TBC 15

1.3K 34 0
                                    

Beverly Mae Avila [POV]

Ang saya ng tawanan namin dito sa mall ng barkada. Syempre once a week tatambay kami dito, usapan na 'yon basta may free time.

"Hahaha. E naalala niyo ba 'yung first time nagkiss ni Mira at Lucas?" Pagpapaalala ni Bry. Baliw talaga 'to.

Si Mira tuloy namula. "Shocks! Grabe kaya kayo non! Hindi ko inexpect 'yon."

"E malay ba namin na first time niyo pala? Hahaha."

"Move on guys, okay na sa akin 'yon. May forever naman e. Wahaha."

"WALANG FOREVER!" Sigaw ni Carol, Zeny at Ako. Kaming mga single except kay Bry na hindi naman sumigaw. If I know, my iba na namang opinyon 'yon.

Totoo naman e. Walang forever. Everyone will die. Nakatakda na. Ikaw lang ang magdedecide kung gusto mo ng mamatay agad o hindi pa.

Siguro bitter ako. Tanggap ko na. Dati hindi pa e. Kaso ngayon nagmamahal na ako kaya aminado akong bitter ako. Bitter ako kasi 'yung taong mahal ko hindi ako mahal. Ang masaklap pa, nagmamahal siya ng iba.

"Bibitter n'yo! May forever kaya. 'Yung pagmamahal ko kay Beb."

Binatukan ko na lang si Bry. Pero infairness sa bestfriend ko ha, positive pa din ang outlook sa love kahit na pareho kami ng sitwasyon. Mahal niya ako pero may mahal akong iba. Kabwisit din ako 'no? Ang selfish ko para sabihin pa sa bestfriend ko ang nararamdaman ko kay Youseff.

Pwede namang itago ko na lang para hindi niya alam, para iisipin niya na lang na hindi ko lang talaga gustong magmahal katulad ng dati. E 'di hindi sana siya namomroblema ngayon. E 'di hindi sana siya mas masasaktan ngayon. Hindi sana kami pareho ng nararamdaman ngayon kasi masakit e. Sobra. Nakakatawa ka sa harap ng ibang tao pero pag ikaw na lang ang mag isa, hindi mo maiiwasang hindi isipin ang pagkabigo mo sa pagibig.

Kaso selfish ako, wala akong kwentang kaibigan. Nasasaktan ako kaya hindi ko inisip na masasaktan ang matalik kong kaibigan na walang ginawa kundi ang mahalin ako at pasayahin. Kasi ang gusto ko, may magcomfort sa akin kahit 'yung tao na 'yon, sinasaktan ko I'm selfish. Nakakaasar.

"What's up? I guess I really missed a lot from this group, huh?"

Slow motion akong napatingin sa dumating. 'Yung taong nagpapatibok ng puso ko. 'Yung taong halos baliwin na ako kakaisip sa kanya. 'Yung taong kahit sinasaktan at pinapaiyak ako ng hindi sadya e mahal ko pa din ng palihim. Si Youseff.

"Anong ginagawa mo gunggong?" Masungit na tanong ni Bry.

"Ang epal mo, Bry!" Sita sa kanya ni Zeny saka tumayo at sinalubong si Youseff. "Youseff! Woooh!"

Tumayo na din ang iba pwera sa aming dalawa ni Bry. "Youseff namiss ka ng barkada!"

"Oo nga! Kinalimutan mo na kami porke may gf ka na. Yiie!"

"Miss you, Youseff."

Nakatingin lang ako sa kanila habang masaya nilang binabati si Youseff. Halatang namiss nga nila siya. Kahit naman ako, miss na miss ko na siya. Kahapon lang kami huling nagkita nung kinuha ko 'yung sahod ko pero pakiramdam ko parang isang buong buwan kaming 'di nagkit o nagusap. That's how I miss him.

"Namiss ko na din kayo guys. Ano bang pinaguusapan niyo?" Tumabi pa sa akin si Youseff. "Hindi porke nagkita tayo kahapon, hindi mo na ako namiss. Ang tagal na nating 'di nagkakasama, Beverly."

Grabe 'yung kabog ng dibdib ko. 'Yung pakiramdam na magkatabi kami sa upuan, nakakailang. Nakakailang kasi nacoconscious ako kahit wala namang dapat ikaconscious, alam niyo 'yon? Dati wala lang sa 'kin kahit ganito kami kalapit sa isa't isa basta ang alam ko lang, pag ganito kami, weirdo 'yung tibok ng puso ko. Ayon pala, kaya abnormal ang heartbeat ko kasi inlove na pala ako sa kanya.

TBC: YOUSEFF ANDERSONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon