"Eh isa lang naman ang Christian na Varsity sa University natin. Echos ka, alam mo bang isang kasalanan na hindi mo kilala ang isang Christian Montenegro!?"

"Sorr--" hindi natuloy ang sanang sasabihin ko nang may bigla akong na-realize.

Oh fck. That Montenegro guy!? 'Yong pinana ko kanina lang?

"Uy best! An'yare sa 'yo?"

"H-Ha? A-Ah wala. Kilala ko naman pala. Pero hindi gaano."

"Sabi ko naman sa 'yo eh. Imposible na talaga kung may taong hindi siya kilala."

Kakakilala ko nga lang sa kaniya eh. Kung hindi ko siya pinana kanina eh 'di may tao ng hindi siya kilala. Sus.

'Psh. 'Wag ka na ngang magtaray d'yan.'

Sinamaan ko naman agad ng tingin si Cupid at ang loko naman ngumiti lang.

"Hmm. I smell something fishy here. May nagaganap bang hindi ko alam?"

Marami.

"Ano? At sa'n na naman galing 'yang mga pinagsasasabi mo?"

"Sa mga nakikita ko. Parang iba na ang closeness niyo ah. Hindi na pang Friends level. Kaya pala 'di naman ako nagseselos kasi feel ko, isa sa inyo may gusto sa isa. Uuy."

Yak! 'Di naman talaga pang-friends ang level ng closeness namin kasi hindi naman kami close! Enemies kaya kami.

"Naku, I'm sure hindi ako 'yon." Depensa naman agad ni Cupid.

Nakita ko namang napasinghap si Sav sa sinabi niya. Ano na naman ba 'to?! Alam niyo minsan, ang sarap nilang dalawang i-untog sa sahig. Nakakabaliw kasama 'tong dalawang 'to! Argh!

"Ikaw besty!? Ikaw ang may gusto kay Erozeal!? Akala ko ba may Grey ka na?!"

"What!? Teka nga, Sav. Alam mo napaghahalataan na kitang nababaliw ah. Nagda-drugs ka ba? Kung anu-ano na lang sinasabi mo eh. Hindi na kita ma-gets. Samahan na kaya kitang magpa-rehab?"

"Baliw. Of course I'm perfectly fine. Eto naman parang hindi na nasanay. So ano nga? Sino ba talaga ang bet mo? This Erozeal guy or That Grey Villaferde?"

Oh my god Sav! I can't believe kaya niyang sabihin ang mga 'yan in front of Cupid pa talaga! Ano 'to? Ayos lang sa kaniya?

"Sav, naririnig mo ba 'yang mga pinagsasasabi mo? How can you say that in front of him?"

"So si Erozeal ang pinipili mo?"

"What?! You know what, Sav? This is all nonsense."

Grabe. Kakaiba talaga 'tong si Sav minsan eh.

'Tsk. Magkaibigan talaga kayo. Iba ang lakas ng mga confidence niyo eh. Minsan naiisip ko kung nahihiya pa ba kayo? Hmm.'

What the fck!? Of course.. not! Hiya-hiya pa d'yan. Kung para sa buhay mo, hindi ka na dapat mahiya pa.

As what my saying goes, Desperate times require thicker faces. Ayan, pakapalan na lang daw ng fes! 'Yan ang labanan sa mundong 'to no! Survival tip ko 'yan kaya dapat sundin niyo. Guaranteed, 100% effective! Proven and tested.

"Ba't ka ba kasi defensive? At bakit ka nahihiya sa kaniya?"

"Nahihiya? Excuse me, hindi ako nahihiya sa kaniya no. Worried lang ako na baka mag-assume siya. Hay. Marami pa namang namamatay dahil sa maling akala."

"So si Grey ang pinipili mo?"

"What again!? Pa'nong si Grey naman ang pinili ko?"

"Eh kasi you said you're not choosing Erozeal kaya automatically, do'n ka kay Grey."

"Wala akong pinipili sa kanilang dalawa no! Pwede ba? Kaibigan ko lang sila. Tsaka mahiya ka nga Sav. May mga love life na 'yong dalawa."

"Ay gano'n ba? Okay hehe. Pasensya na, hindi ko naman alam."

"Dami mo kasing sinasabi agad eh. Ang hilig mong mag-jump into conclusions."

"Kanina ko pa napapansin ah, ba't ang tahimik mo Erozeal? Mahiyain ka ba?" Tanong naman si Sav.

Psh. 'Yan? Mahiyain? Aba, eh ang kapal kaya ng mukha n'yan.

I heard him chuckled. Bahala ka kung narinig mo 'yong sinabi ko.

"Nah. Ayoko namang disturbuhin ang usapan niyong magkaibigan. I'm cool though."

"Gano'n ba? Okay, pag-usapan naman natin ang buhay mo para hindi ka ma-OP, right besty? Let's talk about him. Mag-share ka naman ng tungkol sa buhay mo para kahit papaano makilala ka namin."

"Well, wala namang masyadong interesting sa buhay ko. I am an only child. My mom's sweet while my dad's very strict. I'm not from here, really. Bago pa lang ako dito."

He doesn't have any sibling? Akala ko ba ay may apat siyang kapatid according to the greek mythology.

'Don't get caught up in your mythologies. Iba-iba ang kuwento nila, iba-iba rin ang pangalan na binibigay nila sa mga 'kapatid' ko kuno.'

"Ano 'yong mga gusto at ayaw mo? Hobbies? Anything."

"I like reading, I like singing and I like playing some instruments. Hindi sa pagmamayabang pero magaling rin ako sa mga sports at kahit anong subject. Namana ko lang siguro sa parents ko."

Naman! Eh sa anak ka ng mga diyos! Psh.

"Wow! Really? Sali ka sa Varsity team ng school. Ano bang gusto mong sports?"

"Anything. Ayos naman sa 'kin kahit ano. Kung anong opportunity ang ibigay sa 'kin."

"Naks. Tama, may pa-tryout ang Varsity ng school natin bukas. Sali ka ah? Sige na."

Grabe naman makapilit 'tong si Sav.

"Asus. Nagdadahilan ka lang para makapunta ka ng court at makita na naman ang crush mong si Christian eh."

"Besty naman eh. 'Wag mo na akong i-buking. Pero seryoso, gusto ko lang din naman makita kung gaano kagaling itong si Erozeal maglaro. Kaya sali ka ah? Tsaka kasali din do'n si Grey eh."

So what? Baliw din talaga 'tong si Sav eh.

"Yeah. I'll think about it."

Strings and ArrowsWhere stories live. Discover now