Anak ng tokwa. Bakla ba 'to?!
"Hindi ako bakla wuy. Kilabutan ka nga sa mga pinagsasasabi mo. Kung ano-ano iniisip mo eh."
Inirapan ko na lang siya at lumabas na ng tuluyan sa kwarto.
"Hija, Spirit. Hindi ka na ba kakain? Hindi na po. Ay oo nga pala, Manang. 'Yong lalaki ko pong kaibigan na nagawi na po dito no'ng isang araw, nasa taas po tumatambay. Yayain niyo na lang pong kumain. Salamat po."
Baka kasi sumbatan pa 'ko na walang hiyang mortal at hindi man lang nagawang pakainin ang diyos na gaya niya.
Nakita ko naman na medyo nagtaka si Manang sa sinabi ko.
"Naku manang, wala po kaming ginagawang masama tsaka wala naman po kayong dapat ipag-alala kasi hindi naman po 'yon masamang tao. In fact, nakilala na nga po siya nina Mommy at Kuya."
"Aah. Mabuti naman. Kinabahan ako saglit do'n. O sya, hindi ka na ba kakain?"
"Hindi na po. Mali-late na po ako eh. Maraming salamat po. Mauuna na po ako.
I went inside my car and turned on the engine. Shet late na 'ko. Can't this day get any better!?
Pinark ko agad ang kotse ko sa parking area nang makarating na 'ko sa school.
Nagmadali akong maglakad dahil nga late na 'ko nang biglang lumitaw ang mga arrows ni Cupid. Pero ang ipinagtataka ko, may kulay pink. Usually, it's color red. Ang cute nga eh kasi these arrows are made of red strings pero bakit kulay pink na ngayon? Ano? Naubusan sila ng stock ng red strings?
The time stopped na ikinasaya ko naman.
"Hay. Minsan, gusto kitang tawaging bobo eh."
Nagulat naman ako sa biglaang paglitaw ni Cupid sa tabi ko.
I threw him my famous death glare.
"Excuse me? Nasabihan mo na kaya ako ng bobo. Nahiya ka pa. Bwiset 'to."
"Anyways, those pink arrows have their own purpose. Kung sino man ang taong matatamaan mo ay magkakaroon ng feelings sa isang tao pero as a friend only. That's it."
"Aray. Kawawa naman 'yong mai-inlove sa taong matatamaan ng arrow na 'to."
"Why? Hindi naman siya kawawa kasi kahit ma-friendzone lang siya, may happy ending pa rin siya. 'Yon nga lang sa ibang tao. Hindi lang niya talaga ito soulmate. Hintay-hintay din pag may time."
"Psh. Oo na. Tabi ka nga. May trabaho pa 'ko."
I found the guy with a pink glow around him. So pati rin pala 'yong kulay ng glow, nagbabago. Maybe to indicate which person is which.
Nauna kong pinana 'yong guy using a pink arrow.
Teka nga, varsity 'tong lalaking 'to. Suot niya kasi ang Varsity Jacket ng school na may nakalagay na number at apelyedo sa likod.
'Montenegro 15'
Nang matapos na 'kong panain siya, kinuha ko naman agad ang red arrow at pinana ito sa babaeng may red glow around her. 'Di bale na, maganda naman siya eh. I'm sure may makikilala at may makikilala rin siyang lalaki na para sa kaniya.
But at some point, 'di ko pa rin mapigilan ang sarili kong makaramdam ng lungkot for her. Kasi kahit na sabihin pa nating may happy ending din siya, masasaktan at masasaktan pa rin siya.
After kong gawin ang trabaho ko, nagmadali agad akong tumakbo papuntang classroom but before I finally left I took a one last glance at narinig kong tinawag siya ng kasama niya.
"Clara! Halika na! Mali-late na tayo!"
Aww. Magiging ayos din ang lahat for you, my dear Clara.
I looked at my watch again. Fck late na 'ko. Argh. Tangina ba't ngayon pa kasi kailangan mamgbulabog ni Cupid eh!
Nakita ko namang nagstart na pala ang discussion. Patay.
"Miss Naranjo! You're late!"
"I'm sorry sir--"
"Good Morning Mister Dizon. Pasensya na po kung na-late po si Miss Naranjo, it's actually my fault. I asked her to tour me around the campus pa po kasi eh. Sabi po kasi ng dean, siya 'yong naka-assign na ilibot ako sa buong University."
All throughout his explanation, nakatingin lang ako sa kaniya. Anong pinagsasasabi nito?
"Oh. I see. I'm sorry Miss Naranjo and Thank you also for sparing your time sa pagsama kay Mister Ardent. You may come in. Kakasimula ko pa lang naman ng discussion ko. Mister Ardent, please introduce yourself."
Nagtataka man, ay dumiretso na lang din ako sa inuupuan ko samantalang nagpunta naman sa harap si Cupid para magpakilala.
"Hello Everyone, I am Erozeal Ardent and I am your new classmate." he said while smiling widely.
ANO!? Bwesit ka! Pati dito ba naman!?
'Hush there little tigress. Gusto ko lang naman subaybayan ang quest mo. Masama na ba 'yon?'
Oo! Masama! Sobrang sama!
"Okay Mr. Ardent, please take a seat beside Mr. Villaferde."
YOU ARE READING
Strings and Arrows
FantasyNever in my entire life have I ever thought that I would become a cupid. Ang hirap naman kasing paniwalaan 'di ba? This is a story about a lady who accidentally became a cupid after cursing the latter to the last of her breath. In this roller coaste...
Chapter 10
Start from the beginning
