Seff." Bilin ni Mama.

Taray, lakas maka-Seff. Akala mo siya ang best girl friend. Haha. Kailangan kong mag lakad papunta ng kanto para makasakay ng jeep byaheng seaside.

Habang nag lalakad, nagulat na lang ako ng makapaak ako ng malambot. Pag tingin ko... "Anak ng! Pag kakataon nga naman oh! Ngayon pa ako makakaapak ng tae. Peste! Bwisit! Ang baho!"

Do I have a choice? I guess none. I need to go back to our house to clean this poo. Yuck. Pabalik na ako sa bahay at hindi ko maiwasang mag labas ng sama ng loob.

"Bakit ganito ang buhay? Kailangan ba talagang may humila sa 'yo pababa? Bwisit ha? Ang saya-saya kong aalis tapos dahil lang sa isang tae, sisirain ang araw ko. Pero kahit ganon, kahit may humila pababa, we need to stand up and continue. Tama!" Pag papalakas ko ng loob sa sarili.

"Oh anak? Anyare?" Bungad ni Mama.

Kakapanuod niya kay Vice ganda, ayan ang naa-adopt niya. "Eto po, nakaapak ng pang paswerte. Kainis naman oh!"

"Baka ma-late ka sa lakad niyo ni Seff. Ako na mag lilinis niyan. Ibang sapatos na lang ang suotin mo."

"Talaga, Ma? Thank you po!"

Nag paalam na ako ulit at agad na umalis ng makakuha ng panibong sandals. Medyo masikip na kasi two years ago pa ata 'to e pero keri na. Nakarating naman ako sa terminal ng jeep ng matiwasay. Pero kailangan ko pang pumila.

"Ayy hayop!" Sigaw ko ng matalsikan ang damit ko ng putik mula sa sasakyang biglang dumating. "Hoy bumalik ka dito! Look what you did!" But I guess there's no point on shouting dahil hindi naman ako maririnig ng tao sa sasakyan. Wala na e. Nakalayo na at hello? Nakasara 'yung sasakyan.

Malas nga ba talaga ako ngayong araw? Sa dami naming nakapila don, ako pa talaga ang napuruhan. Nakaapak na nga ako ng tae, nadumihan pa ako. What a bad day.

Nanlulumo akong bumalik na naman sa bahay. Gulat na gulat na naman ang Mama ko sa itsura ko. Nag bihis na ako ng pang bahay. Hindi na lang ako tutuloy, ica-cancel ko na lang 'yung lakad namin. Sana naman maintindihan ni Youseff. Agad ko siyang tinext. Wala pang isang minuto ay nag reply siya.

[From: Seff]

[Malas mo naman, Beverly. 'Wag ba tayong tumuloy but I'll just go at your house. Okay lang ba?]

Bakit ang bait ng taong 'to? Maunawain. Kaya hindi ko matatanggihan ang sinasabi niya. Pinaalam ko muna kay Mama at pumayag naman siya na pumunta sa bahay si Youseff. Sa totoo lang, walang problema kay Mama kahit dalawang lalaki ang kaibigan ko. Okay nga daw sa kanya para may taga pag tanggol ako.

Hindi nag tagal dumating na si Youseff at as usual, naka kotse. Pinapasok ko siya at nag mano naman siya kay Mama. It's already 9 am. Pero kakaluto pa lang ni Mama ng almusal.

"Nako Seff, kumakain ka ba ng tuyo at itlog? Ito kasi ang nabili kong almusal. Pero mamaya 'wag kang mag alala, mag luluto ako ng masarap na ulam sa tanghalian para sa 'yo." Giliw na giliw na sabi ni Mama. Mabait na bata daw kasi si Youseff at agree naman ako don.

TBC: YOUSEFF ANDERSONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon