"Mag-iingat ka. Ayaw kung mapahamak ka." Boses ni Vixen na kinalingon niya. Agad naman siyang lumapit dito at yumakap. "Walang mangyayari sa akin, okay. Mag-iingat ako, promise." Anito sabay halik sa noo ng nobya. Napabuntong hininga naman si Vixen.

Ilang segudo muna siyang pinakatitigan ni Jeb bago ito umalis ng nakangiti. Kaya ng mawala ito sa kanyang paningin ay agad siyang pumasok sa kusina.

"May kailangan po kayo, ma'am?" Tanong ni Analyn sa kanya.

"Um. Pwede niyo ba akong turuan magluto. Gusto kung matutunan ang pagluluto." Kagat labi niyang aniya sa mga ito. "Sige po, ma'am. Walang problema sa amin." Si Linda na nakangiti.

"Um. Ano po ba ang gusto niyong matutunan lutuin, ma'am?" Tanong naman sa kanya ni May. "Kahit na ano, basta matuto lang ako magluto. Gusto ko kasing ipagluto si Jeb isang araw. Ginagawa niya kasi ang lahat para sa akin tapus ako kahit simpleng pagkain man lang hindi ko magawang lutuin para sa kanya." Seryuso nitong aniya.

"Mahal na mahal kasi kayo ni sir Jeb, ma'am. Kaya ginagawa niya ang lahat para sayo." Si Floor na tila kinikilig. At sinang ayunan naman ito ng mga kasam niya. Kaya napangiti na lang siya.

At dahil wala ang nobyo ay malaya siyang nakapag-aral magluto sa tulong ng mga kasambahay nila. Kaya tuwang tuwa siya sa ginagawa kasama ang mga ito.

SAMANTALA ng marating ni Jeb ang opisina ni Frank ay tuloy-tuloy siyang pumunta sa isang kwarto kung saan doon sila nagpupulong kung meron silang mission na dapat pagplanuhan. Ng buksan niya ang silid ay agad niyang napansin na mukhang siya na lang ang hinihintay ng mga ito. Kaya agad siyang naupo sa bakanteng upoang naroon.

"Who is she?" Tanong niya ng mapansin ang babaeng naroon na hindi kilala. Agad naman itong humarap sa kanya. "What the hell? Javier it's that you?" Gulat niyang tanong.

"Fuck you, Hernandez." Matalim ang mga matang anito sa kanya. Kaya natatawa siya ng lihim na umupo ng tuwid. "Okay. So, anong plano natin?" Pag-iiba niya ng usapan.

"Magpapanggap na si Vixen si Ale. Kaya kailangan lumabas kayong magkasama." Ani Frank na muntik ng ikalaglag ni Jeb sa kinauupoan niya.

"You must be kidding me, boss." Anito kay Frank. Ganun sila kapag nasa opisina sila ni Frank ay bihira mong maririnig sa kanilang tinatawag itong bro gaya ng nakasanayan nilang magkakaibigan na tawagan.

"I'm serious." Seryusong sagot ni Frank. "Boss, malandi ang lalaking yan. At ayaw ko ng nilalandi ako. You know me and he know me." Ani Ale. Napabuntong hininga naman sa mga ito si Frank.

"Excuse me. Wala akong planong landiin ka Javier. Ang girlfriend ko lang ang lalandiin ko at hindi ako magsasawang gawin yun sa kanya." Mabilis namang sagot dito ni Jeb.

"Girlfriend?"

Halos panabay ng mga ito. "Dapat kana ba namin binyagan Hernandez?" Tanong naman sa kanya ni Elijah na naroon din.

"Sa kababaero mong yan, buti sinagot ka ni Vixen?" Si Dave na naiiling. "Syempre, mahal ko siya e. Kaya handa kung gawin ang lahat para maprotektahan lang siya. At idagdag mo pa ang gwapong mala Tarzan na kasama niya araw-araw. Kaya saan pa siya doon." Anitong nilakipan ng kapilyohan. Napailing naman sila sa tinuran niya.

"Nakakasuka ka Hernandez. Kaya dapat matapus na natin ang mission nating ito. Dahil ayaw kung madikit sa malanding yan." Ani Ale sa kanila.

"Nagiging talkative kana Javier." Puna dito ni Jeb. "People change, Hernandez." Tanging sagot nito.

"Lumayas na nga kayong dalawa. Bahala na kayong dumiskarte kung paano kayo magpapanggap dalawa. Kami na ang bahala sa iba. Isa pa nandito naman si Wesley." Pagtataboy ni Frank kina Jeb at Ale. Nakabusangot namang tumayo si Ale habang si Jeb ay lihim na natatawa.

The Mind Reader Hunk(Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें