"Mag ingat ka" Tumango naman ito bilang sagot kaya pumasok na ako sa opisina ko.

"Nag ka problema ka ba Alice?" Napatalon naman ako sa gulat ng biglang may nag salita.

Kahit di ko lingonin kung sino yun ay alam ko na sinu yun.

"Eavesdropping is bad Belle"

"Yeah I know pero eavesdropping is my hobby when it comes to you by the way."

Napailing nalang ako at umupo sa swivel chair ko at humarap sa mesa para muli't mag trabaho.

"Sabihin mo nga may problema ka ba?"

"Wala"

"Alice alam kong di ka nag sasalita kung ano yang mga iniisip mo pero alam kong may problema ka at alam kong sinabi mo na kay Zyryl hello! cousin slash bestfriend here!"

"Wala nga, bakit ka ba andito? sa pagkakaalam ko nasa ibabang palapag ang mga opisina ng mga secretary at di sila pwedeng umakyat hanggat di sinasabi ng tinatrabahoan nila now tell me ano bang ginagawa mo dito? may ibibigay ka ba?"

"Excuse me Alice ganon na ba talaga paningin mo sa akin? isang hamak na secretary lang? excuse me! isa din kaya ako sa nag mamay ari nitong kompanya pumayag lang naman akong maging secretary mo para mabantayan kita."

"Nag babysitter ka nalang sana"

"Ah gusto mo? mag babysitter ako sayo?"

"umalis ka na nga kung wala ka namang kailangan"

"Pinapasabi ni Tito anytime pwede ka ng umuwi sa France or Korea kahit di mo pa nakokompleto ang nasa listahan"

"Alam mo na sagot ko Belle"

"Yeah pero sinabi din ni Tito mapipilitan daw silang pauwiin ka pag na kompleto mo yung nasa listahan ang di ka pa uuwi"

"Okay umalis ka na"

"Sus mag break nga kayo ni Zyryl wala akong nakakasabay sa lunch at break time eh"

"Ewan ko sayo"

Binalik ko ang buong atensyon ko sa papeles na nasa harap ko at narinig ko yung pag sirado ng pinto.

Nabitawan ko naman yung report at napasandal sa upuan ko.

Ayaw ko pang umuwi, ayoko pang iwan si Zyryl.

Lumapit naman ako sa glass wall at kitang kita dito ang kalsada. Nakipag titigan lang ako don ng di ko alam kung ilang minuto na ba.

Medyo hindi okay yung pag iisip ko ngayon.

Bigla naman akong nakarinig ng pag katok at pag bukas ng pinto.

"Alice?"

Kumunot naman noo ko at humarap kay Belle

"Ano na naman?  diba bago ka lang umalis dito sa opisina ko"

"Huh? hoy kanina pa yun oyyy! mag 5 na Alice!"

"A-ah."

"ano ba ginagawa mo at di mo napansin ang oras?"

"Wala" lumapit agad ako sa mesa. Mabuti nalang talaga at itong mga reports na inaasikaso ko hindi pa kailangan ni kuya.

"kukunin na ni Alexander yung mga papeles na binigay sayo kanina"

"Ha?! di pa ako natapos!"

"Ayan kasi kung ano ano iniisip."

"Ako na kakausap kay kuya"

"Ako na sige get yourself on Alice uuwi na tayo paparating na si Zyryl baka mag aalala yun sayo umayos ka na"

The Thief Red Riding Hood ✔Where stories live. Discover now