Chapter 8

49 8 0
                                    

Ramdam kong nakatingin lang si Cal sa 'min ni Grey.

Eh sino ba namang hindi titingin kung gayong naglalampungan kami ni Grey harap-harapan!? Tangina nasusuka ako!

"Grey, lumayo ka nga ng onti sa 'kin. Nasusuka ako sa set-up natin ngayon." bulong ko sabay tawa. Kunyari may nakakatawa akong sinabi sa kaniya. Yak.

"Ikaw naman babe. Magkasama pa nga tayo ngayon, hinahanap mo na agad ako kung saan ako mamaya. Lubusin mo na paglalambing sa 'kin ngayon para makatulog ka ng maayos mamaya." sabi niya at sinadya niya talaga lakasan.

"Ano!? Tangina ang layo ng sinagot mo sa sinabi ko." mahina kong sabi sa kaniya na ikinatawa niya lang.

"You're so funny babe."

Ano ulit!?

"Makisabay ka na lang kung ayaw mong mapahiya at mabuking na nagpapanggap lang tayo dito." bulong niya habang nakangiti.

In fairness ang galing niyang umarte. Magaling lang ako kapag kagaya kanina ang acting-an eh.

"Akala ko ba magaling kang umarte?" pang-aasar niya sa 'kin.

Aba, sinusubukan niya talaga 'ko ah.

Magsasalita na sana ako nang may biglang dumating na babae at tinabihan agad si Grey. Ramdam ko naman ang mga tingin ng ilan sa mga kaibigan, kasama na si Grey, sa 'kin.

"Hey Grey." she said at nakipag-beso. "I brought your favorite desert." sabay kindat.

Eh kung dukutin ko kaya 'yang mata mo!?

Nilapit ni Grey ng bahagya ang mukha niya sa 'kin sabay bulong ng, "Kung talagang magaling ka, agawin mo 'ko sa kaniya."

Ah gano'n? So makikipaglandian siya ng lantaran!? Ano na lang sasabihin ng mga kaibigan niya? Kani-kanina lang, ang wagas niyang ipilit na mahal na mahal niya raw ako tapos ngayon wala na? May bagong kalandian na naman?

Kung hindi ko lang talaga pinoprotektahan ang image ko, wala naman akong pakialam sa dalawang 'to.

"Oh Come on, Memo." rinig kong malambing na sambit ni Grey sa babaeng 'yon habang sinusubuan ito ng pagkain.

Damn you Fckboi.

Nakakapang-init ng kalamnan! Kung may something special sa kanila no'ng Memo girl, edi sana siya na lang ang pinagpanggap niya bilang girlfriend niya. Shucks nakaka-bobo ring kasama 'tong si Grey eh.

"You like that? But you like me more, right?"

Bitch please.

Gusto ko ng makaalis sa lugar na 'to since napakilala niya na naman ako sa mga kaibigan niya at sa mga babaeng umaaligid sa kaniya, ang last mission ko na lang ay ang iapataob 'tong babaeng 'to. Bushet.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsimulang kumilos.

I traced my index finger on Grey's face at pinalingon ko siya sa direksyon ko.

Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Now our faces are only a few inch apart.

"Babe? You haven't introduce that girl to me yet. Why don't you introduce me to her na lang? You know I'm kinda possessive right? At isa pa, hindi ako nakikipag-share sa iba. What's mine is mine." I said softly and flashed a sweet smile.

"Damn. You really know how to play." bulong niya.

Bring it on a-holes.

"Excuse me!? And who the hell are you?" galit niyang sambit at iritang tumayo.

Hay. Here we go again. Another drama.

"Hi. Hindi ko alam na meet the kabit pa lang ang pupuntahan ko dito. I'm Spirit, Grey's girlfriend."

Strings and ArrowsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz