Chapter 37

23.5K 716 28
                                    

Chance Daniel

Ilang months ang nakalipas, pero walang senyales ni Jorge kahit saan. I'd never seen Tyrone this broken. Halos gabi-gabi ay laman kami ng bar at umiinom. Dumating pa sa punto na sinasamahan lang namin siya at kaming magkakabarkada ay nakaantabay lang na makatapos siya. Hindi namin siya magawang sabayan.

"Nakausap mo si Cary?" pabulong na tanong ko kay Terrence na agad naman ding tumango.

"Hindi pa rin nagpaparamdam sa kanya si Jorge. Ang alam niya may passport iyon at gagamitin nga sa pag-a-apply ng trabaho sa abroad. Pero ang alam din niya ay hindi naman tumuloy kasi nga malaki-laki rin ang magagastos at wala ngang ipon," kuwento pa niya kasunod ang malalim na buntong-hininga.

"Naka-sched si Tyrone pumunta sa ibang bansa. May nakapagsabi na nag-inquire si Jorge sa agency na 'yon, pero hindi pa rin tiyak. Kahit na may pruwebang hindi lumabas ng bansa si Jorge, e, mukhang tutuloy pa rin si Ty," kuwento ko naman sabay baling sa kaibigang kong tulala pa ring nakatingin sa kawalan.

"Mukhang walang balak tumigil ni Ty, a," iiling-iling pang sabi ni Terrence.

Naaawa akong muling tumingin kay Tyrone na bumagsak nang husto ang katawan. Kahit na sino sa amin ay walang makapagpabalik ng sigla niya. Maging si Tita Ady ay halos araw-araw na umiiyak dahil sa sobrang pag-aalala.

"Maiba tayo, may balita ka ba kay Chloe?" maintrigang tanong ko kay Terrence na sumimangot lang.

"You can't keep your mouth shut, huh?"

Tumawa ako at malakas siyang tinapik sa balikat. Kahit hindi naman siya magkuwento ay updated kami tungkol sa ex niya. She's popularly known worldwide and one of the most respected singers of her generation.

"Bakit kasi hindi mo pa aminin na kaya hindi mo magawang tumingin sa iba, dahil siya lang, umpisa pa lang," natatawa ko pang tukso na mas lalong nagpasimangot sa kanya.

"Wala akong dapat aminin dahil wala naman talagang aaminin. Tigilan n'yo nga ako!" Sumimangot siya at padabog na inubos ang alak na laman ng baso niya.

"Kaya pala..." Nakangisi pa akong tumangu-tango.

"Kaya pala ano?" Kunot-noo naman siyang tumitig sa akin.

"Kaya pala sa matagal na panahon, wala kang maipalit na iba."

He smirked.

"Hindi kami kagaya ninyo ni Kirs. That was a long time ago, dude. Hindi ko na nga maalala ang mukha niya," pasuplado pang aniya.

"Hindi mo maalala? Agad-agad?" Ngumisi ako at nakaloloko siyang tinitigan. "Sus, maniwala ako sa 'yo!"

"Sinabi ko bang maniwala ka?" nakasimangot pang aniya kasunod ang sunod-sunod na iling.

"Sino ba pinag-uusapan ninyo? Ang ex ni Terrence?" nakangisi pang singit ni Dalton na noon ay may kandong na babae.

Mula noon, magpahanggang ngayon, babaero pa rin ang tukmol. Mabuti na lang talaga at hindi siya gusto ni Kirsten. Crush pa naman ng loko ang girlfriend ko.

"Fuck off," inis pang ani ni Terrence na hindi pa man ay parang napipikon na.

"Ang ganda ng MV niya, dude. Ang sexy!" singit naman ni Vaughn na may katabi ring babae.

"What the fvck?" inis pang baling ni Terrence rito na mukhang kaunti na lang ay magwalk-out na. "Seriously? Wala na ba kayong mapag-usapan kaya ako ang pinagbubuntunan ninyo?"

"Sa tingin mo puwede nating pag-usapan 'yon?" tanong pa ni Dalton sabay pasimpleng inginuso si Ty na tulala pa rin.

"Wala akong interes sa topic ninyo, okay?" irita pang sabi ni Terrence sabay salin ulit ng alak sa baso.

CRAZY IN LOVEWhere stories live. Discover now