29. 4am Drunk Call

Magsimula sa umpisa
                                    

Kaye: Good! Fetch me here sa condo.

V: I am not your driver. The last time I checked.

Kaye: Ang sungit naman. Sige na Vice.. I need your company. Nalulungkot ako e. Your promise, remember?

Haaayyy! Maybe I need this too. I need a break from too much thinking... of K and her plans.

V: Sige na sige na!! I'll be there in 30 minutes if traffic won't kill me.

Kaye: Eeeeeeiiiiiikkk! See you!!!

Binaba ko na ang cellphone ko at nagfocus na lang sa pagmamaneho.

.

.

.

.

Maingay. Malakas ang tugtog. Puno ng tawanan ang lugar. Madilim at tanging maliliit at makukulay na mga spotlight lamang ang pinagmumulan ng liwanag. Maraming tao. Nagsisiksikan. Makailang beses na rin ako ma'y nakabungguan bago ko pa nakita sila Archie. Tama. Nasa isang bar kami. Dito ginustong pumunta ni Kaye. Yes I'm with her. Sinundo ko sya sa condo niya at dito siya nag aya. Agad ko naman tinawagan ang buong Team Vice kasi kung si Kaye lang ang kasama ko baka di rin ako mag enjoy. Don't get me wrong ha. Hindi sa ayoko kasama si Kaye, ayoko lang talaga mag-alaga ng lasing na kaibigan. 
  

Habang palapit kami ay unti unti kong naaninagan na magkakasamang nakaupo sila Buern, Archie, Russ, Aaron, at (the ever havey, my happy pill haha) Bernard. Nang madako ang tingin ko kay Archie ay masama ang tingin nya sa akin, parang hindi pala sa akin kundi sa babaeng parang tukong nakakapit sa mga braso ko. Simula nung sinundo ko 'tong si Kaye sa condo nya at pababa pa lang kami ay hindi na sya bumitaw. Di naman ako naligo sa rugby o epoxy, pero para siyang linta makadikit. Makailang beses kong pasimpleng inaalis yung braso ko pero wala pang limang segundo ay nakakapit na naman kaya hinayaan ko nalang.

V: Umm Kaye this is Buern, Archie, Aaron, Russ and Bernard. Mga kaibigan ko.

Pakilala ko kay Kaye habang isa isa ko silang tinuro. Si Buern, Aaron, Russ ay sabay sabay naman ngumiti kay Kaye. Si Bernard ay parang walang narinig dahil abala sa pagpapak ng nachos at mani. At si Archie, naniningkit ang mata na kinikilatis si Kaye. Anong nangyayari sa baklang to?

Buern, Aaron, Russ: Hello!! Tara party na!!

Bernand: .........

Archie: Kaye talaga?

I thought he was talking to Kaye but his eyes are on me so I guess that question is for me.

Kaye: Yes I'm Kaye..

Kaye smiled at him and offered a hand. Archie just smiled and excuse himself. What's really happening?

Umupo na kami ni Kaye pero tumayo din agad ako para sundan si Archie.

V: Buern, kayo muna bahala kay Kaye. Mag CR lang ako.

Bu: Oke meme!!

Nang nasa CR na ko ay nakasalubong ko naman si Archie na palabas na.

V: Anong problema?

Arch: Wala..

V: Wala? E anong drama yung kanina?

Arch: Ha? Alin?

V: Hoy Arsenio! Di ako bulag. Kaye is trying to be nice, give her the chance.

Arch: Kaye? Sino bang tinutukoy mong KAYE?

He said with sarcasm. By that alam ko na ang issue nya.

V: Archie naman e.. Para kang ewan!!

Arch: Wala naman akong sinasabi ha? Nagtatanong lang ako kung sinong KAYE ang tinutukoy mo. Tsaka ikaw ang parang ewan. Kumaibigan ka pa ng ibang Kaye. Ano 'to para madivert mo yang atensyon mo? Ang obvious mo na brad!! Marami ng nakakapansin, ikaw na lang yata ang hindi. Or worst dinedeny mo lang. Tsktsk.. Masokista ka talaga.

The Switch (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon