TBC 13

1.2K 30 3
                                    

Guys ito ang original na TBC 15. Ito yung sinasabi ko sa inyo na sa twing mag uud ako may toyo ung wattpad. Automatic na nabubura yung other part ng story. Buti na lang may kopya pa ako kundi. Rewrite katulad ng madalas kong ginagawa. Guys, pakibasa ulit. Complete na to. Salamat and sorry sa kapalpakan ng watty.

Beverly Mae Avila [POV]

"Hahahaha! Palpak ka talaga lagi, girl!"

Makatawa naman 'tong si Maam Stacy. Wagas. Kinwento ko kasi sa kanya 'yung nangyari sa mall kahapon, mula doon sa plan namin nila Mira hanggang sa masagi ko 'yung mannequin.

"Grabe ka Maam. Sa susunod hindi na kita kukwentohan e."

"E kasi nakakatawa ka kaya. Epic."

Inirapan ko na lang siya ng pabiro. Baliw ba talaga 'tong babae na 'to? Tinignan ko siya, ngayon may kausap na sa phone at mukhang kilig na kilig. Si Sir Enrique na naman 'yan for sure.

"Hi!"

Nagulat ako. Kung noon, hindi. Expected ko na kaso iba na ngayon, hindi na madalas pumupunta dito sa UnderMen si Youseff.

"Oh anong masamang hangin ang nagdala sa 'yo dito?" Tanong ko. Hindi ako galit. Nagkaayos na ulit kagabi nang lahat ay nasa comfort room.

Pero hindi ko ineexpect na pupunta siya dito katulad ng dati. Ang akala ko kasi, nagkabati kami pero ganon pa din siya---walang paramdama, pero mukhang mali ako.

"Ay, mukhang 'di ako namiss." Tapos kinurot niya ako sa tagiliran.

"Ano ba?!" Saka hinampas 'yung kamay niya. "Miss ka diyan! Kakikita lang natin kahapon e."

"E bakit miss na kita?"

"Mukha mo." Tsaka nagpanggap na nagaayos ng mga gamit. Bwisit 'to. Kakarating lang, napa-roller coaster agad ang puso ko.

"Gwapo." Sabay kindat.

"Jusko." Bakit ba ganyan 'yan? Ang lakas makapagpagulo ng tibok e. "Mandiri ka nga." Biro ko na lang.

"Teka nga. Bakit may narinig akong miss-miss diyan?" Singit ni Maam Stacy nang wala ng kausap.

"Buti na lang tapos na kayo ni Enrique mag usap. Hiramin ko 'tong best girl friend ko ha?" Sabay akbay niya pa sa 'kin.

"Kapal mo diyan, Youseff! Ikaw ba ang nagpapasweldo diyan, aber?"

"Fine. Bibili ako ng 3 dozens. Isn't it enough?"

Ngumiti si Maam Stacy. "Nice deal. Akin na ang card mo."

Card ang gamit ng mga tbc members. May exclusive card ang tbc member na active lang din dito sa loob ng tbc.

Inabot na ni Youseff 'yung tbc card niya kay Maam Stacy tsaka kinuha ang 3 dosena ng briefs. Nagpaalam na ako kay Maam Stacy dahil instant undertime na naman ako pero hindi niya inaawas sa sahod ko.

Naglalakad na kami ni Youseff papunta sa kanyang villa ng mapatingin ako sa hawak niyang paper bag na lalagyan ng binili niya sa UnderMen. Tatlong dosenang brief? Aanhin naman niya yan? Sa isang araw nakakalimang palit ba siya? OA na ha?

"'Yung totoo Seff? Binebenta mo ba ang mga 'to ng doble sa labas? Ang dami mo naman bumili ng brief. Last time na pinaalam mo ko kay Maam Stacy, last month pa ata 'yon pero kahit na, 2 dosena kaya 'yon."

Ngumiti siya. "Para payagan ako ni Stacy na hiramin ka. Ibigay mo 'tong isang dosena kay Tito at ito namang isang dosena sa kuya mo." He's talking about my father and brother.

"Nako, 'wag na Seff. Kakabigay mo lang last month ng t-shirts sa mga 'yon e." Puro bago pa.

"Sila naman ang bibigyan ko at hindi ikaw. Makareact ka diyan. Haha. And please, don't emphasize that I did those last month."

TBC: YOUSEFF ANDERSONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon