Tumango naman ako at tinuon ng mabuti ang atensyon ko sa papeles.

Ng matapos ko lahat isang oras din yun mga 20 reports ang dapat ko bang aprobahan o hindi tapos binasa ko pa ang lahat.

Tumayo naman ako at inayos yung mga papeles.

"Samahan na kita"

"Huh? hindi na hintayin niyo nalang ako ni Belle sa parking lot"

"Samahan na kita Alice" Ngumiti naman ako.

30 minutes nag hintay si Zyryl at nasa loob ng lang siya ng opisina di ko alam anong ginagawa niya dahil tinuon ko talaga ang antensyon ko sa trabaho at di niya naman ako dinisturbo.

Ng nasa harap na kami ng opisina ni kuya humarap muna ako sakanya at kinuha yung mga papeles, inagaw niya kasi saakin.

"Hintayin mo ko dito ah?" tumango naman ito at ngumiti.

Kumatok muna ako at pumasok, ang bumungad saakin ay yung busy kong kuya.

"Ito na kuya"

"Akin na kanina ko pa yan hinihintay"

"Tinatrabaho ko pa eh"

"Ano ba ginagawa mo buong hapon at ngayon lang ito? ang liit liit lang ng binigay ko sayo"

"Tsk ayan na nga oh"

"Umuwi ka na nga"

"Okay bye"

Sa pag talikod ko ay nag salita naman si kuya.

"Nga pala pinapasabi ni Dad na umuwi ka daw sa madaling panahon dahil may ibibigay siya sayong trabaho"

"Sinabi na yan ni Belle saakin"

"Yeah umalis ka na"

Lumabas na ako ng kwartong yun at nakita ko naman si Zyryl na naka sandal sa pader na nakatayo, ng makita niya ako ay agad niya akong nilapitan at inayang umuwi na.

Siguro para may rason pa akong mag tagal pa dito sa Pinas ay dapat di ko mamadaliin yung pag nanakaw para pag tinawagan ako ng tatay ko ay ang isasagot ko ay gusto ko taposin muna yung nasa listahan bago umuwi saamin.

Nilingon ko naman si Zyryl na ngayon ay busy sa pag mamaneho, lumingon naman ito saakin at ngumiti bago ulit binalik ang atensyon sa pag mamaneho.

Totoong ayaw ko munang iwan si Zyryl dito, kung noon anytime pwede akong umuwi saamin pero ngayon parang ayaw ko na tulad ng dati kong buhay.

Noong ako nalang ang natitira dito sa Pinas talagang ayokong umuwi saamin pero nung nangyari sa pagitan namin ni Wolf bumalik lang ako ng Pilipinas para patayin siya wala ng ibang dahil pero ngayon parang may dahilan akong mag tagal dito.

Should I beg to my father? I don't know, I still have a responsibilities in our family. We all have responsibilities.

"Alice"

"H-huh?"

"Ano ba problema mo? kanina pa kita tinatapik, si Belle pumasok na"

Nilibot ko yung paningin ko nasa harap na pala kami ng bahay.

"Wala naman"

"Alice kahit tahimik kang tao alam kong may problema ka dahil sa inaakto mo talagang masasabi kong may problema ka nga now tell me ano ba yun?"

Umiling naman ako sakanya and I give him a smack kiss at bumababa na ng kotse niya, bago ko sinara yung pinto ng sasakyan niya ngumiti naman ako ng napakatamis sa makakaya ko.

"Mag ingat ka" Sinarado ko naman ito at agad pumasok sa bahay, di ko nakita sa sala si Belle ibig lamang sabihin non na nasa kwarto niya siya.

Papasok na sana ako sa kwarto ko ng biglang bumukas ang katabing kwarto ng kwarto ko.

The Thief Red Riding Hood ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon