Tumakbo ako papunta sa kotse, buti naman at bukas ito at sumakay doon at pinaandar ito buti nalang naisipan ni Alice na iwan ang susi dito, at inalis ko na ito sa lugar kung saan nakaharang sa kotse ni Zyryl, narinig ko naman na bumosina ulit ito na nag papahiwatig na aalis na siya.

Nakahinga naman ako ng maluwag at sinandal ang ulo sa likod ng upuan.

"Kahit anong talino mo minsan talaga ikaw ang nag dadala ng problema saakin."

Binalik ko sa bahay kung saan naka tago lahat ng sasakyan namin. At nag lakad pauwi.

Ng Makauwi ako ay nag luto muna ako ng pang dinner namin, siguro susunod nalang ako sa hospital ngayon.

Nang matapos ko yung ginagawa ko tinawagan ko ang tatay ko.

Naka dalawang ring palang ako ay sinagot na niya.

"Ce que les problèmes de nous avoir des enfants?"

"Really dad? yan eh bubungad mo saakin? mag tatanong ka talaga kung ano problema di ba pwedeng kamustahin mo muna ako?"

"Je sais que bien que vous venez là-bas."

"Dad stop speaking in french"

"Okay okay, so ano na?"

"Si Alice sinugod ngayon sa hospital"

"Ano na naman ba katangahan ginawa mo at kagagohan na ginawa ni Alice"

"Dad it's not katangahan, siya kaya yung gumagawa ng katangahan, di ko alam pinag gagawa niyan sa buhay, You know Alice dad di marunong mag kwento sa nangyayari sakanya."

"Ano ba nangyari sakanya?"

"Je sais pas, basta pag uwi niya dito nanghihina siya at sumusuka na may dugo"

"Kamusta na siya ngayon?"

"Mag seselos na ba ako kay alice? dahil siya kinamusta mo ako hindi?"

"Nah you know, Je vous aime ma fille"

"Yeah right, nga pala pupunta palang ako sa hospital makibalita"

"Di ikaw ang nag dala sakanya sa hospital?!"

"Yung boyfriend niya nag dala sakanya"

"B-boyfriend?!"

"Opps, okay dad bye na aalis na ako Je t'aime"

"Wait!-" bago pa makapag salita ulit yung tatay ko binaba ko na yung tawag, timing din dahil tumatawag si Zyryl

"Ano kamusta na?"

"hinala ng mga doctor na sinuntok daw siya ng paulit ulit sa tiyan pero okay na siya ngayon buti nalang daw at sa soft area siya sinuntok at hindi sa chest, nag papahinga nalang siya ngayon"

"Ah pupunta pa ba ako diyan?"

"Susunduin pa kita? may kotse ka diba?"

"H-huh? sa kuya yun ni Alice"

"Gamitin mo nalang muna ngayon, mag dala ka ng damit ni Alice pwede? dahil masyadong fitted tong suot niya ngayon"

"Okay"

Binaba ko na yung tawag at nag ayus ng gamit ni Alice at yung pagkain.

Alice POV

Nagising ako dahil sa nag uusap sa harap ko pero nakapikit pa din ako, naalala ko pa ano nangyari kanina, alam kong nasa hospital ako ngayon.

"Kaya daw siya sumuka dahil nag rereact yung abdomen niya sa mga suntok"

"Nakipag away ba to?"

"May sugat siya sa labi niya"

The Thief Red Riding Hood ✔Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin