I was smiling while remembering those trivial things.

Kaya lang may napapansin ako sa kan'ya na kakaiba ngayon. The moment he went back from Visayas last week, I noticed that something's off. Nagpunta kasi siya ng Cebu the other month kasi nabigyan siya ng opportunity na maging model ng isang local company do'n. Ang gwapo at ang ganda ba naman ng katawan nitong si Mark.

He's actually from Cebu and he only moved here to pursue his studies. Kaya matagal na siyang kilala do'n.

"U-Uh. A-Ano 'yon Spirit?" He stuttered.

Spirit? Wow, tinawag niya 'ko by my name and not by our endearment. I blinked a couple of times in surprise.

"May problema ba? Napansin ko kasi na parang napapadalas na pagiging tulala mo at ang coldness mo sa 'kin. Is there something wrong?" I genuinely asks.

Narinig kong napahinga siya ng malalim. Ano kayang problema nito?

"Look, Spirit. May gusto akong sabihin sa 'yo." He sounded so serious na siyang dahilan upang sumilay ang kaba na nararamdaman ko.

Oh God, I think I know where this is going but let's not assume and let's hope for the best na lang.

"I'm sorry but.." he paused for a moment.

"But?" I confusingly asked.

".. I can't do this anymore." Patuloy niya at napayuko.

"Ano!? But why? What's wrong?" Gulat akong napatayo at hinarap siya.

"Spirit.. I'm gay." He confessed.

--End of Flashback--

Tangina, kita n'yo na? Ang bwiset lang 'di ba? Tsaka pinaalala pa talaga ni Sav sa 'kin 'to!

"At sa pangalawa mong boyfriend, Girl alam mo namang 'yon din 'yong ginusto mo 'di ba? Ang maghiwalay kayo para balikan niya 'yong ex niya?" Sav reminded me.

"Malamang! Eh nakabuntis siya eh! Ayoko namang maging rason ng pagkasira ng isang pamilya. I don't want the child to experience a broken family like me. Dahil lang sa may iba ang tatay niya." I replied bitterly.

"You see my point? And for your third Boyfie, hindi ko alam kung anong nangyari. Ano nga bang nangyari?" Naguguluhan niya ring tanong sa akin.

"'Di ko rin alam. Siguro he grew tired of me and fell out of love." I felt a pang of pain on my chest at the thought of him honestly falling out of love from me.

"Ang babaw naman ng rason niya. Ang sabihin niya, duwag siya kasi ayaw niya pang mag-commit! Aba, chikboy yata 'yong kumag na 'yon no! At ikaw pa lang ang naging una niyang 'official' girlfriend." See? Malapit na talaga akong makumbinsi na pang-training ground lang ako.

Hindi na lang ako umimik pa at napaisip na lamang sa sinabi ni Sav. May point nga naman siya. It really depends on the situation. Pero wala eh, galit pa rin ako sa lintek na kupido na 'yan! Anak siya ng tokwa! Bakit niya ba ako pinapahirapan!? Bakit ba kasi naka-diaper na bata ang gumagawa ng trabahong 'yan!? Anong alam niya sa pag-ibig!? Sana ako na lang eh! Aish. Ewan! 'Di ko na ma-gets ang mundo! Maka-alis na nga lang.

Agad akong tumayo at niligpit ang mga gamit ko.

"Oh, sa'n ka naman pupunta?" Sav stopped me midway when she saw me leaving.

"Magbi-babysit." I answered through gritted teeth.

"Ano!?" Kasunod rin siyang tumayo at sumabay sa aking paglalakad.

"Pumasok ka na, Sav. May papalitan lang ako ng diaper." sabi ko at nagpatuloy na sa paglakad papalayo kay Sav.

"Anak ka ng tokwa Aimra Prsli Spirit Naranjo! 'Wag na 'wag kang gagawa ng kalokohan!" Rinig kong sigaw niya sa may 'di kalayuan.

Hindi ko na lang siya pinansin. Magliliwaliw lang ako sa mga bar. Magbabakasakaling mahanap ko 'yong makulit na batang 'yon.

After 30 minutes of driving, nandito na 'ko sa isang malapit na bar sa University namin. Buti na lang at major na 'ko. Major, 'di na kasi ako minor. Psh. Sige, hithit pa. Kaya nagmumukha ka ng bangag eh.

"Hard drink please." sabi ko agad sa bartender pagkarating ko sa counter.

Nakita kong nagulat muna siya pero agad rin namang kumilos at binigyan ako ng isang inumin na tinungga ko naman ng isang lagukan lang. Tangina ang pait pala no'n?

"Isa pa ma'am?" Tanong niya.

"'Di. Ayoko na. Ang pait. Sigurado ka ba kuya na hindi lason 'yong pinainom mo sa 'kin?"

"Naku, hindi po ma'am. Humingi po kasi kayo ng Hard drink kaya binigyan ko po kayo."

"Tangina maraming salamat sa pagiging masunurin mo kuya ah? Pucha laki ng tulong."

Inabutan ko siya ng pera at tumambay muna saglit do'n mga 10 to 15 minutes lang pero 'di na 'ko uminom. Baka madisgrasya pa 'ko, magda-drive pa 'ko later. Lagot ako kay Mommy at Kuya kapag nagkataon.

Sa paglilibot ko ng paningin ko, nahagip agad ng mata ko ang ex kong si Calvin na kasalukuyang pinapalibutan ng mga babae kasama ang barkada niya. Anak ng G*go, 'yan pala dahilan niya kaya nakipag-break siya sa 'kin.

Umalis na agad ako ng bar bago pa 'ko makagawa ng eksena do'n kapag 'di ko na mapigilan ang sarili ko.

I drove far away, away from pain. Charot lang. Nagpunta lang naman ako sa isang tahimik na lugar. Nakaupo lang ako sa hood ng kotse ko habang nakatulala at lutang ang utak.

For a few minutes, naalala ko na naman ang nangyari kanina at naiiyak na naman ako.

"Tang*na namang buhay 'to! Pagod na 'kong umiyak! Leche."

Nakatingala lang ako sa kalangitan na punong-puno ng bituin. Leche akala ko ba tutulungan ka ng Universe na makuha ang gusto mo? May pa 'The Universe Conspires to grant your heart's desires' pang nalalaman eh tangina 5 years na naman akong iniiwan ng mga naging kasintahan ko!

Bakit ba kasi 'di na lang ako mapunta sa tamang tao. Kupido naman! Isa kang malaking kupal.

I was heavily crying and was busy cursing the heavens nang may biglang lumitaw na shooting star.

Wish upon a star.

TANGINA GUSTO KONG MAGING SI CUPID!

Strings and ArrowsWhere stories live. Discover now