Chapter28. TH + Martyr + Impulsive + PRINCESS? = ANYAREEEE?

Start from the beginning
                                    

“S-san ba tayo pupunta?” Ay leche! Bakit ako nag-stammer?!

“Gagi ka? Kaya nga kahit saan di’ba?! Kainis” Then she looked away. Ako pa gagi ngayon.

I drove off. Kahit san pala ha! Sige, tingnan naten.

After 3 hours.. Oh di’ba? Hassle lang! Nangalay ako dun ha! Grabe! Hindi pa naman ako sanay ng nagda-drive ng ganun katagal.

Tiningnan ko si Chloe. Napangiti na lang ako. ‘Di ko alam kung anong meron ‘to at nakuha ang atensyon ko. Tingin niyo ba accidental lang lahat? Haha! Oh well, think again! May mga bagay talaga na nangyayari ng hindi naman natin inaasahan. At yung nangyari sa’kin, I mean yung nararamdaman ko for Chloe? Hindi ko yun inaasahan.

I know, I know. Gusto niyo ng malaman. Tutal gwapo naman ako. Sige! Sinong may sabi na hindi?! Vain lang? Haha. Anyway, yung sinabi ko kanina na mga pagkikita namin, right, pagkikita, meaning nakita ko siya at nakita niya ako—sa Elite yung unang beses. Pero yung kauna-unahang pagkakataon na nakita ko siya, that’s a few months ago. I don’t know kung nakita niya ako noon. But nakita ko siya.. And that was the day that I promised I’d never sing of love, if it doesn’t exist.. JOKE! Haha. Kumanta? I promised myself that I’d do anything to win her. Pero napakabait naman talaga ni kupido! Aasinta na nga lang, dun pa sa taken na! Tsk! Saan at paano ko siya nakita? That’s another story. At hindi yun ang issue ngayon. Kailangan nanaming bumaba dahil ihing-ihi na ako!

*poke. poke. poke*

Tulog mantika naman ‘tong isang ‘to! Pambihira! Tulo pa laway. Yuck lang! Bute ako lang nakakakita.

“Mmm..” Ay ang ganda talaga neto. Nakakunot pa yung noo niya. Kahit ba naman sa pagtulog dinala yung LQ nila? Awts lang oh! Hay nako Gian, gisingin mo na lang kaya?

“Uyy Chloe .. Andito na tayo.” *poke. poke*

“Inaantok pa ako.. Sshh..” She waved her hand dismissively. Wow! Feeling nasa bahay lang?! Tsk. Panu ba gagawin ko dito?  Alangan naman iwanan ko ‘to dito? Ayy nako! Bahala na nga!

--

“Hooooy!”

 

“Araay!” Takte! Batukan ba daw ako. Hapit na hapit pa. =______=”

 

“H-ikaww! W-why are you not drinking??! Handayaa muu naamaann!”

 

“Tama na nga yan. You’re drunk! Matulog ka na” inagaw ko yung baso ng alak na iinumin nanaman niya.

“Dooon’tt! H-hindi ako lasheeeng!” Pinipilit niyang kunin yung baso pero nilayo ko. Ang kulit naman nito ‘pag nakainum. Grabe! Nakakahiya sa ibang tao dito. Pinagtitinginan na kami.

Nasan nga ba kami? Aba! Pareho kayo ng tanong ni Chloe nung nagising siya kanina. Ang kinaibahan lang, may pagkabrutal talaga siya!

What Happens After A One Night Stand? (WHAAONS) COMPLETED!Where stories live. Discover now