" Anong dahilan ----" pinutol ko na ang sasabihin ni Blue dahil gulong gulo na ako na parang sasabog na ang utak ko dahil sa kanila...

" Anong ibig sabihin nito!? Bakit kayo magkakakilala!? Ano ang kailangan niyo kay Xandra blah blah blah blah" sobrang dami ko ng nasabi at hindi man lang sumagot yung tatlo.

Simula palang ng pagpasok nila sa ClassRoom napansin kong hindi sila normal na may kakaiba sa kanila dahil hindi sila amoy tao dahil naaamoy ko na isa silang VAMPIRE na kagaya ko. Oo tama kayo isa akong bampira at ang pamiya ko kaya naamoy ko sila at nalaman ko na kauri ko sila .

" Isa din kayong bampira.." natatawang sabi ko..

"Oo kagaya mo .." sagot ni Blue

" Ano ang kailangan niyo kay Xandra ..?" tanong ko at agad naman akong sinagot ni Silver.

" Kailangan lang namin siyang protektahan " seryoso at mahinahong wika niya na nagpakunot sa aking noo..

" Bakit kailangan niyo siyang protektahan !?"

" Malalaman mo sa tamang panahon."

Walang tao sa lugar kaya nagagawa naming makapag-usap ng mga ganoong bagay. Pagkatapos ng pag-uusap namin ay sakto nang uwian na kaya amuwi na kami at hinatid naman nila Blue si Xandra sa sabay nila...

Simula bata ay magkaibigan na kami ni Xandra at alam kong may kakaiba sa kaniya hindi ko siya maamoy bilang isang tao at hindi ko sin siya maamoy bilang bampira. Hindi ko alam kung anong nilalang siya.

Nakarating na ako sa bahay at dumeretso sa sa may sala dahil nakita ko si Mommy, Dady, at si Zack.

"Hi mom! Hi dad! "Sabi ko at umupo sa sofa, sa tabi ni Zack.

" Kumusta ang school niyo? May ginawa nanaman bang kalokohan tong kapatid mo sa bestfriend mo?" Wika ni mom.

" Mom wala po sa ngayon hindi ko alam bukas baka meron na siyang gawing kababalaghan!"bigla nalang tumayo si Zack at naglakad patungo sa kwarto niya pagkatapos kong magsalita.

Sinindi ni mom yung TV at isang balita ang nagpakita. Sinasabi ng isang reporter na isang bangkay ng babae ang natagpuang bangkay sa isang eskinita at dumudugo ang kaniyang leeg dahil sa dalawang butas na maliliit sa leeg niya.

" Nagsisimula na siyang gumawa ng hakbang!" Wika ni dad " Kailangan na nating magingat dahil paparating na siya!"

Alam kung sino ang tinutukoy ni daddy, kung sino ang paparating. Siya ang kinatatakutan naming lahat siyay lubhang mapanganib at balak niyang sakupin ang buong mundo at hawak niya ang kwintas. Siya ang mayhawak ng pinaka mapanganib na kapangyarihan ang Evil Darkness na maaari kang mabaliw kung mapapasayo ang kapangyarihang ito.

Ang aking pamilya ay bampira ngunit hindi kami umiinom ng dugo ng tao mula sa pagkagat sa kanilang leeg dahil mahigpit itong pinagbabawal ng aming pinuno na hindi ko pa nasisilayan ng kahit minsan na si Reyna Acriemia at Haring Franco upang maging matiwasay ang pamumuhay ng Tao at Bampira. Namumuhay kami dito sa mundo ng mga tao dahil naming maging isang normal kagaya nila.

Nagtungi na ako sa aking silid upang akoy makapagpahinga at matulog. Pero bago ako matulog na alala ko ang cellphone ko at bigla nalang itong nag-ring. Tumatawag si Zack na sinagot ko naman ng mabilis.

"Hello?"

[Kira pumunta ka sa bar] wika niya sabay patay ng linya ng cellphone

Wala na akong nagawa kundi sundin ang sinabi niya. Hindi ako dapat makita nila mom at dad kaya dumaan na ako sa bintana. Madilim na sa labas pero nakikita ko parin ng malinaw at maliwanag ang paligid dahil ang mga bampirang kagaya ko ay malinaw ang paningin at kayang makakita sa layong isang kilometro. Kaya din naming tumalon ng kasing taas ng tatlong palapag ng bahay.

Tumalon ako a mga bubong ng aming kapit bahay at minsan ay sa puno. Ng malapit na ako ay naglakad na ako sa may kalsada para hindi ako mapansin. Pagpasok ko sa bar at nasilayan ko ang muka ni Zack at Alexa na may hawak na baso na mat lamang alak kaya nan dali akong lumapit sa kanila at umupo sa katabi nilang upuan. Walang tao sa mga oras na iyon kundi kami lang at mg bartender.

" Hi kira ! Sorry nga pala sa ginawa ko sa inyo !" maysinseridad na wika ni Alexa

Akala mo ganon-ganon nalang yun..!!

" Walang magagawa yang sorry mo ." seryoso kong tugon saka ko kinuha ang hawak niyang baso na may lamang alak at binuhos ito sa muka niya saka ako dumistansiya sa kanila.

"KIRA WHAT DID YOU DO..!?" sigaw niya na halatang gulat sa ginawa ko at gamon din si Alexa.

"Yucks huhuhu you are so very bad kira huhuhuhu..!!" Paiyak-iyak na samabit ni kira habang pinupunas ang muka.

" Talaga ba ?! Baka ikaw ang mas masama sa ating dalawa !?" Pangiinsilto ko sa kanya.

" Kira bakit ba naiinis ka sakanya?!Bakit hindi ka nalang magang masata para sa akin?!" Si Zack.

" Bakit tumigil ba kayo a panggugulo kay Xandra hindi naman diba..!!!???" sigaw ko saka ako naglakad pero bago pa ako makalabas ng ng bar nagiwan muna ako ng matalim na titig at mga salita.

"BANTAYAN MO NA YANG BABAENG YAN BAKA ISANG IGLAP MAWALA SIYA SAYO!" hindi ko alam kung saan ko napulot ang mga salitang iyon basta lumabas nalang sa bibig ko.

I Have A Vampire Blood (Completed)Where stories live. Discover now