Beginning

84K 1.5K 61
                                    



Kirsten

I was in my second year in college. Tulad ng ibang kabataan, sabik akong mag-college dahil iba raw ang pakiramdam na makatuntong sa ganoong stage ng buhay. Pinayagan naman ako ng parents ko na magsariling condo katulad ni Kuya Tyrone. Pero dahil spoiled ako kay Daddy, mahirap din para sa aking tiisin na malayo nang matagal sa kanila. Sa condo na pag-aari ng mga Ford ako nanunuluyan. Gusto ko sana sa condo rin ni Kuya, pero masyado yata siyang nakukulitan sa akin at ayaw niya akong kasama. Though, kahit pa gano'n, sobrang protective ni Kuya sa akin. Or maybe, ayaw lang din niyang makita ko ang mga kalokohan niya.

I am not complaining, though. Gusto ko rito sa condo nila Chance Daniel. Halos pader lang ang pagitan namin at masaya talaga akong makita siya sa araw-araw. I'd been crushing on him since I was in elementary. Ang gwapo naman kasi at maalaga pa.

Oh well, that was before.

Sa ngayon ay masyado na siyang aloof at kadalasan pa nga ay sinusungitan ako. Hindi ko nga lang alam kung bakit. Ang naaalala ko lang ay dahil iyon sa paghalik ko sa kanya noong nasa high school prom kami. Ang arte-arte! Kung tutuusin naman ay sa cheeks lang 'yon. At nagkataong biru-biruan lang din ang lahat.

Sa limang barkada ni Kuya Ty, si Chance lang ang parang masungit sa akin. Sobrang cool naman ng iba. Ewan ko ba sa taong 'yon. Gwapo pa naman, kaya lang ay sobrang sungit.

Naglalakad ako sa kahabaan ng campus nang mamataan ko si Yuri, ang aking kalog na kaklase sa kursong Business Administration. Tulad ko ay galing din siya sa isang de kalibreng pamilya. Kung hindi ako nagkakamali ay investor din sila sa isa sa kompanya ni Daddy.

"Yuri!" masayang tawag ko pa sa kanya at agad din naman siyang napaangat ng tingin.

"Kirs!" tumitili pang aniya at halos takbuhin ang espasyo naming dalawa.

"O, anong balita?" Dinaanan ko pa ng mga daliri ang kulay light green niyang buhok. "Bukod sa green pa rin ang buhok mo?"

"Gaga! Patay na patay ang jowa ko sa buhok kong 'yan," natatawang sagot pa niya.

"So, ano ngang balita?" tanong ko pa habang naglalakad papuntang canteen.

"Sali tayo sa Performer's Theatre Club!"

"Theatre?" Kumunot ako dahil sa pagkakaalam ko ay wala naman siyang hilig doon.

"Yeah. Sabi mo, gusto mo, 'di ba?" Mabilis pa niyang iniangkla ang kamay niya sa akin nang unti-unti nang dumarami ang mga tao.

"Ako, oo. E, ikaw?" Nag-angat ako ng kilay dahil sa pagkakaalam ko, kahit na minsan ay hindi siya nagkainteres sumali sa kahit na anong club maliban na lang kung nire-require ng mga professors.

"May crush kasi akong bibida sa Makabagong Romeo and Juliet! Malay mo naman palarin akong mapili, 'di ba?" excited pang aniya.

I couldn't believe this. May boyfriend siya, pero nakukuha pa talagang magpa-charming sa iba.

"Ibang klase ka, Yuri," sabi ko pa sabay ikot ng aking mga mata.

Nang makarating kami sa canteen ay halos mapuno iyon ng mga estudyante. Sabay kaming nagmasid sa paligid at naghanap ng mauupuan.

"Kirs, dito ka na," kayag pa ng isa kong kaklase sa Philosophy. He's cute, but I am not just interested.

"Thanks, but no thanks, Rome," sagot ko na lang sabay tipid na ngumiti.

Ayoko na lang din na mabigyan siya ng kahit na anong maling impression. Hangga't maaari ay iniiwasan ko talagang makipagkaibigan sa mga lalaki dahil karaniwan ay hindi naman pakikipagkaibigan lang ang nagiging pakay nila sa akin.

CRAZY IN LOVEUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum