Chapter 13

30K 910 23
                                    

Chance Daniel

After the program ay naiwan kami sa hall kasama ang pamilyang Greene. Nauna nang umalis sina Vaughn at Dalton na may kasamang mga babae. Those assholes are not really wasting their time, huh?

Nang makita kong papalabas na si Kirsten sa backstage ay dumiretso ako nang tayo at nagpamukhang kaswal. Though, I had to admit that I am really nervous. And, I really didn't know why!

"Mom! Dad!" nakangiting bungad pa niya at bahagya pang napatakbo palapit sa kanyang parents.

Agad namang sumalubong ang mag-asawa at sabay na niyakap si Kirsten. Sumulyap din sa akin si Zimmer na para bang pinapanood ang reaction ko. He even grinned as if he knew something.

"You were amazing, sweetheart," malambing pang sabi ni Tito Seb kay Kirs na sobrang luwag nang pagkakangiti.

"Thanks, Dad," nakangiting sagot pa niya.

"Kirs," mahinang tawag pa ni Ty. "Congrats, li'l sis," nakangiti pang bati nito sabay yakap sa kapatid. Kahit pa suplado si Tyrone ay malambing siya pagdating kay Kirs.

"Thanks, Kuya."

"Kirs, you owned that stage." Si Terrence na ibinuka pa ang kanyang mga braso para yakapin si Kirs. Kumindat pa sa akin ang loko na parang nanunukso.

"Thank you," nakangiti pang ganting yakap ni Kirs sabay tapik sa balikat nito.

Nang bumaling ang mga mata niya sa akin ay hindi ko tuloy malaman kung yayakapin ko rin ba siya o papaano?

Oh, such a pussy Chance!

"Chance Daniel, I wasn't expecting you here," makahulugan pa niyang sabi.

"I wouldn't miss it for the world, baby girl," nakangiti ko pang sabi.

I meant it. Every word. Kung nag-aalangan man ako, it's because of what I felt for her.

Lalong lumuwag ang ngiti niya na parang iyon ang gusto talaga niyang marinig.

"Come on. Give me a hug." Sinenyasan ko siyang mas lumapit at namumula ang kanyang mga pisngi na yumakap sa akin.

Tito Seb grinned.

Tita Ady smiled.

Tyrone was just looking, but I couldn't truly tell what he's thinking.

Terrence chuckled.

Zimmer sighed and smiled bitterly.

"Congrats, baby girl," bulong ko pa sa kanyang tainga. Brushing my lips on the side of her ear.

"Thank you," malambing pa niyang sabi sabay hiwalay sa akin. She was biting her lower lip as she fixed her gaze at me and her cheeks flushed.

And just that, I couldn't look away. She's so beautiful that my heart was hammering against my chest pretty badly. It's almost painful, but comforting at the same time.

"We should celebrate," sabi pa ni Tito Seb na nakaputol sa pagtititigan naming dalawa. "My treat."

Nag ubu-ubuhan pa si Terrence habang nakangisi sa akin.

Asshole.

"I can't..." Umiling ako at isinuksok ang aking mga kamay sa bulsa. "I have stuff to do. Maybe some other time, Tito," apologetic ko pang sabi kay Tito sabay baling kay Kirsten. "Sorry, Kirs."

"I-t's okay..." Mapakla pa siyang ngumiti. She seemed not so happy about it. I am, too.

"Sayang naman, Chance. Ang tagal ka na naming hindi nakakasama," malungkot pang sabi ni Tita Ady.

CRAZY IN LOVEWhere stories live. Discover now