Chapter Thirty-Eight

Start from the beginning
                                    

"Mga lalaki talaga..."

"And then after niyang sirain yung mukha ng boyfriend niya at nung freshman, bigla siyang nawala roon sa city nila. Siguro nagpagala gala siya simula noon. Nakakuha siya ng online support sa mga tao. May group pala yung slasher sa social media tapos doon ipopost kung sino ang gusto mong ipa-slash."

"Sicko. Pero mabuti nalang nahuli na siya. Sana yung mga nag-post doon sa group, mahuli rin."

"Tara na, tapos na ba kayo mag-make up?"

"Okay na. Let's go."

"Gusto kong mag-cut, ayokong pumasok sa class mamayang hapon."

"Gaga, magkaka-record ka."

"Ugghh..."

Nawala ang boses ng mga babae at natahimik sa loob ng ladies room. Bumukas ang isang cubicle at mula roon ay lumabas si Hanna. Namumutla ang mukha niya.

Simula nang mabalitaan niya ang nangyari kina Banri at Tammy, kaagad niyang binura ang fake account na ginawa niya pati na rin ang post niya sa group ng slasher.

Abot langit ang kaba niya dahil sa nangyari. Dumaan ang mga araw at wala namang nangyari. Sigurado siya na walang nakakaalam. Wala rin siyang pinagsabihan tungkol sa ginawa niya. Nawala unti-unti ang takot niya at bumalik siya sa dati na parang walang nangyari.

Ngunit hindi nagtagal, isang araw ay bigla siyang nakatanggap ng magkakasunod na text messages.

[Do you feel remorse?]

[Do you want me to relieve your conscience?]

[Or do you still have one?]

[*sent a picture*]

[I guess it was already eaten by a dog.]

Nanginig ang kamay ni Hanna nang makita niya ang picture niya habang tumatawa kasama ang mga kaibigan niya. Pinagpawisan siya nang malamig dahil alam niya ang ibig sabihin ng mga text messages na iyon. Alam nito ang ginawa niya. Ngunit paano?!

Naging umpisa iyon ng araw araw na pangha-harass sa kanya ng misteryosong sender – X. Walang phone number. Tanging letter X lang ang nakalagay bilang sender. Hindi gumagana ang block rito. At pati sa mga social media accounts niya ay binubulabog siya ni X.

May dark humor pa ito at pinapadalhan siya ng mga nakakabulabog na meme.

Alam ni X kung sino siya, kung ano ang ginawa niya, kung nasaan siya, kung sino ang kausap niya. Alam nito ang lahat ng ginagawa niya. Palagi itong nakamatyag sa bawat kilos niya. Hindi siya makahinga sa kaba.

Hindi natagalan ni Hanna ang ginagawa sa kanya ng stalker niya. In-off niya lahat ng gadgets niya. Ang laptop, tablet, pati ang mga cellphones niya.

Nagkaroon siya ng sandaling katahimikan. Nakahinga rin siya nang maluwag.

Ngunit nang gabing iyon, pagdako ng eksaktong hatinggabi, biglang tumunog ang kanyang cellphone sa isang nakakatakot na bersyon ng kanta.

Every move you make

Every vow you break

Every smile you fake

Every claim you stake

I'll be watching you~

Nakita ni Hanna ang mata na nakamasid sa kanya sa cellphone. Isa iyong mata na galing sa isang kilalang horror movie.

Sumigaw si Hanna sa takot at ibinato sa labas ng bintana ang kanyang cellphone. Simula noong ay hindi na siya makatulog, hindi na siya makalabas ng bahay dahil sa takot. Dala ng sobrang stress, hindi siya makakain at lumalim ang kanyang mga mata dahil sa puyat.

High School ZeroWhere stories live. Discover now