"Sus. 'Di ba classmates kayo ng first sub niyo? Anong ganap? Come on, spill!"

"Wala. Ayon, 'di siya tumabi kahit usually tumatabi naman 'yon sa 'kin. Ni hindi nga nag-abalang pasadahan man lang ako ng tingin. Pakshet talaga."

"Hayaan mo na 'yon besty. Makakapag-move on ka rin. Smile ka lang. Yiee."

Napangiti naman ako sa sinabi niya. After a few minutes of chikahan, we both decided na lumabas na ng Caf at bumalik na sa kanya-kanya naming mga rooms nang biglang may bumangga sa akin.

Sa sobrang lakas ng impact, napaupo ako sasahig at napaatras siya. Tumingala agad ako para makita kung sino ba 'yong nangahas na bumangga sa akin.

Bullshit.

"Ikaw na naman!?" Sabay na sigaw namin sa isa't-isa.

"Omg besty. Tayo ka." Singit ni Sav at inalalayan akong makatayo.

"Ano bang problema mo at lagi mo na lang akong binabangga?!"

"Tangina 'wag ka ngang sumigaw! Hindi ako bingi okay!? Tsaka anong sinasabi mo d'yan!? Ikaw nga 'tong nakabunggo sa 'kin oh!"

"Ikaw kaya. 'Di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo. Ang tanga talaga."

"Aba! Kanina ka pa ah! Hoy di porque't sikat ka at maraming nagkakandarapa sa 'yo, ay palalampasin ko na lang ang ginawa mo."

"Ikaw nga 'tong may kasalanan sa 'kin eh! Aish. Makaalis nga!" Singhal niya sa 'kin sabay walk out.

Buti nga.

"Taray mo girl ah. Napataob mo ang isang Grey Villaferde."

"Talaga! 'Di n'ya 'ko masisindak no! Magkamatayan na!"

"Ikaw talaga. Mamaya na 'yang tapang mo. Balik na tayo ng room."

'Tapang mo ah.'

Sus. 'Di naman.

'Ay 'di ka nga pala matapang. Mataray ka lang tsaka masungit.'

Aba loko ka rin eh no? Nagbigay ka na ng compliment, babawiin mo pa? Wala ka palang isang salita eh.

'Sus. Kunwari pa. Eh ang pangako niya nga sa 'yo nagawa niyang bawiin. Compliment pa kaya?

Natulala naman ako sa sinabi niya. Tangina 'yon ah.

'Yaan mo pag nagkita tayo sa susunod, uupakan talaga kitang ungas ka.

'Sus. Na-miss mo lang ako eh. Kunwari ka pa.'

Asa ka tsong. Hinay-hinay naman sa paglamon ng confidence d'yan. Baka mabilaukan ka pa at mamatay.

'Alam mo, para sa isang mortal, ang tapang mo. Biruin mo, 'di ka lang nang-insulto ng isang Diyos. Minura at binara mo pa. Grabe.'

Napahinto naman ako sa paglalakad no'ng napahinto rin si Sav. Naka-cling kasi siya sa may braso ko habang nagsasalita kahit 'di naman ako nakikinig. Baka mabuking ako nito.

"Nakikinig ka ba?"

Ayan na nga ba.

"H-Ha? O-Oo naman!"

"Sige nga, anong huling sinabi ko?"

"'Ko?' Sav naman oh. Pinagmumukha mo 'kong tanga. Obvious na naman."

"Aish. Loka ka talaga. Hindi naman gan'yan ang ibig kong sabihin. Pilosopo."

"Sensya na. Maganda lang."

Bwesit ka kasing Cupid ka.

'Oh kitams? Minura at sinisi na naman ako.'

Magtigil ka nga! Ituon mo na lang 'yang atensyon mo sa asawa mo. 'Wag kang magulo.

At hindi na naman ulit siya nagsalita. See? 'Yan lang talaga 'yong paraan para mapatikom mo siya eh.

"Tara na nga. Mauna na lang muna ako sa room. Tatambay lang."

"Oh sige. Ako rin, punta muna 'ko ng room ko. Chika later. You owe me a story pa about sa love quarrel niyo ni Grey."

"Love Quarrel ka d'yan. Wala akong ikukwento sa'yo kasi wala namang dapat na ikwento."

"Sus. Sige na nga. Mamaya na kita gigisahin."

And with that, she left without letting me defend ny side.

Ako lang mag-isa dito sa room. Hindi pa naman kasi natatapos ang lunch break.

Tangina ano namang ikukwento ko?

'Eh 'di 'wag kang magkwento.'

Matanong ko lang, nasaan ka ba? Nakakausap mo pa rin ako kahit malayo?

'Asows. Na-miss mo lang talaga ako. 'Wag kang mag-alala, magkikita rin tayo soon.'

Loko ka. Hindi kita namimiss uy. Nagtataka lang. Ang hangin naman nito.

'Psh. Oo na. Nakakausap pa rin kita kahit nasa malayo ako. Ano pa't naging isang Divine Being ako 'di ba?'

Yabang. Wala namang maipagyayabang.

'Marami kaya. Bukod sa kapangyarihan ko, maipagyayabang ko pa ang kagwapuhan ko.'

Kapalmuks. Bwesit ka. Tumigil ka nga.

Napatigil naman ang alitan namin ni Cupid nang biglang pumasok sa room si Grey.

"Hey." sabi niya nang makarating sa harapan ko.

"Anong problema mo?"

"'Di ba may kasalanan ka pa sa 'kin?"

"Ano!? Eh hindi ba ikaw nga ang laging may atraso sa akin?"

"Eh ikaw naman ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo lagi eh. Ano 'yon, kaming mga dadaan ang laging mag-aadjust sa mga taong hindi nakatingin sa dinadaanan mo lagi?"

Napatigil naman ako sa sinabi niya. Natutulala kasi ako simula no'ng naging si C.I.C. as in Cupid in Charge.

"Okay fine. Ano bang kailangan mo?"

"May favor--I mean, may ipapagawa ako sa 'yo."

"Ano na naman 'yon?"

"Be my pretend girlfriend."

Strings and ArrowsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant