".. Would you mind sharing the bed with me tonight?"

"G*go ka Staron. Mangbiktima ka na ng iba, 'wag lang si Spirit. Nga pala girls, I'm here to introduce to you my girlfriend. Spirit, Prsli Spirit. Kaya sana naman you keep your distance na. You wouldn't want to mess with her. Right, babe?" sabi niya at hinila ako para yakapin sabay halik sa noo.

Wow ano 'to? Ladlaran ng landian? Jusko 'di pa naman ako fan ng PDA utang na loob!

"Ooh. Grey Villaferde? Magsi-seryoso? When pigs fly, dude."

Napangiti lang siya. What the hell?

Napatingin naman ako sa gawi ni Cal na kanina pa tahimik. Ni hindi nga siya nakatingin sa 'min. Busy lang siyang makipag-landian sa mga babaeng katabi niya side by side. Isa talaga siyang malaking gago!

"I thought so too. But you'll never know what will happen to you when you're love struck."

"Yuck dude. Ang baduy. Pero dude, baka naman nagulat ka lang. Baka mamaya matulad ka lang kay Cal na hindi rin nakatagal sa isang relasyon."

Ay pucha. Kailangan talagang i-example!?

Napahigpit ang hawak ko kay Grey at napatingin naman siya sa 'kin.

"Tanga at Gago na lang yata siguro ang taong hahayaan pang makawala si Spirit." he said with a smile.

Kahit alam kong he doesn't really mean it, hearing those words felt a little comforting. Kaka-break pa nga lang namin ni Cal tapos mai-issue na naman na may bago na 'ko!? Ano ako? Pokpok!? Sht.

Bigla namang may lumapit na babae kay Grey at pumulupot ito sa kabilang braso niya.

"Oh Come on, Grey. I know that you're just putting this up for a show. Hindi mo kami maloloko. Baka nga kung saan mo lang 'to nadampot at kinuntiyabang maging jowa mo. Ano ate girl? Gustong-gusto mo naman?" She said at tiningnan ako from head to toe.

Anong kung saan-saan lang!? Hindi ba niya alam na kulang na lang magmakaawa sa 'kin si Gr--Okay, I know hindi siya nagmakaawa pero kahit na! Siya pa rin ang lumapit no!

Nang marinig ko ang sinabi ng babae, hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinampal siya.

"Oh bitch. I'm not like you. You know what? I kinda feel sorry for you. Pasensya na at hindi ka kayang piliin ng boyfriend ko ha? Pero you have to accept the fact na ako 'yong girlfriend at hindi ikaw. Kaya pwede ba? Back-off." sabi ko sabay tulak sa kaniya.

Weakshit.

Ang lakas ng loob niyang mang-insulto!

Hinila naman ako ni Grey papunta sa kabilang table na hindi naman masyadong malayo sa mga kaibigan niya.

"I'm sorry. I got carried away." sabi ko. I know I stepped out of my border line pero langhiya! Ininsulto niya 'ko!

"Psh. It's okay. Nga pala, bakit gano'n 'yong reaction mo nang mabanggit ang pangalan ni Cal? Do you know him?"

Well, they doesn't really know me though. Hindi naman ako nagawang ipakilala ni Cal sa mga kaibigan niya at never naman akong nagtanong kung bakit. That's so stupid of me.

"Well.. he's my ex."

"What!? 'Yong gagong 'yon, ex mo!?"

"Yeah. Nakakgulat no? Nagpaloko naman ako sa kaniya thinking that he might change nang dahil sa 'kin. Well, he tried but he just can't. Tangina no?"

Tahimik lang siya while I continued to talk. He was just silently looking at me while listening to my story.

"Masakit lang kasi tangina hindi pa pala ako sapat. Gago, ano pa ba ang dapat kong gawin? Porque't 'di ko agad sinuko ang bataan, susuko na siya?! Eh kung 'di niya 'ko iniwan hanggang sa ikasal kami, ibibigay ko naman sa kaniya with open arms pa! Hindi lang talaga makapaghintay 'yong gag*ng 'yon."

"You know what? Mabuti lang na iniwan ka no'ng lalaking 'yon."

Napatingin naman ako sa sinabi niya. What's he trying to say?

"You don't deserve a jerk like him. You'll meet someone better."

"Charing. First time nagkaroon ng sense ang pag-uusap natin. Hindi 'yong bangayan lang tayo ng bangayan."

"Psh. 'Wag ka ngang tumawa. Alam ko namang hindi ka talaga masaya eh."

"Ayos lang. Hindi naman porque't nasaktan, ay bawal ng tumawa. Natutunan ko lang talagang ngitian lang ang mga problema. Try mo kaya 'yon."

"Asa ka. Hey, we should go back. Kailangan pa nating i-display ang relationship natin."

"Teka nga, para lang malaman mo ha? Hindi ako fan ng PDA."

"Don't worry, I got you babe."

Strings and ArrowsМесто, где живут истории. Откройте их для себя