"Seryoso ka ba talaga? 'Di ka ba naaawa sa 'kin? Nakakasakit ka naman ng feelings." sabi pa niya sabay hawak sa puso na animo'y nasasaktan talaga. Ang drama at ang plastik!

"Eh kung upakan kita d'yan!? Tse! Matapos kitang palamunin at bigyan ng bahay, 'yan lang ang igaganti mo sa 'kin!? Kaya sige, lumayas ka na!"

"Ano bang kaguluhan ito?" singit naman ni Manang sa kalagitnaan ng pagtatalo namin ni Cupid.

"Naku manang, wala po 'to. Inaasar ko lang po si Spirit." Singit niya sabay ngiti ng napakalawak.

"Ikaw talagang bata ka. Ang hilig mong mang-asar kay Espi." Sita sa kaniya ni Manang.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Manang. Talagang Espi pa rin ang tinatawag sa akin? Ang pangit-pangit kaya!

"Manang naman!? Ano pong Espi?" Reklamo ko kay Manang.

"Hindi ba at 'yon ang palayaw mo?" Inosenteng tanong ni Manang. Talagang hindi niya ramdam ang gigil ko ngayon.

Nakita ko namang nagpipigil lang ng tawa si Cupid. Agad ko siyang tinignan ng masama.

"Anong nakakatawa do'n Kupido!? Aber!?" Singhal ko sa kaniya.

"Wala." Sabi niya habang nakangiti pa rin ng malawak.

"O s'ya, ikaw hija? Kakain ka na ba? Ipaghahain na kita." Pagpapagitna ni Manang sa asaran namin no'ng kupido na 'yon.

"Ay 'wag na po Manang. Busog na po ako. Kumain na po ako kanina bago kumain si Zel." Sagot ko sa kaniya.

"Gano'n ba? Sige, ako na d'yan." sabi ni Manang no'ng niligpit ni Cupid ang pinagkainan niya.

"Ayos lang po. Ako na po dito." Pagmamatigas ni Cupid.

"Hindi na hijo. Ako na d'yan. Magpahinga na kayo roon. Napaayos ko na nga pala 'yong magiging kwarto mo. Naku pag nakauwi na dito si Madame Alicia, panigurado matutuwa 'yon dahil andito ka."

"Iba po talaga nagagawa ng charms ko, 'di po ba?"

I rolled my eyes at his silly comments.

"Naku talaga 'tong batang 'to. Kay gwapo pero mahilig talagang magpatawa." Manang saan banda diyan iyong gwapo?

"Naku Manang, sinabi mo pa. Salamat po pala manang sa pag-ayos ng magiging kwarto ko."

"Ay naku, wala 'yon. Gaano ka ba katagal dito? May tirahan ka naba? Sabi mo bago ka pa lang dito 'di ba? Eh kung dumito ka na lang muna kaya? Para naman may makasama itong alaga ko."

Bigla namang napaubo si Cupid.

"Naku, mukhang malabo na po yata 'yang mangyari manang kasi pinapala--"

"Tama Manang!" pagputol ko sa sinasabi ni Cupid. Ano 'to!? Magpapaawa siya kay Manang dahil pinapalayas ko na siya? Eh siya rin naman ang may dahilan ah!

Kapal ng mukha. Ipapalabas niya pa kay Manang na ako ang kontrabida sa buhay niya.

"Oh 'di ba? Payag din ang alaga ko. Tutal, nasabi mo na namang magkaibigan talaga kayo ni Espi. Dumito ka na lang muna." Napangiwi naman ako nang muling sambitin ni Manang ang pangit kong palayaw. Kadiri talaga!

"Sure po. Basta ayos lang po sa inyong lahat."

Kita mo 'to. Dakilang pakipot rin eh tsaka ma-drama.

"Ah, ihahatid ko na po si Cu--Zel sa kwarto niya. Halika na fren." sabi ko sabay hila sa kaniya.

Nang nasigurado kong nakalayo na kami kay Manang, ay agad ko naman siyang hinampas.

"Loko ka! At plano mo pa talagang ilaglag ako kay Manang? Nakahanap ka pa talaga ng kakampi sa katauhan ni Manang?!"

"Hindi naman sa gano'n. Syempre kailangan ko ng assurance na hindi ako masisipa ngayong gabi."

Sinamahan ko siyang pumuntasa kwarto niya. Magkatabi lang naman ang kwarto namin dito sa taas pero kung makaasta parang bata. Kesyo makikitulog na lang daw siya sa sahig ng kwarto ko.

"Bakit ba ayaw mong matulog do'n sa kwarto mo?!"

"Eh natatakot ako. Hindi ako sanay na mag-isa."

"Anak ka ng tokwa. Do'n ka na sa kwarto mo! Masasanay ka rin."

"Iieeh. Spirit naman eh. May third eye kasi ako."

"Walang multo dito sa 'min."

"Eh maraming multo ang nagkakagusto sa 'kin. Baka sundan nila 'ko. Matatakutin ako."

"Ang bakla mo naman. Seryoso ba 'yang sinasabi mo?"

"Oo nga."

Nakita ko naman na mukhang takot talaga siya. Pero ang hirap kasing paniwalaan 'yong mga sinasabi niya.

Dapat mainis ako kasi ang yabang niya pero nakakaawa naman.

"Langya ka. Pinagod mo pa si Manang sa pag-aayos ng kwarto mo pero dito ka rin naman pala sa kwarto ko makikitulog."

"Dito lang naman ako makikitulog pero do'n pa rin 'yong mga gamit ko. Tsaka alam niyo, ang dami niyong maids."

Si Manang kasi 'yong Mayor Doma kaya gusto niya tutok siya pagdating sa akin. Matagal na kasi siya dito.

"Aish. Ang yabang mo rin eh no? Ang lakas naman ng loob mong sabihin na maraming multo ang nagkakagusto sa 'yo. Eh paano kung wala naman pala?"

"Meron nga kasi. Sa katunayan, may isa nga sa labas ng bintana mo ngayon eh."

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Pakshet.

"Nananakot ka ba?!"

"H-Hindi ah. Meron talaga pramis. Dito mo na kasi ako patulugin."

"Anak ka ng tokwa. Kung hindi mo lang ako tinakot, hindi naman talaga kita papayagang dito matulog no!"

"So, pumapayag ka na?"

"Hindi ba ikaw lang naman ang kailangan nila? Pag dito ka matutulog, madadamay ako! Kaya hindi ka dito matutulog."

"Espi naman eh."

"Espi ka d'yan. Ume-espi ka na rin ah. Ano 'to feeling close?"

"Spirit naman. Kailangan pa ba kitang suyuin?"

"Hindi na kailangan."

"Talaga!? Pumapayag ka na?"

"Lah. Hindi mo na 'ko kailangang suyuin dahil hindi rin naman ako papayag."

"Wala ka bang awa sa 'kin?!"

"Ikaw pa talaga may ganang magalit sa 'kin?"

"Hindi naman sa gano'n--"

"Labas! Muntik na sana akong pumayag pero dahil ikaw pa 'tong galit, nevermind na lang."

"Spirit naman. Please."

Tinitigan ko lang siya.

"No! Isang malaking hindi!"

Strings and ArrowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon