Tahimik siyang nag-order ng makakain nila habang pangiti-ngiting nakatingin sa kanya ang nobyo. "Ito lang po ba lahat, ma'am?" Anang waitress sa kanila.

"Oo, salamat." Agad naman umalis ito matapus niyang makuha ang order nila Vixen. "What?" Taas kilay niyang tanong sa nobyo.

"Nothing." Natatawang sagot ni Jeb. "Ewan ko sayo," sabay tayo niya. "Mag-CCR lang ako." Paalam niya sa binata. Agad siyang nagtanong kung saan ang toilet nila at ng maituro nila ito sa kanya ay agad siyang pumasok doon.

Pagbalik ni Vixen sa mesa nila ay meron agad nakitang kausap si Jeb. "Sinabi mo pa iho. Ang hirap ngayon ng buhay nang mga magsasakang gaya namin. Ang mahal ng mga fertilizer. Kung hindi naman kami bumili e sayang lang ng pagud namin sa pagsasaka. Dahil maliit lang ang aanihin namin." Anang kausap ni Jeb. Tahimik namang naupo si Vixen sa upoan niya.

"Wala po bang tumutulong sa inyo dito habang hindi pa po kayo umaani ng mga tanim niyo sa bukid?" Seryuso namang tanong dito ni Jeb.

"Si Governor Cataluna lang naman ang nalalapitan namin dito iho. Pero, nakakahiya rin naman kung buwan-buwan kami manghihingi ng tulong sa kanya." Sagot ng lalaking kausap ni Jeb.

"Wag po kayong mag-alala at titingnan ko po ang magagawa ko para matulungan kayo. Makipag-usap muna po ako kay Governor Cataluna." Saad dito ni Jeb na kinatuwa naman ng lalaking kausap ng binata.

"Maraming salamat iho. Sana nga meron ng makatulong sa amin dito. Kaya ngayon pa lang ay ipagdarasal kung sana magkaroon na ng sulusyon ang mga problema naming magsasaka dito sa bayan namin." Sabat naman ng ginang na tila asawa ng kausap ni Jeb na lalaki.

"Nakakulong na pala si Mayor Roxas." Biglang anang isang lalaki nasa loob din ng kainan ni Aling Nora. "Mabuti nga sa kanya, siya ang dahilan kaya maraming kabataan ang nasira ang buhay dito. Dahil sa binibinta nilang mga druga." Sagot naman ng isang ginang.

"Kung sino man ang nakapagpakulong sa kanya ay pagpalain sana ng Poong Maykapal. Dahil sa kanya ay natuldukan ang kalbaryo nating lahat dito." Sagot rin ng isa pang ali na nandoon. At kung ano-ano pa ang narinig nila Jen at Vixen tungkol kay Mayor Roxas. Tahimik lang naman silang nakinig sa mga ito.

"Aling Nora, tutuloy na po kami." Paalam ni Vixen sa ginang matapus bayaran ni Jeb ang kinain nila. "Sige, iha. Mag-iingat kayo." Nakangiti nitong aniya bago tuluyang lumabas sina Vixen sa kainan ni Aling Nora.

"Ang sama pala talaga ni Roxas, ano?" Patanong nitong aniya sa nubyo. "Yeah! Sarili lang niya ang iniisip." Sagot ni Jeb na ngayon ay nagmamaneho ng sasakyan.

Ilang minuto lang naman ang lumipas ng marating nila ang pag-aari ng mga Cataluna. Bahagyang pinigilan ng mga security guards na nasa labasan ng baluwarti ng mga Cataluna ang sasakyan nila Jeb. Kaya agad niyang binuksan ang bintana ng sasakyan.

"Kayo pala, sir. Sige po, tumuloy na kayo sa loob." Anang isang security guard na lumapit sa kanila sabay saludo nito kay Jeb. Napataas naman ang kilay ni Vixen. Mukhang kilala ng mga ito ang binata samantalang siya na anak ni Governor Cataluna ay hindi nakikilala.

"Kilala ka nila, ako hindi." Hinampo nitong aniya. "Dahil bago lang sila. Ako ang nagpadala sa kanila dito nung time na critical dito sa inyo. Kinailangan kasi ng parents mo ng mahigpit na bantay." Paliwanag naman niya.

Hindi rin naman nagtagal ng marating nila ang mansyon ng mga Cataluna. Agad niyang itinigil ang sasakyan sa harap mismo ng mansyon.

"Auntie. Meron po kayong bisita." Rinig ni Vixen na anang isang babae sa kanyang ina. Magkahawak kamay naman silang pumasok sa loob ng mansyon ni Jeb. "Sino, iha? Vixen. Anak. Jeb, iho." Anang ginang ng makita sila.

The Mind Reader Hunk(Completed)Where stories live. Discover now