As time pass by dumarami ng dumarami ang mga studyanteng naglalakad at tumatambay dito sa field. I looked at the surroundings clearly, ngayon lang kasi ako nag-pay attention sa school namin after 8 years ko ng pagpasok dito. Since High School, dito na kasi ako nagaaral sa University na 'to.

I was busy checking the place when something caught my attention. A girl walking towards the corridor while carrying a lot of books not so far from me. May biglang pumalibot sa kanya na pulang ilaw. Is this it? Napansin ko namang tumigil ang lahat, as in lahat maliban na lang sa akin at sa babaeng naglalakad.

What is this!?

'The time stops when you're going to shot someone'. I heard in my thoughts. Boses ni Cupid. So this is what he meant no'ng sinabi niyang he will still guide me.

I saw a bow and arrow suddenly appeared in front of me. The Arrow is made of glowing red strings at mukhang matibay naman ito.

I prepared the arrow and the bow and upon securing my target, ni-release ko na ang arrow at tumama ito directly at her. Mukhang hindi naman talaga tumama sa katawan niya, but enough to consider na tumama talaga. Hindi naman kasi literal na tatamaan ka talaga sa pana ni kupido.

Wait, siya lang ang tinamaan ko. Sino ang partner niya?

Naisipan kong sundan si Ate girl and I saw a Nerd-looking boy na madadaanan niya. The boy was sitting on the floor and he's reading a book. Is this him? Pero bakit parang wala namang umiilaw sa paligid niya at hindi tumigil ang oras?

'Hindi na kasi kailangan. Kapag gan'yang scenarios, it's obvious naman na may feelings na ang guy for her and now that you already shot the girl with the love arrow, let's just wait for the story to unfold. Kailangan nalang nilang mapansin ang isa't-isa para 'di masayang ang chance na 'to.'

Kung gano'n, kailangan nating gumawa ng paraan para magkita sila.

'No need. Now that you're already the acting cupid, you've done your part already. It's already Fate's turn.'

Fate? You mean, Tadhana?

'Yeah. She knows what she's doing.'

She? She's a girl?

'Bobo ka ba sa English? Of course! She is used when you're referring to a girl and He is used for boys.'

Tangeks. Alam ko. What I mean is, Babae si Tadhana? Wow I never thought.

I looked at the girl quietly as she walked towards the direction of the guy when she's about to pass by the guy who's sitting quietly while reading, bigla na lang nagsihulog ang mga libro niya at natamaan niya pa ang guy. The girl seemed like she's a funny and loud person while the guy is the complete opposite naman.

The girl kept saying her apologies while picking up her books at tinulungan naman siya ng guy na kunin ang mga ito. By the looks of it, mukhang ayos na naman sila dahil sabay na silang naglakad at mukhang nag-offer pa yata si guy na siya na ang magdala ng ibang bitbit nito.

'Mission Accomplished. Galing natin ah?'

Of course ako pa.

'Yabang. Chamba lang 'yon.'

Tse! Tumigil ka nga lang. Mag-focus ka na lang d'yan sa asawa mo.

Natahimik naman siya. Hindi na siya nagsalita pa ulit. Buti naman. Kesa naman asarin pa niya 'ko ng todo buong araw 'di ba?

Bumalik ako sa classroom namin at nakita kong bukas na ito. Ando'n na ang ilan sa mga classmates ko kaya naupo na rin ako. Shit kaklase ko nga pala 'yong Ex kong gago.

I remained silent the whole time. Ewan ko ba pero nakaka-feel ako ng awkwardness kahit hindi naman kami magkatabi o magkalapit. Minsan kasi, nakakaramdam ako na para bang tinititigan niya 'ko or what. Assuming na kung assuming eh sa 'yon 'yong nafi-feel ko eh. Ayaw ko namang tingnan siya at baka akalain niyang nagkakandarapa pa rin ako sa kaniya. Yuck. Natuto na 'ko no!

A few minutes later, nagsimula na ang klase. Hindi ko kaklase si Sav sa subject na 'to kaya wala akong karamay ngayon.

Sa kalagitnaan ng klase, bigla na lang bumukas ang pintuan ng room namin ng napakalakas at pumasok si Grey.

"Mr. Villaferde, you're late again."

Nakita kong ngumisi lang siya at imbes na mag-sorry kay ma'am ay dinaanan niya lang ito. Bastos talaga 'tong lalaking 'to.

Nakita kong naupo lang siya sa may bandang likuran at natulog. Kitams? Bastos na nga, tinulugan pa si ma'am. Ang nakakainis lang kasi 'di nila magawang i-kick out 'tong lalaking 'to kasi 'di naman maitatanggi ang angking galing nito sa sports. Siya kaya 'yong Pride ng University na 'to sa larangan ng basketball kaya they owe him big time talaga.

'Di ko na lang siya pinansin at nakinig na lang sa harap. Nag-take down notes lang ako throughout the discussion then the bell finally rang.

Strings and ArrowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon