"Shut up, kung ayaw mong ako ang magpatahimik sayo." Pasigaw nitong aniya. "Aw. I'm scared." Sagot dito ni Ale.

Natigil lang ang dalawa ng dumating ang taong siyang nag-utos sa kanilang dalhin dito si Vixen.

"Ikaw pala ang anak ni Cataluna." Anang lalaki sa kanya. "Ano naman ngayon kung ako nga?" Pagtataray namang tanong dito ni Ale na inaakala nilang si Vixen.

"Tinawagan muna ba ang ama niya?" Tanong nito sa kanang kamay niya. "Yes boss, pero hindi po sila makuntak e." Sagot naman nito sa amo.

"Kapag hindi mo parin sila makuntak ay alam niyo na ang gagawin dito," anito sa taohan na agad naman tumalima. "Yung perang dapat kay Tina ay ibigay niyo na rin sa kanya." Saad pa nito.

Napangiti naman si Tina sa natinig. "Thank you, Mayor Roxas." Anito sa lalaking nakatingin sa bahagya niyang nakaluwa na dibdib. Agad naman napansin ni Tina ang mata ng ginoo. Kaya kunwari ay bahagya niyang inayos ang damit sa harap ni Mayor Roxas. Sinadya nitong masilip ng lalaki ang malulusog niyang dibdib.

"Boss, ito po ang pera ni Miss Morales." Boses ng kanang kamay ni Mayor Roxas. "Sige ibigay mo sa kanya." Utos naman nito. Kaya agad inabot ng lalaki kay Tina ang attache case na mabilis naman niyang inabot. Ng makuha ni Tina ang pera niya ay agad din naman umalis ang kanang kamay ni Mayor Roxas.

"Thank you, Mayor Roxas. Kakaiba ka talaga kaya gusto kita....kitang maging boss." Sa tunong pinalandi niyang aniya sa ginoo.

"Gusto mong dagdagan ko yan?" Mahinang tanong ng ginoo kay Tina. "Um. Ano naman ang kapalit kung dadagdagan mo ito?" Tanong naman nito.

"Pumasok ka doon sa sasakyan ko at malalaman mo kung ano ang ipapatrabaho ko sayo." Ani Mayor Roxas. Pilya naman siyang tiningnan ni Tina.

"Tsk! Ang tanda na pero, malibog parin," ani Ale. "Wag lang talaga ako makawala dito. Dahil baka maputol ko yang nasa gitna ng dalawa niyang mga binti." Naghihimutok nitong aniya habang sinusubukan niyang kalagin ang taling nakatali sa dalawa niyang kamay.

ISANG oras ang lumipas ng bigyan sina Jeb ni Frank ng go signal. Kaya agad silang nagsihanda. Bawat isa ay ikinasa ang hawak na baril. May kadiliman narin sa kinaruruonan nila at tanging huni ng kuliglig ang maririnig mo. Maingat silang naglakad hangang marating nila ang isang lumang budega.

Agad silang pumalibot sa labas ng lumang budega na walang nakakaramdam sa mga taong nandoon. At bawat makita nilang tao ni Mayor Roxas na nakatayo sa labas ng lumang budega ay inisa-isa nilang patulugin ang mga ito.

"Ooohhhh!!

"Tangna. But umaalog ang sasakyan?" Tila nasusukang tanong ni Wesley. "Malamang nasa loob si Mayor Roxas gumagawa ng milagro." Sagot ni Frank.

"Ang tindi naman ng matandang yan." Naiiling nilang aniya.

"Bantayan niyo yan at papasok kami sa loob." Utos ni Frank sa kanila. Wala naman nagawa ang mga ito kundi ang makinig. Agad na pumasok sa loob ng lumang budega sina Jeb at naiwan sina Wesley sa labas kung saan nakapark ang umaalog na sasakyan. Ngunit hindi pa man tuluyang nakapasok sina Jeb ay may biglang nagpaputok at hindi nila iyon napaghandaan.

"Tangna naman oh!" Mura ni Jeb sabay sapo niya sa balikat na nadaplisan ng bala. At sa inis niya ay ginantihan niya ng baril ang taong bumaril sa kanila. Ngunit agad nakapagtago ang lalaking bumaril sa kanila kaya hindi ito tinamaan ng pinakawalang bala ni Jeb.

Dahil sa wala kang makikitang butas sa labas ng lumang budega ay nahirapan si Elijah na tingnan ang loob nito. Kaya hindi napaghandaan nila Jeb ang taong bumaril sa kanila.

"Okay ka lang?" Tanong ni Frank kay Jeb habang nakakasa parin ang hawak nilang mga baril. "I'm fine. Malayo ito sa bituka. Let's finish this. I'm tired of that dumbass politician. Nakakasakit ng ulo, kung pwede nga lang matagal ko na siyang pinatay." Anito bago sila panabay na pumasok ng warehouse.

The Mind Reader Hunk(Completed)Where stories live. Discover now