Nagsipasukan na ang mga kaklase ko at sumunod na rin si Prof.
Wala naman talaga akong naiintindihan sa lahat ng mga pinagsasasabi ni Prof eh. Alien langguage.
'Hindi ka naman nakikinig eh.'
Eh sa nakakabagot siyang magturo eh.
'You listen. You wouldn't know when those lessons will come in handy soon.'
La kompake sa kanila. I've had enough dramas in my life already. 'Di ko na siya papakinggan.
'Hmm. Nga pala, I have decided to pay you a visit very soon.'
Anak ka ng tokwa. Mas nauna mo pa ngang ipakilala ang sarili mo sa parents ko kesa sa akin no'n eh. Kapalmuks.
'Kasalanan ko bang naabutan nila akong naghihintay sa 'yo?'
Wala naman akong kaalam-alam na pupunta ka po. Hayst.
Hindi rin nagtagal at natapos na rin ang History Class namin.
Ano ba 'yan nakakabagot. Second subject pa lang pero parang pakiramdam ko ilang oras na akong nandito.
I looked at the classroom. May mga nagchi-chikahan, may mga naglalambingan, may mga nag-aasaran at may mga natutulog.
I was about to take a nap while waiting for our next Prof nang biglang lumitaw na naman ang magical arrows ni Cupid.
Ooh. New Victim. I mean, hindi naman sa bibiktimahin namin siya in a bad way pero he or she is still a new victim of love pa rin.
It's a girl. Aww. She's sitting in front and she's currently sleeping mukhang may hangover yata 'to kasi may Carrot juice sa tabi niya. Nasa gitna kasi ang upuan ko kaya nakita ko siya agad since nasa bandang harapan ko siya.
Wait, I know this girl. Well, technically kasi hindi naman lahat ng kaklase ko ay kilala ko kaya medyo nadala ako no'ng mapansin kong this girl is Marianne. Kilala naman siya ng lahat actually since she's very known for her bratty attitude. Hmm, I wonder kung sinong makakatuluyan nito. She's been dating a lot of guys na rin pero never siyang nag-settle for a relationship talaga. Puro flings and fun lang.
I took one arrow and positioned the bow then released it towards the target.
Hindi pa nawala ang arrows at naka-freeze pa rin ang time, meaning ay may papanain pa 'ko.
I scanned the entire room at nakita kong sa isang bakla ko gagamitin ang arrow na hawak ko. Oh my, it's Jordan! I mean, it's Jordana as what she wants us to call him--I mean her.
Shet. This is such a cute story. I can't wait!
I positioned my arrow towards Jordana and shot him--err I mean, her.
After I released the arrow, everything went back to normal agad kaya mukha tuloy akong bangag na nakatayo lang mag-isa.
Dali-dali naman akong napaupo agad dala na siguro ng kahihiyan. Shucks, that's kinda embarrassing pa naman.
Napansin kong napalingon-lingon naman sa paligid si Jordan. Umeepkto na ba ang magic ng arrows?
'Of course not. Hindi naman gano'n kadali no. Ano 'yon, matapos silang panain poof! Sila na agad? In the field of love, kailangang magtulungan ni Cupid at Tadhana. They're the best team up talaga. Kaya ikaw, 'wag mong madaliin si Tadhana. Everything is following a process.'
Sorry naman. Parang nagtatanong lang, nakatanggap agad ako ng sermon? Matanong ko nga, is Tadhana your wife?
'What? Of course not again. Haven't you heard the amazing story of Cupid and Psyche? Sila 'yong mag-asawa. While Tadhana's the wife of Coal. Pero ang totoo niyan, 'Clotho' is the real name of Tadhana but we still call her Tadhana also. And her husband? He's the complete opposite of her.'
Ooh. So that's the name of Tadhana's husband. And Tadhana's real name is Clotho. Wow. I learned a lot.
'Yep. His name is coal since he has a dark or gray-like personality. Sorrow and sadness is his thing.'
Grabe. Seryoso? Ang ironic naman ng love story nila. How can they get along kung ang mortal enemy ng Happiness ay Sadness?
'You know what? You humans are really funny. Ang naive niyo naman masyado para isipin ang gan'yang theory. Sadness isn't actually the mortal enemy of Happiness because it's a part of it. How can a rainbow shine without a little rain?'
Naks. Edi ikaw na. Ayan ka na naman sa mga words of wisdom mo. Napaghahalataan ka na tuloy na matanda.
'Shut up. Wala naman 'yan sa edad. Nasa itsura 'yan and judging by my looks, I look so hawt.'
Kapal. Hindi ka naman hot, malamig ka kasi ang hangin mo sobra. Tse! Conceited much?
''Di naman. Confident lang.'
I just rolled my eyes. Ang gago niya talaga as always.
'I can still hear you.'
Wala ka na bang ibang gagawin kung hindi ang maki-chismis sa mga iniisip ko?
'Meron. Eh bakit ba? It's fun messing with you. Ang dali mong mapikon.'
Nagsalita ang hindi. Umalis ka na nga.
My thoughts were disturbed nang may biglang studyanteng pumasok sa room naman at sumigaw.
"Hindi na pupunta si Sir! May emergency meeting raw lahat ng mga teachers kaya early dismissal tayo ngayon!" and then he left.
Oh Good. Sa wakas, may magandang nangyari din sa araw ko.
Niligpit ko muna ang mga gamit ko bago ako lumabas kaya no'ng umalis na 'ko, naabutan ko agad na naghihintay sa 'kin sa labas si Sav.
"Uy girl. Buti na nga lang at early dismissal tayo ngayon. More time for us to make chika!"
"Alam mo, mukha kang chika. Wala nga akong maikukwento sa 'yo kasi wala namang dapat ikwento. Ang tigas talaga ng ulo mo."
"Oo na nga lang. Hindi naman kita mapipilit eh. Tara mag-mall."
We were about to leave nang biglang humarang sa harapan namin si Grey.
Tinaasan ko lang siya ng kilay, signaling him to talk.
"I just want to remind you before you go home about our date tonight. Hand me your phone."
Nagsalubong naman ang mga kilay ko sa demand niya. What's he gonna do to my phone? Ano nanakawin niya? Namumulubi na ba siya?
"I'm not gonna steal it you idiot."
What!? I was about to protest nang biglang hinablot ni Sav ang phone ko mula sa kamay ko at binigay ito kay Grey dahilan para tapunan ko siya ng masamang tingin.
"Here. Na-starstruck pa kasi 'tong beshy ko sa kapogi-an mo kaya 'di agad makagalaw. Pasensya na." Sav explained. WHAT!? Anong napogi-an!?
"What the hell!?" I exclaimed and instead of answering us, may ni-type lang siya sa phone ko before handing it to me.
"Here. Sinave ko na diyan ang phone number ko and sent a message also. Text me your address para masundo kita." he said then left us.
Bigla naman akong niyugyog ni Sav.
"Girl! Akala ko ba walang maikukwento kasi walang dapat ikwento? Ano 'yon? Ano 'yong date at number thingy na nangyari lang just now? You really owe me a story. Punta na tayong mall!"
YOU ARE READING
Strings and Arrows
FantasyNever in my entire life have I ever thought that I would become a cupid. Ang hirap naman kasing paniwalaan 'di ba? This is a story about a lady who accidentally became a cupid after cursing the latter to the last of her breath. In this roller coaste...
Chapter 5
Start from the beginning
