Chapter 19

26.9K 833 64
                                    

Chance Daniel

Bago pa man kami makaalis sa school ay inulan na kami ng tukso ng barkada. This was new to them. Wala naman akong pinakitaan ng ganitong atensyon maliban kay Miley. And yeah, well, Kirsten was an exception to that. Pero alam din nilang hindi ako seryoso kay Miley kahit pa ilang beses kong sinabi na seryoso ako, mapagtakpan lang ang feelings ko para kay Kirsten. Kung hindi sila kumbinsido sa palabas ko ay hindi ko alam kung papaano nila napagtanto iyon.

Inihatid ko si Jorge sa condo na tinutuluyan niya. Kilala ko ang pinsang tinutukoy ni Jorge, pero hindi ko lang din maalala ang pangalan. Madalas ko iyong makita sa school kasama ang barkada nitong kabilang din sa third sex.

"Para tuloy ang laki ng noo mo," nakangiting biro ko pa habang nakasakay kami sa lift.

I really enjoyed talking to Jorge. May kakaibang hila sa akin ang ngiti niya. It was actually refreshing.

"Oo nga, lalo tuloy akong pumangit," nahihiya pang aniya sabay takip ng buhok sa kanyang bukol.

"Are you sure wala ng ibang masakit pa sa'yo?" Mataman ko siyang tinitigan sa mukha habang siya naman ay tila namumulang nagbalik ng tingin.

I couldn't deny the fact that I liked this woman. There was something in her that I found so irresistible. Wala siyang make-up sa mukha, pero natural na mamula-mula ang kanyang mga pisngi pati na rin ang labi.

Parang si Kirsten lang din...

Oh no, don't even go there, Chance.

"W-ala..." Bahagya pa siyang umiling.

"Ano ngang name ng cousin mo?"

"Cary."

"Yeah, Cary... Alam ko nga close sila ni Ty." I smiled.

"Nakahihiya... Hindi mo na sana ako hinatid. Sobrang abala ang ginawa ko."

"It's okay. Gusto ko lang masiguro na safe ka pag-uwi mo," sagot ko pa sabay lahad ng kamay at pinauna siya palabas ng lift.

Nang makarating kami sa tapat ng condo unit ng pinsan niya ay nag-aalangan pa siyang kumatok. Tipid pa siyang ngumiti nang marinig namin ang kaluskos palapit sa nakasarang pinto.

Dumiretso ako nang tayo at hindi nga nagtagal ay bumungad si Cary na topless. His hair was disheveled and he was just wearing boxers like he's gone out of bed. I could almost predict what he was doing.

"Couz! Ang aga mo yata?!" Kunot-noo pa siyang tumitig kay Jorge bago magbaling ng tingin sa akin. "May bisita ka pala."

"Kilala mo naman siguro si Chance, Insan," medyo matigas pa ang dating ng boses ni Jorge na para bang nagbabanta.

Nakairap namang binalewala ni Cary ang sinabi ni Jorge at malapad ang ngiting humarap sa akin.

"Of course, Couz. Hi, Chance!"

"Hey, Cary," kaswal ko rin namang bati.

"Pumasok ka muna," imbita rin naman ni Cary na bahagya pang umatras sa likod ng pinto para bigyan ako ng daan.

"No. Some other time, maybe. Inihatid ko lang naman si Jorge," tanggi ko pa sabay baling kay Jorge na sobrang pula ng mukha.

"Jorge... ahh..." Cary said playfully.

Naikuwento ba niya ako sa pinsan niya?

"Jorge, I really need to go. I hope you're okay," paalam ko rin naman. Alam kong may trabaho pa si Jorge sa gabi. Ayoko namang sayangin pa ang oras na makapagpapahinga siya.

"I'm good. Salamat, huh," nahihiyang sabi niya at bahagya pang ngumiwi.

"I'll see you tomorrow?"

CRAZY IN LOVEWhere stories live. Discover now