"Atleast sa pag kwekwento lang ako walang kwenta di tulad mo walang kwenta kahit saang bagay"

"below the belt na yun ah!"

"Tsk" Tumayo ako at lumapit sa glass wall na bintana na din at tumingin sa kapaligiran at nakikita ko yung araw na palubog na kaya tinitigan ko ito.

"Pag ako talaga nawalan ng gana talagang di ko sasabihin ang nasagap kong balita"

"Sabihin mo na Belle baka iiyak kang mag susumbong sa tatay mo pag di mo nagawa"

"Tatay kong ikaw lang iniintindi tsk!"

"kaya nga sabihin mo na kung hindi"

"Hilig mo talagang mag banta no?"

"Atleast ako nag babanta gagawin ko ikaw?"

"di kasi ako kasing sama mo"

"Nag salita ang mag nanakaw tsk"

"Atleast mag nanakaw lang hindi mamamatay tao"

"Sabihin mo ba o hindi?"

"May nasagap akong balita kung saan daw si Wolf"

Napaharap naman ako sakanya ng marinig ko yung sinabi niya.

"Saan?"

"Pero di pa ako sure kung totoo tong nasagap ko hindi"

"Saan nga"

"ayoko ngang sabihin baka puntahan mo pa"

"Bakit Belle? anong kwenta ng nalaman mo kung hindi ko pupuntahan?"

"hindi pa nga ako sure! baka trap lang yun! baka mapahamak ka pa mapapagalitan na naman ako!"

"Kaya ko sarili ko"

"Yeah right"

"sabihin mo na kasi!"

3rd Person's POV

"talaga bang pupuntahan mo yun?"

"malalaman lang natin kung totoo ba o hindi yung nalalaman mo"

"Sabi ko naman sayo eh! malalaman ko naman yun ng hindi ka pumupunta doon alam mo naman kung gaano siya kadumi mag laro"

"I know that's why I'm prepering here di mo ba nakikita?"

"eh naman kasi eh! wag ka nalang pumunta baka kasi pag balik mo talagang totoo ka ng patay"

"Bahala ka"

Nilagay ni Alice ang huling dadalhin niyang gamit sa pag sabak niya ngayon.

"Sasamahan kita Alice!"

"Wag na disturbo ka lang dito ka nalang mabuti na yung isa sa atin buhay para masabihan yung mga magulang natin"

"Gago ka umuwi ka ng buhay kundi ako yung malalagot sa mga magulang natin!"

"Depende yun sa gagawin ni Wolf"

"Mag papakamatay nalang ako pag nakabalita akong patay ka na, I don't love suffering Alice! you know my father Alice he loves suffering but not for himself but to others"

"yeah sige bago ako aalis gusto kita makitang mag pakamatay go" sabay bigay niya ng kutsilyo na hawak ngayon ni Alice

"Ugh! seryoso kasi Alice"

"Aalis na ako puta ang ingay mo"

Ng makarating si Alice sa lugar na sinabi ni Belle ay napangiti nalang siya

"Pota Wolf wala ka paring kupas sa kahiligan sa mga abandonadong mga building" bulong niya sa kanyang sarili ng tinitignan niya ang buong building.

"Akalain mo nga naman malapit lang pala ito sa tinitirhan ko nag tatago"

Umakyat siya sa puno na malapit sa building at doon sa dadaanan niya papasok, ayaw niyang sa entrance ito dadaan mas mabuti na yung dumaan sa kung saan mahirap daanan.

Binigay niya ang buong lakas niyang tumalon galing sa puno at nag pagulong gulong siyang nakapasok sa building, pero bago pa siya makatayo ay biglang may sumugod na sakanyang dalawang babae na may hawak na espeda.

Iniwas iniwas iwasan niya lang ito medyo nahihirapan siya dahil sabay itong sumugod sa kanya pero magkaibang paraan sa pag wasiwas sa mga espada.

Tumakbo siya palayo ng makakakita ng butas. Ng makalayo siya ay nakita niyang dumoble ang susugod sakanya naging apat ito kaya agad niyang tinaponan ang mga paa nito ng kutsilyo niya, kaya napatumba ang apat at namimilipit sa sakit, agad naman ni Alice itong nilapitan at kinuha ang dalawang espeda at nilalas niya ang mga leeg nito. Kinuha niya naman agad ang mga kutsilyong naka tarak sa mga paa nito at tinago sabay alis sa lugar na iyon dala dala ang dalawang espeda.

Pero di pa siya nakakaalis sa palapag na ito ay may narinig na siyang dalawang putok ng baril kaya agad naman itong nag tago sa malapit na pader.

Ng makita niya ang kalahati ng baril ay agad siyang nag pakita dito at sinasaksak bago pa siya mabaril nito. At may narinig ulit siyang putok ng baril kaya binitawan niya ang isang espada at hinawakan sa damit ang sinaksak niya at ginawa niyang panangga ang lalaking sinaksak niya.

Pero bago pa siya makaatake don sa isa pang may baril ay nakarinig ulit siya ng putok ng baril at natumba naman ito kaya napalingon siya sa likod niya.

"Zyryl?"

The Thief Red Riding Hood ✔जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें