"'Di ba nga girlfriend kita?"
"Hala. Hindi naman po ako na-inform na hanggang dito pala, aabot ang pang-oscars na acting-an natin."
"Of course babe. Mostly rin kaya dito sa school natin ay mga nagkakandarapa sa 'kin."
"Ayan. Aayaw-ayaw ka sa mga ganiyang babae pero hindi ka pa rin naman tumitigil sa pangbababae mo."
"Are you jealous?" He said with a grin on his face.
"What? Of course not! Sinasabi ko lang sa 'yo dahil pati ako nadadamay diyan sa gulo mo."
"Oh come on. It's okay to get jealous babe. By the way, you haven't introduce me properly yet to your friend."
Psh. Arte nito.
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita ulit.
"Sav, this is Grey Villaferde. Grey, this is Saveans Glaron."
"It's nice to meet you, Mr. Villaferde." She said and extended her hand.
"It's nice meeting you also, Miss Glaron. The best friend of my girlfriend."
"Pretend girlfriend."
"Sshh. Baka mamaya may makarinig. Masisira lahat ng plano natin babe."
I faked a smile, "Plano mo mukha mo."
Tumawa muna siya ng bahagya bago nagsalita ulit.
"Mauna na 'ko babe. Kailangan ako sa tryout eh."
Tinanguan ko na lang siya at umalis naman agad siya.
"Uy Cap! Buti naman at iniwan mo muna girlfriend mo. Kala ko makakalimutan mo na kami eh! Tara na, may pag-uusapan pa tayo tungkol sa tryout." Rinig kong sabi ng isa sa mga kasama niya.
"Uyy besty! Kahit pretend lang 'yong relasyon niyo, kinikilig pa rin ako. Whaa."
"So that's Grey's girlfriend."
"Yep. Hindi naman kagandahan."
"Flat chested pa."
Ano raw? Ako ba pinag-uusapan ng mga 'to?!
Ay tangina naman oh. Sikat na pangalan ko. Hindi na 'ko magkakaroon ng payapang buhay nito. Oh God.
"Best! Tingnan mo si Christian oh! Ang gwapo niya talaga kahit anong mangyari. At mas lalo pa siyang gumwapo dahil naglalaro siya."
"Tigil ka nga diyan. Kitang problemado pa 'ko dito eh. Alam mo bang pinaguusapan ako no'ng mga babae na lumapit kanina? Patulong naman."
"Oh ano namang klaseng tulong ang gagawin ko? Back up-an ka kapag aawayin ka na nila? Oh sure."
"Hindi. Loka 'to. Patulong naman sa pagdadasal."
"Aba, pagdadasal? Ano? Mabait ka na ngayon? Bait-baitan ang peg?"
"Alam mo, baliw ka talaga. Ipagdasal mo na lang ako kung sakaling ipapatay na 'ko no'ng mga fangirls ni Grey."
"Mas baliw ka. Mas maganda pa 'yong suggestion ko kanina na back up-an ka kapag susugurin ka na nila eh. Samantalang 'yong sa 'yo, masyado ng advance."
"Eh alam ko namang do'n din ako hahantong. Mabuti ng prepared na 'ko in advance."
"Naku, don't worry. Hindi namang hahayaan ni Bebe Grey mo na mangyari sa 'yo 'yon eh."
"Itigil mo na nga 'yong kaka-Bebe Grey mo. Nakaka-cringe!"
"Sus. Cringe ka d'yan. Kinikilig ka lang eh."
"Ew."
Matapos ang ilang minuto naming paghihinta, natapos na din sa wakas ang tryout nila at ipo-post na lang daw nila sa Bulletin ang listahan ng mga nakapasok.
Kinausap naman ako ni Grey na may lakad sana kami pero may biglaan silang practice kaya mauuna na raw ako. Hindi ko nga alam kung para saan 'yong lakad namin at kung ano ang dahilan.
"Ano, alis na tayo?" Pag-aaya ko sa kanila since tapos na naman na ang tryout nila Cupid.
"Naku, I'm sorry Spirit and Erozeal ah? May group project pa kasi kami sa Chem na kailangang tapusin eh."
"Okay. Ingat ka Sav."
"Bye guys!" Pagpapaalam niya saka umalis na.
Kami na lang ang natira ni Cupid at tahimik lang kaming naglalakad.
"Spirit.."
"Sus pa-echos ka pa. Alam ko namang mambubulabog ka lang sa bahay ko eh. Sige na, ayos lang na sa bahay ka muna tsaka hinahanap ka rin naman ni Mommy eh. Natatawa daw siya sa 'yo."
"Talaga!? Mabuti naman. Minsan talaga, ang laki rin ng maitutulong ng charms mo sa buhay mo eh."
YOU ARE READING
Strings and Arrows
FantasyNever in my entire life have I ever thought that I would become a cupid. Ang hirap naman kasing paniwalaan 'di ba? This is a story about a lady who accidentally became a cupid after cursing the latter to the last of her breath. In this roller coaste...
Chapter 12
Start from the beginning
