MGD 18 - Magic Begins

Start from the beginning
                                    

"Mas maganda naman ako diba?" bulong ko. Kahit wala namang nakakarinig sa akin. I continue crying until I felt someone is hugging me from behind. I frozed until I felt his breath on my nape that sends shivers all over my body, he placed his chin on my shoulder and he enclosed my body with his warm arms.

"Ikaw yung pinakamagandang babaeng nakilala ko." —mas naiyak ako dahil sa narinig ko — "Bakit ba ang hilig mong iwan ako?" bakas sa boses n'ya ang tampo at lungkot. Hinapit n'ya ako mula sa likuran ko. Yakap yakap n'ya ako habang ako naman ay nakatanaw sa mga bituin sa langit.

"Why I always see you crying?" iniharap n'ya ako sa kanya at pinunasan ang mga luha ko, "Alam mo ba kung gaano ako naiinis sa sarili ko kapag nakikita kitang umiiyak?" isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib n'ya. He was hugging and caressing my back.

"B-bakit ba n-nandito ka?" ayaw pa rin tumigil ng pag-iyak ko. I am wondering why he is here, kailan ba talagang ipamukha sa akin na wala ng pag-asa para maging kami. That I am the one who was left alone?

"Because you need me." said he.

"Hindi kita kailangan." I won't ruin his present relationship. Ayaw kong maging isang relationship-wrecker.

Ginulo n'ya ang buhok ko at tumawa, how I miss his laugh, "Nagsisinungaling ka pa e. Nabasa ko na 'yung sulat mo.." w—what?

"A—ano?" I wasn't sure on what I've heard. Ano bang sinasabi n'ya?

"You left this white envelope at sa akin naka-address ang pangalan. So binasa ko." he playfully smiled, "Thank you Trish, for not giving up on me."

"You sure about that? Ikaw ang nakapulot? Patingin nga!" dumukot s'ya sa suit n'ya and he presented this white envelope. Napahawak na lang ako sa bibig ko when I realized that it was the thing that I was about to give to him kanina.

"Nakakainis ka! Ikaw lang pala ang nakapulot! Bwisit ka Sy! Umaano ka ba dito?! Hah?! Umalis ka na nga!" tila na-regain ang lakas ko noong maalala ko na galit nga pala sa kan'ya.

"Ayoko." madiin na sabi n'ya.

"Umalis ka na nga sabi e!" hinubad ko ang stiletto ko at balak kong ibato sa kan'ya, "Ano? Aalis ka o ibabato ko sa'yo 'to?!" pananakot ko sa kan'ya.

"Ayoko nga." naiinis na sabi n'ya at dahil doon ay ibinato ko sa kanya ang sapatos ko. Pero nakailag yung impakto.

"Ugh! I hate you! Ano ba?! Umalis ka na nga! Naiinis na ko!"

"Ikaw babae ka! Kapag ako natamaan noon! Masisira kagwapuhan ko! Mawawalan ka ng boyfriend sige ka! Ay hindi, asawa pala. Tama, mawawalan ka ng asawa!" naningkit ang mata ko.

"Ano na naman bang trip mo Sy?! Pwede ba tantanan mo na ako! Ikakasal ka na diba?!" pero napa-huh naman s'ya sa sinabi ko.

"Kanino?" nag-init ang ulo ko dahil sa pagkukunwari n'ya. Kailan ba talagang ipamukha sa akin ang bagay na 'yon?

"Sa babaeng kasama mo! Magsama kayong dalawa! Tigilan mo ko! Lumayas ka na dito! Naiinis at nagagalit ako sa'yong halimaw ka!"

"Ahh..akala ko sa'yo ako ikakasal. Pwede naman.."

"Anong sabi mo?!" hindi ko narinig ang huli n'yang sinabi.

"Sabi ko, mahal kita." natigilan ako ng dahil sa sinabi n'ya. "Oh bakit natigilan ka? May mali ba sa sinabi ko? Totoo namang mahal kita e.." napakamot pa s'ya sa batok n'ya.

"Pwede ba. Ikakasal ka na diba? Ayaw kong manggulo. Diba sabi ko sayo, ayaw na kitang makita pa? Bakit ba ang kulit mo?"

"Dahil cute ako?" napairap na lang ako.

"Hindi ako nakikipaglokohan sa'yo, Sy." pagbabanta ko. Nagbago naman ang ekspresyon n'ya, this time naging seryoso s'ya.

"Mahal kita. Okay? Hindi ako ikakasal." huminto s'ya sa pagsasalita, "Kung ikakasal man ako. Sisiguraduhin ko na ikaw ang bride at ako lang ang pwedeng maging groom mo.." kumunot ang noo n'ya, "Bakit ba ayaw mong maniwala? Isa pa, hindi ako pumapatol sa kapatid ko, okay? Kaya pwede ba. Itigil na natin 'to at kanina pa kita gustong halikan.."

"A—ano?" naguguluhang tanong ko.

"Mamaya na lang ako magpapaliwanag. Okay?" tumingin s'ya sa mga mata ko at kagaya ng dati ay nalunod ako sa mga titig n'ya, "Kanina ko pa gusto gawin sa'yo 'to..." and right that moment, I felt his soft lips touching mine.

We savour each others mouth. Ramdam na ramdam ko ang mga labi n'ya sa labi ko. Hinila n'ya papalapit ang baywang ko kasabay noon ang paggalaw ng mga kamay ko para ipalupot sa leeg n'ya. He deepened the kiss..and he stopped. Until his eyes met mine, "Mahal kita Trish, higit pa sa  salitang sobra.."

*****


A'N: DESERVE KO NAMAN SIGURO ANG MAHAHABANG COMMENTS N'YO ANO?! WALA NA SIGURONG HATE COMMENTS?! HAHA! THE FVCK, AKO LANG BA ANG KINIKILIG?! LOL  (PWEDE BA NAKACAPSLOCK BAWAT COMMENT NYO PARA INTENSE?! HAHAHA) 

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Where stories live. Discover now