KABANATA VI: His Moves

Start from the beginning
                                    

"Heh! Letche! Naturingan pa kitang bestfriend ko!" sigaw ko

"Tsk! Tsk! Ingay talaga netong pandak na 'to!" asar ni Liam. Tinignan ko sya ng masama. At lumapit sakanya. "Gustong gusto mo lang yung kiss ko eh!" ganti ko

"Ooh! Burn Kuya Liam! Burn!" sabi ni Harry

"Ground swallow Kuya Liam!" gatong naman ni Dani

Napansin kong tahimik lang nakaupo si Chris sa may owner nila Harry, napano yun?

Bigla akong hinatak ni Liam kaya napaharap ako ulit sakanya. Nakipagtitigan ako ng masama. Tapos bigla nyang pinatong yung noo nya sa noo ko! Napapikit ako! Akala ko hahalikan nya ako! Medyo pahiya ako dun ah! "Galing mo pagselosin si Chris ha?"

Napadilat naman ako, naduduling ako dahil sa lapit ng mukha nya saakin. Napapatingin din ako sa lips nya.

Oh Gosh! Bakit sa mortal enemy ko pa? "Selos na selos na sya oh! Grabe nya na ako titigan nararamdaman ko na yung saksak sa likod ko." sabay smirk nya "H-ha ha? A-ano? B-bakit naman magseselos?" kinakabahang sabi ko! Bakit ko pinahalata na kinakabahan ako!!!! Talo nanaman tuloy ako!

Nilayo nya na mukha nya saakin at tumawa ng tumawa "HAHAHAHAHAHAHAHAHA! HAHAHAHAHAAHHAHA! Grabe Allie!"

Napatingin naman ako kay Chris, at ayun tinitignan nya din ako na parang sinasabi 'masaya ka na? nagseselos na ako?'

"Dong!" napalingon kami sa pinanggalingan ng boses

"Dudong! Kakaen na dong! Omowe ka na deto dong!" sabi ni Tita Anna

"Sige Ma! Wait lang!" sagot ni Liam, tapos tumingin sya saakin at bigla akong binuhat ng Bridal Style!

"Ano ba Liam! Ibaba mo nga ako!!" maktol ko sakanya! Dahil mataas ang pagkakabuhat nya sakin kasi matangkad sya natatakot ako baka ibagsak nya ako! "LIAM! ANO BA NAASAR NA AKO HA! IBABA MO NA AKO!"

"Ang bigat mo Allison! Magpapayat ka na nga! Pag pumayat ka matic liligawan kita!" sabay baba nya saakin.

"Gunggong! Hinding hindi ako magpapaligaw sayo!" sabay suntok sa tyan nya pero bago ko bawiin kamay ko hinawakan nya ito sabay sabi "Babawiin mo din yang sinabi mo." sabay alis. Kinabahan ako ng todo.

MGA GALAWAN TALAGA OH!

The MuseWhere stories live. Discover now