Chapter 43

26.3K 891 24
                                    

Kirsten

Buong maghapon akong nagkulong sa kwarto at nagmukmok. Gusto ko mang gumawa ng ibang bagay ay wala sa kundisyon maski na utak ko. Sa tuwing maiisip ko ang video ay hindi ko maiwasang maapektuhan.

May mga babae mang nagdaan sa buhay ni Chance noon, tanggap ko ang katotohang wala akong karapatan kaya ibang-iba ang pakiramdam ngayon.

I feel betrayed.

Mabilis kong pinahid ang luhang mabilis na naglandas sa aking pisngi at pilit na kinalma ang sarili. Sa matagal-tagal kong pag-iyak, hindi pa rin pala naubos ang luha ko.

Naabala na lang ako sa pag-iisip nang biglang tumunog ang door bell.

Tinatamad akong bumangon sa bed at nakayapak na lumapit sa pinto. Nang mabuksan iyon ay bumungad ang malungkot na mukha ni Yuri.

Pagkakita pa lang sa kanya ay bumuhos na naman ang luhang wala na yatang katapusan.

"Kirs, hey... I'm here," bulong pa niya sabay yakap nang mahigpit sa akin.

May kung ilang minuto rin kaming nasa ganoong posisyon. Nang humupa na ang aking nararamdaman ay tsaka ako bumitiw ng yakap at mapaklang ngumiti.

"Wala ka na bang gagawin kundi umiyak?" nag-aalalang tanong pa niya at tanging mapait na ngiti pa rin ang naibalik ko.

Matapos niyang maisara ang pinto ay banayad niya akong hinila papunta sa living room. Pinaupo niya ako at agad naman akong sumunod. Saglit siyang lumayo papunta sa kusina at nagsalin ng tubig sa baso. Agad din naman niya akong binalikan at inabot ang tubig.

Walang pag-aalangan kong inabot iyon at ininom.

"Hindi ko nakita agad ang video. Kanina ko lang napanood. Binura na ni Chance sa profile niya."

Hindi ko nagawang makapag-react sa sinabi niyang iyon. Hindi ko rin malaman ang dapat na sabihin.

"Look, Kirs. You knew Chance. Hindi naman siguro siya ganoong katanga para i-post pa ang video na 'yon."

Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga at nanghihinang isinandig ang aking likod sa sofa. Sa dami ng mga pumapasok sa utak ko ay para bang pagod na pagod ako.

"And, whoever that Elma Chua is, gosh, I hate her. Isa siyang higad!" nagngingitngit pang aniya at buong puwersa na ring sumandal sa sofa. "What did Chance told you?"

"He told me, he was caught off guard."

"Do you believe him?"

Ilang saglit akong tumahimik bago marahang umiling.

"I don't know what to believe Yuri."

"Kung mayroon man sa atin ang higit na nakakakilala kay Chance, ikaw 'yon."

Muli akong natahimik at humugot ng malalim na buntong-hininga.

"He didn't tell me anything about Elma. Dati pa silang nag-uusap, pero wala siyang naikuwento."

"Maybe she's not that important to him kaya gan'on."

"Or maybe, he was really hiding it," maagap ko ring sagot.

"Possible," tumatangong sagot pa niya. "Pero tulad nang sabi ko, ikaw ang nakakaalam, Kirs."

Muli akong natahimik sa sinabi niyang iyon. Hindi ko pa rin talaga alam ang dapat na paniwalaan.

"Look..." Dumiretso siya ng upo at mataman akong tinitigan. "Chance is crazy in love with you. He's all over you, Kirs. I just couldn't imagine him looking at the other girls. Parang hindi, e."

CRAZY IN LOVEWhere stories live. Discover now