Ng marating niya ang bahay agad niyang ipinark ang sasakyan niya at agad lumabas dito. Ng pumasok siya sa kabahayan ay wala siyang naabutan sa malaking sala.

"Nasaan ang ma'am Vixen niyo?" Tanong niya sa kasambahay nilang galing sa likod ng bahay. "Nasa kusina po kasama ng mommy niyo, sir." Magalang na sagot nito.

"Okay. Thanks."

At agad na tumuloy si Jeb sa kusina. Agad siyang napangiti ng makita ang mommy niya at nobya na abala sa pagluluto sa kusina.

"Oh! Nandyan ka pala anak. Kanina pa ba?" Tanong ng ina niya ng malingunan siya nito habang nakasandal siya sa pinto ng kusina. "Kararating ko lang, Mom." Sagot niya. Tipid naman siyang nginitian ng nobya ng tumingin ito sa kanya.

"Anong niluluto niyo?" Tanong niya sabay lapit sa nobya at hinalikan ito sa pisngi. "Wag kana magtanong at malalaman mo rin. Puntahan muna lang ang daddy mo dun sa bahay nila Axel. Sabihin mo sa kanilang handa na ang lunch. Dito manananghalian ang mga pinsan mo." Anang ginang kay Jeb.

"Okay! Mom." Agad naman itong tumalima.

"Hi kuya. Nasaan si tita?" Tanong agad ng kapapasok lang na si AD sa bahay nila. "Nasa kusina, Princess." Sagot naman nito. Kaya nakangiti siyang nilampansan nito at tumuloy ito sa kusina. Siya naman ay lumabas ng bahay at pumunta sa kabilang bahay.

HABANG tinutulungan ni Vixen ang ina ni Jeb na maghanda ng mga pagkain sa kusina ay pangiti-ngiti siya. Masaya siyang meron natutunan sa ina ng nobyo sa pagluluto. At excited rin siyang makilala ang ibang kaanak ng nobyo. Inimbitahan kasi ang mga ito ng ginang sa bahay ni Jeb ng pananghalian. At ito mismo ang naghanda ng mga pagkaing ihahaing nila sa mesa.

"Hi! Tita." Agad naman silang napatingin sa nagsalita. "Iha. My baby. How are you?" Anang ginang.

"I'm good tita." Sagot nito sa kanyang nakangiti. "Good to hear that iha. By the way, nakilala muna ba ang girlfriend ng kuya Jeb mo?" Nakangiting anang ginang.

"Hindi pa po, tita. Pero, narinig ko sa kanila ang tungkol sa kanila." Nakangiti namang sagot nito sabay tingin niya kay Vixen.

"Ganun ba iha. Oh! Siya, siya ang girlfriend ng kuya mo. And I'm so much happy at meron narin siyang girlfriend sa wakas." Saad ng ginang na makikita mo nga sa mukha niya ang saya.

"Hi. I'm Aslea Dennisse Vergara. Alex and Axel is my brother." Nakangiting pakilala ni AD kay Vixen. "Vxyl Ross Cataluna. But you can call me Vixen for short." Pakilala rin niya.

"Vixen mean female fox right?" Tanong sa kanya ni AD. Agad naman siyang tumango. "I like your name. And I like you too for my cousin. Kapag niluko ka niya ay sa akin ka magsabi. Ako ang uuntog ng ulo niya para sayo." Ani AD na kinangiti niya.

"Okay."

"Tita. Mukhang buong taga subdivision ang makikikain dito ngayon." Pag-iiba ni AD ng usapan nila. "Huh? Paano yan, baka hindi magkasya ang niluto namin." Anang ina ni Jeb.

"No worry tita, nagdala ako ng food." Boses namang kinalingun nila. "Oh! Dear. Thank you." Tila nakahingang anang ginang sa tinuran ng kararating lang na si Erica.

"Ma'am saan po namin ito ilalagay?" Tanong naman ng kasambahay nila Jasmine at Ellah na pumasok sa kusina. "Ano yan mga iha?" Tanong naman sa kanila ng ginang.

"Niluto po ni ma'am Jasmine at ma'am Ellah. Pinadala nila dito." Sagot naman ng mga ito. "Salamat mga iha. Pakilagay na lang dito." Utos niya sa mga itong agad naman tumalima.

"Hi."

"Oh! Hi sis, tuloy ka." Ani AD sa bago na namang dating na sa tingin ni Vixen ay korean. Dahil sa mukha nito. "Um. Mizzy si Vixen. Vixen si Mizzy." Pakilala ni AD sa dalawa.

The Mind Reader Hunk(Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat