Alice' POV

Ng makauwi ako ay ang bumungad sakin ay isang Belle na nakababad na naman sa tv.

"Wala ka na bang ibang gawin sa buhay mo? kundi ang mag babad diyan?"

"Asus wag mo kong pangunahan Alice ano nangyari sainyong dalawa? at iniwan niyo pa ako dito ah pano kung may mangyari saakin?"

"Wag kang OA matagal ko ng ginagawa tong iniiwan ka para mag jogging ngayon ka lang nag reklamo"

"Awieeee nag jogging sila"

"Tsk"

"Breaking News! Natagpuang patay ang padre de pamilya ng Caiña sa kanyang sariling bahay ngayong umaga lang! kasalukuyang iniimbistigahan ang nangyaring pagkabrutal na pagpatay sa nasabing pangalan"

Napaagaw ang atensyon naming dalawa ni Belle sa narinig namin galing sa tv kaya yung tinginan namin dalawa ay natigil dahil lumapag ang aming mga tingin sa tv ngayon.

"Hoy Anong ginawa mo Alice?!"

"Huh?! pinagsasabi mo?"

"Ikaw may gawa niyan no? kaya wala ka dito madaling araw"

"Tanongin mo pa si Zyryl total buhay pa naman yun hanggang ngayon wag ka ngang tumuro turo diyan mali ka paratang mo, ipakulong kita diyan" bulong ko sa huling mga salita ko.

Bago pa ulit ako makarinig ng salita galing kay Belle ay nakapasok na ako ng kwarto na parang hangin lang na dumaan sa hagdan eh sa ayoko marinig yung paratang niya eh!

Ng makapag ayus ako ay lumabas na ako ng kwarto at nakita ko si Belle nakatayo na hinihintay ang pag labas ko.

"Aba Miss Alice baka nakalimotan mo? ako yung maarte sa ating dalawa pero mas nauna pa ako sayong natap-" bago pa niya matapos yung bira niya para saakin ay natakpan ko na yung bibig niya, habang nag sasalita siya lalong umiingay.

"Ano ba!" reklamo niya ng matanggal niya ang kamay ko sa bibig niya

"Shh manahimik ka muna please lang" at tinapik yung balikat niya.

"Andiyan na sa labas si Zyryl"

Napatingin nalang ako kay Belle ng bigla itong nag walk out palabas ng bahay, para talaga siyang nanay ko sobrang ingay kaya mas gusto ko talagang mamuhay mag isa.

Sinundan ko siya at nakita ko yung dalawa na nag uusap.

"Oy san kayo galing ah?" rinig kong tanong ni Belle kaya naman nilagpasan ko silang dalawa at binuksan ang pinto ng backseat ng aakmang akong sasakay ay may naramdaman akong humawak sa braso ko kaya napalingon ako.

"Bakit?"

"Dito ka sa harap"

"Mahilig mauupo si Belle sa passenger seat kaya siya nalang diyan"

"Hindi Alice mas gusto ko na ngayon sa backseat kaya don ka na chupi!" pag tataboy sa akin ni Belle hindi pala pag tataboy yun dahil tinulak niya lang naman ako.

Akala ko dalawang metro ang lilipadin ko dahil sa lakas ng pag tulak ni Belle di ako handa don pota! pero naramdaman kong may yumakap sa akin kaya napa angat ako ng tingin.

"Okay ka lang?"

"Aba! nakapasok lang ako sa kotse na lingat lang ako ganyan na posisyon niyo?!" tili ni Belle kaya napaayus naman ako ng tayo at umiwas ng tingin. Peste ka talaga Belle tatadtarin talaga kita mamaya sa opisina.

"Oo okay lang ako tara na." Agad ko namang binuksan yung pinto ng passenger seat at sumakay, sinirado naman ni Zyryl ito. Napadpad yung mata ko sa salamin at nakita ko reflection ni Belle nag tama yung mga mata namin sa salamin, yung tingin niyang nang aasar sinuklian ko naman ng pampamatay na tingin.

"Paki suot yung seatbelt mo Alice" napaayus naman agad ako ng marinig ko si Zyryl at sinuot yung seatbelt. Nag simula ng umandar yung kotse niya.

Ng makalabas kami sa subdivision ay tahimik parin kami.

"Zyryl akala ko ba day off mo? bakit ganyan get up mo ngayon?" binasag no Belle yung katahimikan.

Mas gusto kong tahimik nalang kami kaysa marinig yung boses ni Belle.

"Ah papasok ako ngayon, napanuod niyo naman diba yung balita?"

"Yeah, grabe no? masyadong brutal yung pag kakapatay sa tatay ng mga Caiña?"

"Oo nga, sunod sunod na yung patayan dito sa bansa natin, last week nga pati yung nasa kulongan na pinatay pa" Sabay iling ni Zyryl, pati ba naman yun pag uusapan? di ko na gusto maalala yun! masyadong boring yun sa akin.

"Kayo ba humawak sa kasong yun?" may halong mapag asar na tanong ni Belle kaya naman tinuon ko nalang yung atensyon ko sa labas.

"Oo, Nagiging tambakan ng mga krimenal yung bansa natin sana madakip na sila" at muling natahimik yung paligid namin, I smirk ng marinig ko yung tugon niya, natamaan si Belle dahil naging tahimik ito.

Wala pa akong plano mag padakip wala sa to do list ng buhay ko yun Zyryl pasensya na.

The Thief Red Riding Hood ✔Where stories live. Discover now