"Edi matulog ka"

"Ah bakit nga ba ako nag papaalam sayo? tsk"

Humiga naman ako ng maayos at pinikit yung mga mata ko.

Zyryl's POV

"Bumalik ka na sa trabaho"

"Oo"

"Bakit gising na ba si Alice?"

"Inaaligid mo talaga si Alice no?"

"Para matapos natong kasong hawak ko"

"Tara sasama ako sayo"

"Wag na dito ka nalang"

"Hindi gusto kong sumama wala namang kasong dagdag eh at wala ding pinagbago ganon padin di ko padin mahuli si Red"

"Bahala ka na nga"

Ng makarating kami sa kwarto na tinutuloyan ni Alice ay ngumiti naman ako sakanya.

"Good Morning Ms. Kyril" bati ni Joe at umupo ito sa tabi ng kama

"Ginagawa mo dito?"

"Makikipag panayam sana sainyo Binibi"

"Talaga? dito? dito mismo sa hospital? alam mo ba kahapon lang ako gising? ah hindi mo alam"

"Alam mo Ms. Kyril mag pa interview ka nalang para di na kita kukulitin sa susunod na araw"

"Siguro naman na imbistigahan niyo na ang mga nangyari sa sugat ko? sasabihin ko saiyo to una, yung babae sumulpot sa harap ko at inaatake ako sa espada kaya ng makahanap ako ng chance ginawa ko, pangalawa sa dalawang lalaki sa ikatatlong palapag ginamitan nila ako ng tenis ball machine at sila may gawa ng hiwa ko dito" turo niya sa braso niya

"At panghuli binaril ako ng dalawang beses nung lalaking yun kaya may maliit na butas ngayon ang tiyan ko at braso ko na malapit sa puso iisa lang ibig sabihin non Investigator Joe... Self Defense ang ginawa ko o kung ano pa ang tawag diyan basta sinasabi ko sayo di ako ang umuna ng tira"

"Pano ba yan Ms. Kyril mahirap paniwalaan ang sinasabi mo dahil walang witness na nakakita?"

"Oh talaga?"

"Talagang talaga"

"bakit Investigator Joe susugod ba ako don ng alam kong ako lang ang makakaligtas at sa huli baka ako pa ang mapagbintangan mag isip ka"

"May katibayan ka bang mailalahad sa amin Ms. Kyril na nag sasabing self defense lang ang ginawa mo? masyado ka pa namang brutal sa ginawa mo sa huling bangkay"

Di naman sumagot si Alice pero kinuha niya yung laptop na nasa table na nasa tabi ng hospital bed niya.

Napakunot naman yung noo ko, yan ba ang pinagkaabalahan niya kagabi?. Bago kasi umalis si Belle kagabi nag request si Alice na bumalik dito na at dalhin yung laptop niya bago siya tuloyang umuwi.

Di naman ako nag abalang tignan yung ginagawa niya kagabi. Ng maiharap niya sa amin ang laptop kitang kita yung nangyayari tama nga lahat ng sinabi ni Alice.

"Pano mo ito nakuha Ms. Kyril? magic?"

"Di naman kasi ako bobo Imbistigador Joe, actually habang papunta ako don recorded ang lahat na dapat ay live itong pinapanuod nung panahon napunta ako don pero dahil alam kong walang manunuod dahil naka sleep ang laptop na ito ng mga panahong iyon sinave nalang yung video."

"Camera ba gamit mo diyan Ms. Kyril?" napakunot naman ang noo ko sa tanong ni Joe medyo nawewerdohan na ako sa mga tanong niya.

"Bakit? kasali ba yan sa dapat na tanong mo bilang imbistigador?"

The Thief Red Riding Hood ✔Where stories live. Discover now