Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER

Start from the beginning
                                    

"Tara na Laurea kailangan na nating tumakas!" Ang sigaw ni diyosang Tala kay Laurea. Ikinumpas ni Tala ang kanyang kamay at bumalot sa kanila ang malakas na puwersa na lumukob para puprotekta sa kanila mula sa mga kapangyarihan ng kanilang mga kalaban. Ang hindi lang siya sigurado kung kakayanin nito ang kapangyarihan ng ama na nasa kamay ni Kasanaya. Kailangang makaisip siya ng paraan para makuha niya ang kapangyarihan ni Bathala kahit buhay pa niya ang kapalit.

Sinimulan na nila ang kanilang pagtakbo papunta sa taranhkahan ng tore ng biglang napatigil si Laurea.

"Si...si Anilaokan?" ang mahinang wika nito.

"Hayaan mo na siya Laurea." ang tugon ni Tala.

"Pero iniligtas niya tayo." ang katwiran ni Laurea.

"Isang magaling at makapangyarihang mandirigma si Anilaokan Laurea, malulusutan niya lahat nh ito." ang paliwanag ni Tala. Tumingin si Laurea kay diyosang Tala at tumango bilang pagsang-ayon sa diyosa. Makakayanan nga ni Anilaokan mailigtas ang sarili nito dahil isang malakas na mandirigma si Anilaokan noon pa man.

Muli ay binagtas nila ang kahabaan ng tarangkahan para doon dumaan papalabas ng palasyo. Ngunit hindi pa man sila nakakalapit sa tarangkahan ay naghihintay na roon si Kasanaya na nakalutang sa hangin at nababalutan ng mga maninipis na hibla ng kuryente ang katawan. Sa tabi niya ay si Handiong ang isa sa pinagkakatiwalaan niyang opisyal ng kanyang palasyo.

Natigilan sina Laurea at Tala pagkakita sa dalawa.  Nagkatinginan sila na tila nag-uusap sila gamit ang isip. Sa kanilang likuran ay muling pinalibutan sila ng mahigit isang-daang mga mandirigmang sundalo ng palasyo na nakahandang muling umatake sa kanila.

"Sa tingin niyo ba madali para sa inyo na makatakas sa aking kaharian, mahal kong kapatid?" ang malakas na wika ni Kasanaya habang papalapit sa dalawa na nakalutang pa rin sa hangin. "Kung noong una ay nakuha mo akong matakasan pero sa pagkakataong ito ay imposible mo na itong magagawa dahil nasa akin na ang tungkod ng ating ama...ang ama mo pala." Humalakhak ng napakalakas si Kasanaya na tila nanghahamak sa sinapit ng kanyang amang si Bathala.

"Nagkakamali ka Kasanaya sa paggamit mo sa tungkod ni amang Bathala. Hindi iyan ang tunay na kapangyarihan ng tungkod na 'yan. Dahil higit pa sa inaakala mo ang kapangyarihan ng tungkod ni ama. Oo't nananalaytay sa dugo mo ang dugo ni amang Bathala dahil sa ginawa mong kalapastangan sa aking kapatid na si diyosang Bulan. At iyan rin ang dahilan kung bakit nahahawakan mo ang tungkod ni ama na hindi namamatay. Pero, may iisang bagay ang nakalimutan mong gawin para magamit mo ng tuluyan ang kapangyarihan ng tungkod na hawak mo." ang tugon ni diyosang Tala na nagpatahan sa mga malulutong na halakhak ni Kasanaya.

"Isang bagay na nakalimutan kong gawin para mapalabas ko ang tunay na kapangyarihan ng tungkod na ito?" ang wika ni Kasanaya at muli itong humalakhak tanda ng pagdududa nito sa tinugon ni diyosang Tala sa kanya. "...kasinungalingan Tala. Akala mo ba madali mo akong mapapaniwala sa mga sinasabi mo ngayon? Hindi ako basta-basta malilinlang ng kahit sino man kahit kagaya mo pang isang diyosa."

"Ganun ba Kasanaya? Tingnan nga natin." Ngumiti-ngiti si Tala na tila nakakainsulto. "...akala ko pa naman napakatalino mo Kasanaya. Hindi pala."

"Kung paraan ito para mapigilan mo ang pagpatay ko sa inyo Tala, nagkakamali ka dahil isang gamit ko lang sa tungkod na ito ay magiging katapusan na ninyong dalawa ni Sinukuan!" ang wika ng galit na galit na si Kasanaya.

"Bakit hindi mo subukan Kasanaya kung kaya mong basagin ang puwersang pumoprotekta sa amin ni Sinukuan gamit ang tungkod ni ama para magkaalaman na tayo." ang paghamon ni Tala kay Kasanaya.

Napalunok si Laurea sa narinig sa kaibigan. Alam niyang nagsisinungaling si diyosang Tala para hindi sila papatyin ni Kasanaya gamit ang tungkod ni Bathala. Hinawakan niya ang kamay ng kaibigan na nanlalamig din dahil sa takot.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Where stories live. Discover now